Chapter 52: Do You Still Love Me?

Începe de la început
                                    

"But you're there, nakita kita sa araw ng graduation ko."

"Nandun ako, ilang oras bago ang flight ko. Wala ako dapat doon, wala sa plano ko ang magpakita sayo but I really wanted to be part of that special day of your life.. Kahit sandali lang."

Naisandal ko ang noon ko sa baba nya kasabay ng pagbuhos ng masaganang luha sa mga mata ko. Halos humagulgol ako sa sobrang panghihinayang at sakit sa nangyari sa aming dalawa. Mahal na mahal ko sya, mahal na mahal nya ako pero bakit kailangan mangyari noon.

"I'm sorry, baby. I'm sorry. Sobra akong natakot. Ayokong mapahamak ka at kahit na sabihin kong ako nalang ang mapapahamak sa ating dalawa ay natatakot ako. Baby, I'm afraid of not being with you."

Mas lalo akong napahagulgol. Ang laki ng hinanakit ko sa kanya pero hindi ko alam kung ano ang mga naging sakripisyo nya para sa akin. Hindi ko man lang naisip ang lahat ng pinagdaaanan nya bago naging kami.

"Noong nasa Barcelona ako, wala gabi na hindi ko naiisip kung ano ang ginagawa mo. Kung nakalimutan mo na ako, kung may babalikan pa ba ako kung sakali. Iyon ang pinakanakakatakot na pakiramdam sa lahat."

Nakayuko ako at habang nakabukas ang mga mata. Tuloy tuloy ang agos ng mga luha kong hindi mapigilan. Bumukas ang ilaw pero hindi ko iyon pinansin. Hinawakan nya ang baba ko at ramdam ko ang dahan dahan nitong pag-angat sa mukha ko. Doon ko nakita ang pulang pula at namamagang mga mata ni Callie. Maging sya ay may bakas ng luha sa mata at pisngi.

"I love you, baby. I'm sorry for the pain I've caused, hindi mo man ako patawarin ngayon…I have all the time in the world para patunayan sa iyon na mahal na mahal kita…sobra. Wala akong pinagsisisihan dahil nailigtas kita, pero humihingi ako ng tawa sa lahat ng sakit na naibigay ko. I'm sorry."

Umiling ako at pinunasan ang mga mata ko gamit ang likod ng palad ko.

"Alam ko, naiintindihan ko. I'm sorry, Callie. Naging makasarili ako sa nararamdaman ko, inisip ko na ako lang ang nasasaktan pero hindi ko naisip na nasasaktan ka rin. Sorry."

"No, baby. I'm fine. I have you now, I'm okay."

Hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin iton ng mahigpit. Halos mapahiga sya sa kama sa pagkakayakap ko.

"Venia…"

"Callie?"

"D…do you..do you still love me?"

Kumalas ako sa pagkakayap at tumingin sa mga mata ko. Kitang kita ko ang sobrang pananabik at sobang pag-aalala dito. Napangiti ako at bahagyang tumawa kahit puno pa ng luha ang mga mata ko.

"…Mahal na mahal, Callie…sobrang sobra..mahal na mahal kita."

Muling nagtubig ang mga mata ko at naramdaman ko ang pagbara ng lalamunan ko. Muli akong yumakap dito at ipinagsisikan ang mukha ko sa leeg nya.

"I love you too, I love you too, wife."

I Need A Girl (Completed)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum