Chapter 18

931 37 9
                                    

~*~

Matheo Mejia

“So, ano ng plano mo hyung?” tanong sa akin ni Tim sabay subo ng chips. Andito sila ngayon sa bahay dahil pinilit ko silang dito matulog, kaya eto kami ngayon nasa kwarto ko at nag m-movie marathon..

“Hindi ko pa nga alam e.” sagot ko.. Napa-hinga nalang ako ng malalim sabay subo ng Pic-A na nilagay ko sa bowl..

Naikwento ko na din kase sa kanila yung nangyayare dito habang wala sila. Pati na din yung panliligaw ni Warren kay mommy at ang pagtatanong sa akin ni mommy nung lumipas na araw..

Hindi ko alam, pero ganun nalang talaga ang takot ko na baka makita uli si mommy sa dating kalagayan nya nung namatay si daddy. Ayoko namang maulit yun sa kanya kaya hangga't maaari mas masaya ako ng kami lang dalawa.

“Wala talaga akong tiwala sa lalaking yun” dagdag ko pa sabay tingin sa pinapanuod namin..

“Mukha namang mabait yung daddy ni William, kaso nga lang~” napa-tingin kaming pareho ni Tim kay Cody hyung na ngayon ay naka dapa sa kama ko at tutok sa pinapanuod namin habang kumakain ng chips.

“Kaso ano?”

“Mukha syang masama” bigla namang kumunot ang noo ko.. Ano daw?

“H-huh?”

Dahan-dahan itong lumingon sa amin.. At kahit na mukhang blangko ang ekspresyon ng mukha nya, halatang hindi nya din na-gets yung sinabi nya.. Dahilan sa biglang paagalpak ng tawa si Tim dahil sa sinabi ni Cody hyung..

“HAHAHA! Wag kang magtatanong dyan hyung, hindi nakaka relate yan sa usapan” at tumawa uli si Tim.

Bigla nang tumayo mula sa pagkaka dapa si Cody hyung. “Gago ka ah!!” dumampot ito ng fries at ibinato kay Tim..

“Eh biro lang hyung” sambit naman ni Tim at saka uli tumawa.. Halatang di sya sincere sa sorry nya..

“Pero ano nga hyung?” tanong naman nito sa akin..

“Hindi ko talaga alam.. Mahirap mag desisyon lalo pa't ayokong makita si mommy sa dating kalagayan nya. Kaya ayokong masaktan uli sya kaya hangga't maari di ako papayag” sambit ko..

Mahirap kase talagang pag desisyunan ang mga bagay na nangyayare sa buhay ko ngayon. Lalo na ito.. Kilala ko yung Warren na yun. At alam ko, pakiramdam ko talagang di magiging maganda ang lagay ni mommy sa mga kamay nya kaya hindi ko magawang pumayag sa kanila..

Napa-hinga ako ng malalim.. “Oo, kaibigan ni daddy yung lalaking yun. Pero hindi ko padin magawang maging komportable kapag sya ang kasama ni mommy e.. Mukha ngang mas gugustuhin ko pang makita si mommy na maka hanap ng iba kesa yung makasama nya yung lalaking yun” paliwanag ko sa kanila..

Siguro sobrang madrama, pero iba nang usapan to' e. Hindi na ito masasabing drama dahil nga personal na.

Lumapit naman sa akin si Cody hyung at inakbayan ako.. “Deserve ni tita ang maging pasaya,. Nasa'yo yun kung gusto mo yong makita” napa-tingin ako bigla sa kanya..

Napa-ngiti nalang ako sa kanya.. Bakit tong isang taong to' kahit na hindi sya yung tipo ng tao na laging nakaka-relate sa pinag uusapan namin, siya padin yung tipo ng tao na talagang naiintindihan yung topic namin.. At yubg mga advice nya na, kahit na bilang lang ang mga salitang ginamit mya at iisang sentence lang ito at malaman padin..

Words of my heartWhere stories live. Discover now