not even a SAD story ♥ july2014

1K 54 39
                                    

"Hoy Unggoy! Ang tanga tanga mo talaga! Kahit kailan! Maganda naman ako, mabait pero bakit di mo man lang mapansin ang pag-ibig ko sayo? Ginawa ko lahat para lang sayo. Humingi ka pa ng favor sakin na maging Love Bridge nyo ni Tamara. Kahit masakit ginawa ko makita lang kitang sumaya. Tsk! Ganon kita kamahal e. Nagpakatanga na ako! Tsk! Ang sakit sakit alam mo ba yun? Kasi yung besfriend kong lalaki nainlove sa bestfriend kong babae. Alam mo naman na kayo ni Tamara ang tinutukoy ko diba? Pero alam mo nang umamin sakin si Tamara na mahal pa rin nya si Harry na pinsan ko? Natuwa ako. Kasi alam kong wala ka nang pag asa kay Tamara. Simula nun lagi na tayong magkasama. Lagi tayong masaya. Gumawa pa tayo ng clan naten, ako yung Founder at Ikaw naman ang Co founder. Yung 2nd geb naten sabay tayong pumunta. Haha nakakatawa nga e kasi tayong dalawa lang ang sumipot sa geb naten. Pero kahit dalawa lang tayo ang saya pa rin naten. Nagtatawanan tayo habang naglalakad kahit saan. Tinanong mo pa ako na kung mababasted ka kay Tamara pede mo na ba akong ligawan? Natatawa ka pa nga e habang tinatanong mo sa akin yun. Nginitihan lang kita bilang sagot. Alam mo bang kilig na kilig ako dun? Haha gusto ko sanang Sagutin ka ng OO pero alam kung niloloko mo lang ako. Lagi naman e kaya sanay na ako. Pagkatapos nang araw na yun na walan na tayo ng connection. Hindi na rin tayo nagkikita. Hindi ka na rin pumupunta sa tindahan namin. Miss na miss kita nuon. Nakasanayan ko kasi na pag ako ang nagbabantay sa tindahan namin ikaw ang lagi kong kasama. Pero Wala na. Hindi na iyon mauulit pa. Isang taon na ang lumipas ng muli tayong magkita. Oct. 10 napadaan ka sa tindahan namin. Pinag sisgaw mo pa nga ang pangalan ko e. Tinawanan lang kita. Nakakamiss makipagkulitan sayo. Oct 16 ng madaling araw. Nag paparty kami ng pinsan ko. Kasi Birthday ko. May nabalitaan kaming may nasagasaan daw sa kanto. Bigla akong kinabahan hindi ko alam kung bakit. Kinaumagahan nagising ako dahil sa di ko inaasahang balita. "Anak Shyne gising! Si Ried namatay na. " Sabi ni mama sakin. Gulat na gulat ako dun. akala ko kung nabibiro sya pero hindi pala. Iyak ako ng iyak ng malaman ko na patay ka na. Namatay ka dahil sa car accident. Nabundol ka hindi kinya ng puso mo dahil ang mga buto ang mismong natusok sa puso sa mo. Pumunta muna ako sa tindahan namin para magbukas. Kasama ko ang pinsan ko. Tinuturo nya saakin kung san ka nasagasahan banda. " Shyne yang tinatapakan mu. Dugo ni Ried" sa dinami dami ba naman ng matatapakan ko dugo mo pa. Naiyak ako ng makita ko ang dugo mo. Halatang Fresh pa ito. Eto bulaklak para sayo unggoy! Dahil mo yan sa langit a! Di naman kita pedeng sapakin kaya bibigyan na lang kita ng bulaklak. Ang daya mo nu!? Kasi nangiiwan ka ng walang paalam man lang. Iniwan mo ako mismong birthday ko. Sayang! Hindi ko pa nasasabi sayo na mahal na mahal kita"

Sabi ko saknya sa harapan ng kabaong nya. Iyak pa rin ako ng iyak. Sarado ito. Ayaw daw buksan ng mga magulong nya dahil nasira daw ang mukha nya kaya hindi mo sya mamumukhaan.

Umupo na ako sa tabi ng mga pinsan ko. Di ko alam kung bakit nagpipgil sila ng tawa. E namatayan sila ng batchmate.

Lumapit saakin si Drake ang pinsan ni Ried. "Ate alam mo ba na pupuntahan ka sana ni Kuya Ried kasi Birthaday mo raw. Dala dala nya tong teddy bear para iregalo sayo. Pero hindi na ito nakaabot sayo kaya ako na ang magbibigay sayo" Sabi nya sabay bigay sakin ang teddy bear. Ang Cute nya tas ang laki. May pinipisil pa sa kamay nya yung recorder ba. Pinisil ko ito magrerecord sana ako nang biglang may nag salita. Naiyak ako ng marinig ko ito. E kasi naman huhuhu . " iLOVEYOU SHYNE" ang nakarecord. Boses ni Ried. Mahal nya ako ? Bakit ngayon lang ? Bakit ngayong patay na sya saka ko lang nalaman na mahal nya ako.

