22_Coming Back

Magsimula sa umpisa
                                    

“A-Alex? Ok ka na ba? Anong nararamdaman mo?” sunud-sunod na tanong sa akin ni Arianne. Ngumiti lang ako. Natuyuan kasi ako ng lalamunan. Teka, subukan kong magsalita. Bago pa man ako makapagsalita ay pumasok na ang ilang doktor at nurse. Agad nila akong chineck-up habang si Arianne ay nasa tabi ng kwarto at pinagmamasdan ang mga doktor.

Lumapit ang doktor kay Arianne at saka nagsalita.


“Ok ang vital signs ni Ms. Kim pero kailangan pa namin siyang i-monitor para malaman kung tuluy-tuloy ang recovery niya. Pwede na namin siyang i-discharge kapag ok na ang lahat at wala kaming problema na nakita sa utak niya.”

“Ok po, Doc. Salamat po.” Umalis na ang doktor at nurse sa kwarto ko.

“Alex…” tumabi na ulit si Arianne sa akin at ngayon ay umiiyak na.

“A-Arianne, huwag k-kang u-umiyak.” Usal ko dito kahit na tuyot na ang lalamunan ko. Pinahid naman niya ang mga luha niya.

“T-tubig…” ani ko.

“Tubig? Ay, teka. Ikukuha kita.” Agad naman tumayo si Arianne at kumuha ng tubig sa katabi kong mesa. Pinilit kong paupuin ang sarili ko kaso ang hirap. May neck brace pala ako at may benda ang ilang sugat ko.

“Alex, huwag kang gumalaw. Aalalayan na muna kita.” Inalalayan nga ako ni Arianne paupo at saka niya inabot sa akin ang isang basong tubig. Inisang lagok ko lang iyon at humingi pa ang isa.

“Hay. Ang sarap.” Turan ko dito. Hindi na tuyot ang lalamunan ko. Niyakap ako ni Arianne bigla. Tumulo na naman ang luha niya.

“Hoy, Arianne. Tigilan ang pag-iyak. Babatukan kita.” Banta ko dito. Tumigil naman siya at umupo na ulit.

“Arianne, magkwento ka nga. Anong nangyari sa akin? Ang naaalala ko lang, n-nahulog ako sa hagdan.” Napabuntong-hininga si Arianne.

“Dumaan ka ng surgery, Alex. Nagkaroon ka kasi ng traumatic brain injury kaya kailangan nila magsagawa ng surgery para mabawasan ang swelling sa utak mo.” Pagkasabi noon ni Arianne ay agad akong napahawak sa ulo ko. Bakit may buhok pa ako? Hindi ba, kinakalbo muna bago i-surgery? Napansin ni Arianne na hinahawakan ko ang buhok ko.

“Hindi nila shinave ang buhok mo. Hindi naman daw kasi ma-iinfect ang sugat kapag hindi ka tinanggalan ng buhok.” Tumango na lang ako sa sinabi niya.

“Ilang araw na ako dito?” tanong ko dito.

“Second day mo pa lang ngayon.” Sagot naman nito.

“Second day pa lang?! Feeling ko, isang linggo na akong nakaratay dito sa ospital.” Hay. Kung ganoon, matagal-tagal pa ang ilalagi ko dito sa ospital. Boring!

Lab U, Insan! (Book I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon