We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.

Chapter One - Bangungot

13 2 0
                                        

"Nasa dilim ako, ULIT, madilim na madilim" matipid na paglalarawan ni Darren "May mga flash ng ilaw, malalakas na ilaw. At basa ako, alam ko kasi dama ko yung lamig ng tubig sa buong katawan ko. May kaharap akong lalaki. Sorry ka niya tapos tinulak niya ako"

"Kilala mo ba ang ang lalaki?" tanong ng doktor, pero hindi sumagot si Darren "Mister Martin, Darren, noong una palang na session natin nilinaw ko naman sayong lahat ng mapag-uusapan natin dito ay hindi makakalabas" ngunit wala parin siyang imik "Iibahin ko nalang ang tanong. Naikuwento mo saakin na inampon ka nina Mr. Russell at Mrs. Eva..."

"Carmina..." pagtatama ni Darren "Ayaw ni mama na tinatawag siyang Eva"

"Mrs. Carmina, sa edad na labing apat. Ang lalaki bang nasa mga PANAGINIP mo ay ang biological father mo?" tanong ng doktor, pero wala paring sagot si Darren "Pang-ilan mo na ba akong doktor, Mr. Martin? Hindi mo mareresolba yang mga bangungot mo kung hindi ka open sa doktor mo, lalo na sa psychologist mo mism..." naputol ang sinasabi ng doctor nang biglang umalingawngaw sa opesina ang tunog ng telepono ni Darren.

*Incoming call: Mahal*

Dali daling tumayo sa pagkakahiga si Darren at binuksan ang pinto ng opisina ng doktor "Sorry Doc, asawa ko, alam mo namang away to kapag hindi ko sinagot"

"Usapan, no gadgets" pero bago pa matapos ang doktor sa pagsasalita ay nakaalis na si Darren sa opesina.

Masayang sinagot ni Darren ang telepono ng "I love you mahal. Kahit tunog redundant, mahal talaga kita" sabay halik sa telepono.

"Teka, perfect timing nanaman ba ako ulit?"

"Syempre, ikaw pa ba" at hinalikan niya ulit ang telepono.

"Ngayon nga pala yung session mo sa psychologist mo, sorry mahal"

"Okay lang, okay lang. Bakit ka nga ba napatawag?"

"Mas importante to mahal, nag-uumpisa na yung contest ni Sese"

"Mag-aalas dos palang, Alas quatro ang nasa program na nakuha ko"

"Hectic daw ang schedule nung singer na magja-judge, yung Geo? Gio? Yung trending"

"Pero..."

"Tama na yang daldall mo, mahal, punta ka na dito"

"Papunta na" sabay patay ni Darren ng tawag.

Nagmamadaling pumunta si Darren sa eskwelahan ni Cerise, ang labing apat na taong nag-iisang anak nila ni Carmen. Nakuha ni Cerise ang bilog na pisngi at puti ng balat ng kanyang ina. At ang mapupungay na mga mata ng kanyang ama. Wala pang namimiss ang mag-asawa sa mga pangyayari sa buhay ng anak nila, masaya man tulad ng unang iping natanggal o malungkot tulad ng unang sugat. Masasabi ngang hands-on silang magulang. First baby at baka last nadin kasi nila si Cerise, dahil mahihirapan o baka hindi na magbuntis si Carmen. Polycystic ovary syndrome kung tawagin, hindi balanse ang hormones ni Carmen dahilan para maging infertile siya.

"Huwaaahhh!!!" panggugulat ni Darren sa asawa niya sabay yakap dito mula sa lukuran at halik "Anong number na yan?"

"Candidate number 4 na yan" sagot ni Carmen habang hinahawakan ang kamay ng asawa para hindi kumawala sa pagkakayakap sa kanya.

"Anong number si ..."

"...7, number 7 si Sese. Ikaw pa gumawa ng banner, ikaw pa nakalimot" sabay ngiti ni Carmen "Tinatanong ka ba ulit nung bago mong psychologist tungkol sa tunay, I mean biological mong tatay?"

Agony of Ansel JohanStories to obsess over. Discover now