"aissshh..." nasabi naman ni King, buong lakas na nilalabanan ni Dark si MoonLight, saknya binunton ang nararamdaman nya ngayon, sa mga narinig nya sa asawa nya pati kay King...hindi nya alam kung anu na ang gagawin nya, umaapoy ang kanyang selos sa mga panahong ito, tumira muli si Dark ng isang suntok kay ML ngunit sa halip na masuntok nya ito ay sya ang nasuntok nito, napaatras at napaubo si Dark, sumunod naman si Prince, sinipa nito ang paa ni ML ngunit nakatalon ito ng mataas

"not fast enough.." sabi ng isang tao sa likod nya, napalingon naman ito at nakatamo ng isang suntok kay ML...hindi na nya hinintay na lumusob si King at sya na mismo ang lumapit dito, sinuntok nya ito ngunit nakahilag si King saknya, ng si King na ang sumuntok, ay nakahilag si ML ngunit nahawakan nya ang kamay ni King at hinatak ito, inikot nya ang kamay ni King dahilan upang mapatambling si King at lumagpak sa lupa

"aahh!* daing ni King ng bumagsak sya sa lupa...tumakbo si ML papunta sa isang mataas na parte ng venue at nanatili doon wari bang hinihintay na lumusob ang 3, nakatayo na si King mula sa pagkakabagsak nito, mukhang nakuha naman ni Dark ang tingin ni ML na wari bang nanghahamon, dahil sa inis ay tumakbo na sila palapit saknya, ngunit sa muling pagkakataon ay tumalon si ML saka nagsaboy ng harina/polbo dahilan upang hindi sya makita ng nasa baba, wala silang makita..napaubo din sila dahil sa amoy at nalalnghap nila

"ito na ba yung tinutukoy nyang presence dapat ang gamitin namin??? sh*T" sabi ni King sa isip nya, wala talaga silang makit ni isa, puro puti lamang ang nakikita sila

"bakit parang ang dami naman yata ng harina/polbo ang sinaboy nya?! sh*t mukhang may kasabwat sya aa.! hindi naman nya masasaboy ang ganitong dami ng harina..!"sabi naman ni Dark sa isip nya

***

"grabe ang intense ng nangyayari huh??!"Crystal

*cough*cough*cough* ubo nila habang nanunuod dahil sa harinang sinaboy sa venue, maski sila ay hindi makita ang mga naglalaban, ni hindi nila alam kung anu na ang nangyayari doon...

"huwaahhh!!! babe!" napakapit sa braso ni Thunder si Crystal dahil sa takot, tahimik kasi ang buong venue halos wala kang madidinig na tunog, kinakabahan din ang mga kasama at barkada nila dahil baka anytime ee saknila sumugod si ML

"Phoenix, siguraduhin nyung kasama nyu mga babae...nako..."pagpapaalala ni Queen Alodia saknila

"opo..." sagot namn ni Phoenix saknya

"sila Princess, Archer tsaka Hanelli po hindi po namin makita..."nagaalalang sabi ni Poison saknila

"gosh! wait ahmmm, stay here walang aalis dito, Rainbow try to contact them, baka macontact mo.." utos ni Queen Silvania kay Rainbow

"yes mama..!" sabi naman ni Rainbow saka kinontact yng tatlo

***

"sh*t nasan kana?! bakit hindi kapa lumabas dyan?! naduduwag ka na no?!" sigaw ni Dark habang palingalinga sya, nagabbakasakaling may mkita sya, pero tulad kanina ay puti lang ang nakikita nya

Origins of VarisWhere stories live. Discover now