Inaalis ng mga kalakihan ang Kabaong ni Ried. lahat ng may kinalaman sa lamay. Yung mga bulaklak basta lahat. Nakakapagtaka naman. Imposibleng ililibing na sya kasi sa susunod pang araw ang libing nya. Tsaka Gabi na. Biglang nagsitahimik ang mga tao. At biglang may kumanta. Ka boses ni Ried yun a. Hinanap ko kung saan banda ang kumakanta pero di sya makita ng mga mata ko. Siguro na karecord yun. Naiiyak nanaman ako kasi yung kanta, yun yung lagi naming kinakanta ni ried. huhuhu

Chorus na ng kanta. Bakit eto pa ang kinanta. Nkakamiss tuloy si Ried

That you're always in my heart,

You're always on my mind

But when it all becomes too much,

You're never far behind

And there's no one that comes close to you

Could ever take your place

Cause only you can love me this way

Nananaginip ba ako? Bakit ganto. Nasa harapan ko si Ried tas kumakanta sya. Sabihin nyo nababaliw na ba ako? O minumulto ako ni Ried.

I could have turned a different corner

I could have gone another place

Then I'd of never had this feeling

That I feel today, yeah..

"Hi Shyne!^__^ Sorry kung ganto ang naisip naming plano. Buhay pa ako. Buhay pa ako kasi nanjan ka, ikaw ang buhay ko! Santong paspasan na sana ang gagawin ko pero natatakot ako sa mga magulang mo. Kaya kinausap ko sila para sa plano ko. Narinig ko lahat ng mga sinabi mo kanina habang kaharap mo ang kabaong ko kuno. Nakarecord lahat ng sinabi mo kaya di ka na makakatanggi sa akin. Kung tatanggi ka pagpasensyahan nalang po mga manugang, Santong paspasan na ag gagawin ko. " Si Ried

"Ang sama sama mo talagang unggoy ka! Iyak ako ng iyak sa akala ko a patay ka na pero hindi pala! Alam mo ba kung gano kasakit ng malaman kong patay ka na huh!? Ang sakit sakit. Parang mababaliw na ako. Kanina akala ko nanaman kung minumulto mo ako pero totoo ka!" hinampas hampas ko sya. Lagi nya na lang akong niloloko *pout*.

Niyakap ako ni Ried saka sya bumulong sa akin " Mahal na mahal kita. Ikaw lang ang babaeng minahal ko. Hindi ko naman talaga niligawan si Tamara e. ginamit ko lang sya para paselosin ka. Nung birthday mo pumunta talaga ako. hindi mo lang ako nakita kasi umalis agad ako. Narinig ko lahat ng sinabi mo na mahal mo ako. lalapitan na sana kita para sabihin ding mahal kita pero biglang niyakap ka ni Jake. Habang nakatingin sya sa akin ng masama. Kaya napagdesisyunan ko na gumawa ng plano para mabawi kita kay Jake. And at last nabawi kita ngayon! WillyoumarrymeShyne?"

kaya pala. pero hindi ko narinig ang huli nyang sinabi. Ang bilis kasi ng pagkakasabi nya.

"Ano na yung huli mong sinabi?" tanong ko.

"AngSabiKoWillYouMarryMeShyne !?" Pasigaw nya sabi. Pero di ko parin naintindihan.

" Ano ulit? bagalan mo kasi. Parang may humahabol naman sayo"

"Ahem ! S-Shyne W-W-Will you ma-marry me?" sabi nya na my halong kaba

"hahaha. Abnormal ka ba? ayosin mo nga salita mo"

Lumuhod sya sa harapan ko. Saka nya nilabas yung sing sing

" Will you marry me Shyne?"

"Ahm ayoko. Niloko mo kasi ako e"

"Whaaaat !? Okay sorry babe ? Kung ayaw mu cge. tototohanin ko na lang ang pagpapanggap ko kanina. magpapakamatay na lang ako"

O.O seryoso? dinga? " Hoy Ried Buenavista! Yes I do ! Magpapakasal ako sayo! Mahal na mahal kita!" sigaw ko sakanya.

" Yes!" sabi nya saka nya nilagay yung sing sing ka daliri ko.

Nagpalakpakan naman ag mga tao. Sina mama ang saya saya nila. Walangya sila. pinagkaisahan nila ako huhu anyways basta engaged na kami ni Ried. At titiyakin kong magiging happily ever after ang story namin ^__^

One shotWhere stories live. Discover now