Sila Iko, Elo, Clinton at Storm kasama ng matatandang Aragon ang lumapit patungo sa mga kapwa nila Business Tycoon para makihalubilo, makibalita at makipag-usap.

Habang ang mga babae naman ay nagsamasama sa iisang table.

Si Araya ay agad na sinimulan ang trabaho niya ..

“Galit galit muna tayo .. magtatrabaho ako ..” saka nito inilabas ang isang notebook at balllpen.

“Hanep Friend .. hanggang dito ginagamit mo pa din kami sa pagpapayaman mo ..
“ natatawang sabi ni Venice.

Hindi naman kasi lingid sa kaalaman nila na kaya pumasa si Araya sa Journalism Club ay dahil sa mga kwento ng buhay nila ..

“Sorry. Pero trabaho lang walang personalan ..” natatawa din na sabi ni Araya at nag dekwatro ng upo. “Oh start na .. “

Katulad ng dati ay natapos ang interview na puro kalokohan ang mga napag-usapan nila .. 

“I’m very curious kung paano mo masusulat ng matino yan Araya.” sabi sa kanya ni Dara ..

“Keri lang .. ganyan naman kayo .. pagdating sakin pahirapan .. para tyaong di magkakaibigan ..”

“Edi ba sabi mo galit galit muna?” katwiran din ni Chelsea.

“Oo na .. oo na .. yan tayo eh ..”

Natigil ang pag uusap nila ng mapalingon sila sa grupo nila Elo kasama ang ibang mga Business Tycoon  .. pero ang mas nakakuha ng atensyon nila ay ang babeng wagas kung makahaplos kay Elo ..

Walang iba kundi si Kara ..  ito lang ang nag iisang babae sa grupo ng mga kalalkihan ..  at ang hitad akala mo kung sino na humahagod sa likod ni Elo pababa at pataas .. habang si Elo ay tila hindi ito napapansin at busy pa rin sa pakikipag usap sa iba .. hindi ata nito napapnsin na napgsasamanatalahan na sya ..

“Uh-oh .. bitch alert.” Bulong ni Dara na sa pandinig ni Venice ay translation sa .. susugod na ba tayo?’

“oooh . I smell trouble ..” gatong din ni Venus.

“Mukang may malalgasan ata ng buhok ngayong gabi ..” natatawa na din si Chelsea ..

Si Araya ay kinuha ang pagakakataon na yun para sa kanyang scope.. trabaho lang naman daw.

“No guys .. wala naman malalagasan ang  buhok .. may mababawasan lang ng kalandian ..” naka smirk na sabi ni Venice while she crossed her arms.

Pare parehas silang nakatutok sa gawi ni Kara .. tila binabantayan ang mga kilos nito .. at ang pinakahihintay nilang oras ay dumating na .. lumingon ito sa gawi nila .. pero imbis na magulat ay nakangiti pa itong tila nang aasar ..

“Well, the bitch came back. Bitchier this time...”

“Then I will show her the bitchiest of all the bitches ..” sabi ni Venus na nakaupo pa din .. gigil na gigil na talaga sya pero minabuti na nyang hintayin na ito ang gumawa ng sarili nyang  eskandalo ..

At di nga sila nagkakmali .. unti unti itong naglakad papunta sa kanila ..

“It’s showtime ..” tumayo si Venice at inayos ang mahaba nyang gown … making sure na hindi sya matatalbugan ng kalandian nito ..

Mahirap na .. maganda lang sya .. malandi si Kara .. wala .. talo na ..

“Hi ..” maarteng sabi nito ..

Walang sumagot sa kanila .. pero nakapaskil ang mapaglarong ngiti sa mga labi nila ..

Hawak ng isang wine glass na may laman ay dahan-dahang lumapit si Venice kay Kara .. at pasimpleng tinapon sa dress nito ang lahat ng laman nun .. sakto sa nagmumurang hinaharap nito na halos lumuwa mula sa napakababang neckline ng suot nitong evening gown.

Dear LoveBug (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon