CHAPTER 32 ** LUST AND HATRED **

Start from the beginning
                                    

" Are you deaf, Joshane? Bakit hindi ka sumasagot? Ouch ba? " - Cherry

Tumayo ako at hinarap ko silang tatlo! Ngumisi ako sa kanila na parang nang iinis sa kanila.

" I hear you, loud and clear! Sinabihan kasi ako ni mommy na kung hindi daw maganda ang sasabihin ko, better to keep quiet. So i just did. " Nakita ko naman na umismid si Celine sa sinabi ko. Ganyan nga, mainis kayo sa akin dahil kung noon ako ang iniinis niyo ngayon ako naman ang mang iinis sa inyo.

" You've changed in just a matter of three weeks?! Finally, lumalabas narin ang sungay mo! Bravo! " - Celine

" Lumalabas lang naman ang sungay ko kapag demonyo din ang kaharap ko. Kung nakikita mo ang sungay ko ngayon, that only means na demonyo ka! " Tiningnan ko muna siya mula ulo hanggang paa then nag walk out na ako. Nagpupuyos naman sa galit si Celine sa sinabi ko sa kanya. Hinabol naman ako nila Elisa, Tricia and Paige at dun kami tumambay sa garden sa likod.

" Ikaw ba talaga yun Joshane? Grabe! Tinalo mo pa ako sa pagiging mataray, as in wala akong masabi kanina." -Tricia

" Have you seen Celine's face? So epic! Grabe ang galit niya sa sinabi mo sakanya. Pffttt. Hahaha! " - Tawa nang tawa lang si Paige.

" You should do that often! Suggestion ko lang yan para di ka apihin lagi. " - Elisa

" Yeah, right!! " I just rolled my eyes..

HARLEY'S POV

Nag bago na ang lahat sa akin. Kung dati hindi ko ugali ang mambabae ngayon parang si Kelvin na ako na kabilaan ang babae. Natural lang siguro na maging ganito ako. I was fooled and betrayed by the girl i love the most.

Inaamin ko na nagkamali ako na hindi ko siya pinakinggan nung nagtangka siyang magpaliwanag. Naging unfair ako sa kanya dahil pinairal ko ang galit imbes na unawain ko siya. Pero mas lalo lang akong nagalit nung gabi ng new year. Balak ko narin naman sanang kausapin siya kaso sa ginawa niya nung new year mas lalo lang akong nainis sa kanya. Hindi ko alam kung may chance pa na magkabalikan kami dahil sa ngayon galit ako sa kanya.

" Dude, club republiq daw tayo mamaya sabi ni Peter! May ipapakilala ako sayo mamaya! " - Kelvin

Kahit kelan talaga ang mokong na ito mukhang babae. Sana lang di ako ma disappoint sa ipapakilala niya just like last time.

" Okay! Sige kita kits nalang sa bar later. May lakad pa ako eh. " Aalis na sana ako kaso pinigilan ako ni Kelvin.

" Hoy, may pasok pa tayo. Cutting ka nanaman? " - Kailan pa ito naging concerned sa studies ko?

" Oo! Besides, i own this school. Pwede kong gawin kung anung gusto ko."

" Ako aminado akong babaero ako pero committed parin naman ako sa studies ko. Baka mamaya niyan maiwan ka sa Branston samantalang kami graduate na! " - Sermon ni Kelvin. Dahil sa inis ko binatukan ko nga, kung mangaral daig pa ang parents ko.

" Kelan kapa naging substitute ni mommy? Kung makapanermon ka akala mo ang tino mo ah?! Mind your life dude! " Tinalikuran ko na siya pagkatapos kong pagsabihan siya. Sumakay ako ng kotse ko at dahil hindi pa dismisal naka sarado pa ang gate. Bumusina ako ng ilang beses sa guard para buksan ako at sa halip nilapitan lang niya ako.

" Sir, gusto ko po munang makita ang schedule mo bago ko buksan ang gate. " - Guard

Kung hindi lang ako naiinis ngayon mapapangiti ako dahil sa strict ang mga guard na naka bantay sa school namin kaso naiinis ako kaya di ko maappreciate ang pagiging strict nila.

Mr. Heartthrob meet Ms. ScholarWhere stories live. Discover now