​"Shut up, Izabelle!" sigaw nito na mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa kanyang braso.

​"Tama na Carmilo! You're drunk, please let me go!" tulak niya rito at mabilis itong iniwanan sa mini-bar nang mabitiwan siya ng binata.

​Tuloy-tuloy siyang umakyat sa kanilang kwarto at tila nanghihinang napaupo sa kama. Ano ba ang problema ng binata at galit ito sa kanya? Wala naman silang ginawang masama ng dating kasintahang si Anthony ah.

Napapikit siya nang mariin nang marinig ang pabalyang pagbukas ng pintuan. Kaya agad siyang tumayo at napalunok ng laway nang pabagsak na isinara nito muli ang pintuan at lumapit sa kanya.

​"Tell me, Izabelle.. Did you have sex with Anthony?"

"What?! Are you crazy!?" bulalas niya. Hindi niya inasahan na marinig niya iyon sa binata. "My God, Carmilo," napailing siya at napatayo mula sa kama. "Paano mo nasabi sa akin ang ganyan? Of course not! Why should I do that?"

​"Don't tell a lie, Izabelle!"

​"I'm not lying! For God's sake! He's my twin's husband, Carmilo!" sigaw niya rito.

​"But he's your first love! At hindi imposibleng mangyari iyon para mabawi mo siya sa kakambal mo!"

Parang sinampal siya ng sobrang lakas sa sinabi nito kung kaya't mabilis na bumagsak ang kanyang mga luha. Kasabay niyon ay mabilis na umangat ang kanyang kanang palad at lumagapak na dumapo sa pisngi ng binata.

"How dare you to say that damn words to me, Carmilo?" mapait ang boses na turan niya sa binata at tinalikuran ito.

Nagmamadali siyang pumasok sa banyo at agad na inilock iyon para doon ilabas ang kanyang hinanakit sa binata.

Puno pa rin ng luha ang kanyang mga matang napasandal sa likod ng pintuan at masama ang kanyang loob sa sinabi nito. Paano nito naisip ang bagay na iyon?

God!

Ganoon na ba kababa ang tingin nito sa kanya? Mas lalo siyang napaluha na itinakip ang mga palad sa kanyang mukha. Napagulgol pa siyang unti-unting napaupo sa sahig habang umiiyak.

TILA nahimasmasan naman si Carmilo nang lumagapak ang kamay ni Izabelle sa kanyang mukha. Kasabay niyon ang mabilis na pagbagsak ng luha nito at patakbong pumasok sa banyo.

Mariin siyang napapikit at naikuyom ang kanyang mga palad dahil sa sobrang galit. Hindi para sa dalaga, kundi para sa sarili mismo niya dahil sa sobrang selos na nararamdam.

​Kanina, nang makarating siya sa hospital ay nakita niya ang dalaga kasama ang dating kasintahan nitong si Anthony.

Maingat nitong inaalalayan ang dalaga hanggang sa makasakay sa kotse nito. At sa mga oras na iyon ay halos sasabog ang puso niya sa sobrang selos.

And god knows, kung paano niya napigilan ang sariling huwag lapitan ang dalawa at pagsusuntukin ang kasama nito!

​Instead ay lihim niyang sinundan ang dalawa na humantong sa isang coffee shop. At tamang-tama namang nakapuwesto ang dalawa sa gilid kung saan ay kitang-kita niya ang dalawa mula sa kanyang kotse dahil sa malinaw na salamin lamang ang nagsilbing dingding nang naturang coffee shop.

Ngunit ang lihim niyang pagmamasid sa dalawa ay hindi niya kinaya. Lalo na nang masinsinang nag-uusap ang dalawa at ilang sandali lang ay umiiyak na ang dalaga na siya namang niyakap ng huli. Iyon ang eksenang hindi niya natagalan dahil parang nasasakal ang puso niya sa tanawing yakap-yakap ng ibang lalaki ang dalaga. And to think, na ang lalaking pinakamamahal pa nito ang kayakap nito.

​At bakit ito umiiyak? Ano ang kanilang pinag-usapan dahilan ng pag-iyak nito? Posible kayang mahal pa nila ang isa't isa kung kaya't hindi naiwasan ng mga ito ang ganoong eksena? Biglang nagdilim ang kanyang paningin kanina at dahil na rin sa sobrang selos na nararamdaman ay mabilis niyang pinaharurot ang kanyang kotse paalis sa lugar na iyon.

​And here he is, instead na hospital ang pupuntahan niya ay nagpakalasing na lamang siya sa isang bar kanina. At mas lalong inatake ng selos ang kanyang puso nang makarating siya ng bahay ay wala pa rin ito. Malamang nag-eenjoy ito sa dati nitong kasintahan kung kaya't nagbabad siya sa kanyang mini-bar. Hanggang sa maabutan siya ng dalaga na naglalasing.

​At ito nga, dahil sa kung anu-ano ang pumapasok sa kanyang utak dahil sa sobrang selos ay hindi na niya naisip na nasaktan na niya ang damdamin ng dalaga!

Shit! What I've done?

Napasabunot siya sa kanyang sariling buhok at napabuga ng hangin na tinungo ang banyo at kinatok ang dalaga.

My Fake Wife (2nd Version) Complete Where stories live. Discover now