Napa-tingin ito sa akin at sumilay sa kanyang labi ang isang ngiti..

“Hindi mo na kailangan pang malaman sapagkat pagmamay-ari ko sya” sambit nito.

Napa-tawa ako bigla.
“Hindi mo pagmamay-ari ang isang taong tinanggalan mo ng pagkakataong magmahal sa tunay nyang minamahal” matalim na sabi ko at saka ko ito sinamaan ng tingin..

Bigla namang nagbago ang titig nito sa akin. Nakikita kong hindi ito nasiyahan sa sinabi ko. Sigurado akong nilalamon na sya ng mga kasalanan nya ngunit hindi nya lang ipinapahalata.

Nagulat ako ng bigla itong humalakhak ng tawa. Napa-kunot naman bigla ang noo ko sa inis dahil sa mala-demonyong tawa nya..

“Hindi ko kasalanan kung namatay ng sadya ang daddy ni Theo. Basta ang akin lang, makuha ang mga pagmamay-ari ko”

Ako naman ngayon ang napatawa.
“Hindi kasalanan? Hindi ba't ikaw ang pumatay sa kanya?” nanatili akong akong nakatitig sa kanya. Kita ang gulat sa kanyang mukha dahil sa sinabi ko. “Nakakatawa, ginawa mong patayin ang isang kaibigan dahil lang sa mga bagay na yun 'no” sambit ko at nginisian sya. Nanatili lang syang nakatingin sa akin.

Huminga ako ng malalim at sinabayan ang tingin nito. “Napaka galing mo talagang umangkin pagdating sa mga bagay na din naman sayo. At pati ngayon nadadamay ako.”

Tumingin ito ng matalim sa akin.

“Matagal ka ng damay dito Jia. Matagal na kitang tinatangkang patayin” bigla akong kinilabutan sa mga salita nito.

Hindi lang pala si Theo ang nasa panganib ang buhay kundi pati ako. Hindi ko alam na may mga tao na palang tinitignan ako ng hindi maganda..

Ngumisi sya. “Pero wag kang mag-alala. Hindi ka nag-iisa”

Bumukas ang pinto ng kwarto. Halos manlamig ako sa gulat ng makita na hawak ng dalawang lalaki si mom and dad.

“Mom! Dad!” sigaw ko. Pareho silang napatingin sa akin. Umiiyak na si mommy at si daddy naman ay seryoso ang mukha ngunit nagbago ito ng nakita ako..

“Jia! Anak!” dad

“Jia!!” mom

“Hayop ka! Pakawalan mo sila!!” sigaw ko. Pinanuod ko kung paano nila itulak paupo sila mom and dad. Parehong nakatali ang kamay nila. At pareho namang nakatutok ang baril ng mga ito sa kanila.

Hindi ko maiwasang mapaluha dahil magkahalong emosyon. Galit at pag-aalala. Muli kong tinapunan ng masamang tingin si Warren.

“Napaka-demonyo mo talaga!!” sigaw ko sa kanya. Hindi ko mapigilan ang luha ko dahil sa inis na nararamdaman ko.

Napatawa na lang ito. “Matagal na akong ganito Ms. Cortez. Hindi ka pa buhay ay ganito na ako”

Hindi ko mapigilan ang umiyak dahil sa mga nangyayare ngayon. Nabuhay ako ng maayos, nakita ko kung paano pinaghirapang palaguin nila mom and dad ang kompanya namin pero magugulo lang at masisira ng isang tao. Nanggagalaiti ako dahil sa inis ko sa lalaking kaharap ko ngayon. Mukha syang matino dahil sa itsura nya at pustura. Makikita mong mag-ama talaga sila ni William pero iba ang mga ugali nila.. Hindi ko kilala gaano si William pero alam kong hindi magiging ganyan si William kung di dahil sa ama nya.

Hindi ko inaakalang masasangkot kami ng pamilya ko dito.. Sa lahat ng mga nakakalaban nila sa company namin ay nagiging kaibigan din nila. Ngunit si Warren ang nag-iisa na ang nais ay sirain ito.

“Tandaan mo ang araw na 'to Warren. Sa oras na makalabas ako dito ay papatayin kita!” sigaw ko sa kanya dahilan para tumawa ito ng malakas..

Tumawa ito ng tumawa. Nagulat ako ng bigla nitong hinampas ang salamin sa harapan namin. Halata ang labis na galit sa kanyang mga mata ngunit nananatili sa kanyang mga labi ang nanunuyang ngiti..

Words of my heartWhere stories live. Discover now