-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Archer's POV

"Sh*t! Sino ba kasing nanghamon sakanya?!" natataranta kong tanong sa sarili ko habang nagdadrive na kulang nalang ee banggain ko na ang lahat ng sasakyan, tumawag kasi sila Poison, nasa may abandoned hospital daw sila ML sa labas yun ng Three Kingdoms, ibig sabihin wala sila sa teritoryo namin ng maglaban sila, but knowing ML wala syang pakelam kahit san sya makipaglaban, as long as hindi sya ang humamon lalaban padin sya kahit na labas sa teritoryo nya...

"WTF!!!" malakas at matagal na pagpindot ng busina ang ginawa ko ng may biglang sumulpot na sasakyan sa daan galing sa may kanan, syeet!! Barasubas, babae pa yung driver! Hindi ko nalang sya pinansin saka pinagpatuloy ko ang pagdadrive, t*ngna! ang layo! Ng makadating nako ay malakas na preno ang ginawa ko at tumakbo papunta sa may loob, doon nakita ko ang grupo, ako nalang yata ang wala dahil halos lahat sila nakita ko doon ay hindi wala pala si King, magkaharapan sila ML, Dark at Prince, si Dawn naman nakasandal sa may hood ng sasakyan ni ML, ang Ferrari 430 tinted black nya ang dala nya, its her favorite one, highschool palang yata kami ng iregalo sakanya yan ee, ang alam ko si Dawn ang nagregalo sakanya nyan, yeah I remember it, that was supposed to be Dawn's anniversary gift for her, pero dahil sa matagal na silang tapos, friendly gift nalang daw kahit pa na binigay nya yun sa mismong date ng supposed anniversary nila..wala syang pinapasakay ni isa dyan, mapakuya man nya o si Lady  Marsha, tanging sya lang ang sumasakay doon..

"Anong ginagawa nyu dito?" tanung ni ML samin, mukhang tapos na yung laban kasi wala na yung mga kalaban nya pero may mga dugo sa sahig, napuruhan siguro kasi wala man lang sugat ni isa si ML.

"T*nga kaba! Bakit tumitira ka sa labas ng teritoryo! Diba may usapan tayo sa gobyerno na ang teritoryo ay teritoryo?!" sigaw ni Dark sakanya, ngumise lang sya saka bumuntong hininga bago sagutin yung tanung ni Dark.

"Siguro nga t*nga ako, tsaka ano bang pakelam mo?! Hindi ako ang nanghamon, sila, pinagbigyan ko lang sila kaya ko pinatulan, nakakaawa naman, saka kung hindi nila ako pinuno edi sana hindi sila mas kawawa ngayon..." simpleng sagot nya na halatang may coldness padin, titig na titig nga sya sa mga mata ni Dark, lalo na yung unang parte ng sinabi nya, na siguro nga t*nga sya...

"Kahit na pano kung may gawin silang masama sayo?! Pano kung may dala silang drugs at tinuruan ka nila?!" katwiran naman ni Dark sakanya, natawa si ML saka muling bumaling kay Dark.

Origins of VarisBasahin ang storyang ito ng LIBRE!