Chapter 14: Can't Wait

Magsimula sa umpisa
                                    

"Kanina ka pa tulala, may problema ba?" Ibinaling ko ang atensyon sa nagdadrive na si Ela, nakatingin lang siya sa daan habang hawak ang manibela, mabuti naman at pinuntahan niya ako dahil kakatusan ko talaga ang babaeng ito.

"Handa akong makinig."

"Ahm wala naman, wala lang ako sa mood." Sabay tingin sa bintana, papunta kami sa venue ng photoshoot, lucky me cause Ela knows where that place is.

"You're lying, I know you Kai." Napabuntong hininga akong tumingin kay Ela, napakaswerte ko talaga sa kaibigan kong ito. Kahit lukarit napakaalaga at maaalahanin. 

"If you are not ready to speak out that thing, I understand. No matter what, I am here and willing to listen, okay?"

"Ela it's nothing, okay? I'm good and I'm fine."

"Okay sabi mo, basta if ever meron nandito lang ako, okay?" I slightly smile at her, and I'm sure kita niya iyon sa peripheral vision niya and dahil na rin ngumiti siya. She already told me about what she did few years ago, and I understand her. So kilala niyo naman ako mabait at mapagpatawad na  kaibigan.

.
.
.
.

"Kai, akala ko di ka na makakarating." Agad akong pinapasok ni Rea sa dressing room. Pinahubad niya ako ng damit at ipinasuot ang isang slim dress na kulay peach, medyo sexy ang design kaya napatigil ako sa pagsuot ng dress.

"Bakit?" Nakatingin lang ako sa dress habang nag iisip ng malalim. Eh paano ba naman, first time kong magsuot ng ganito. What I mean is yung ganitong klase ng style, may butas sa abdominal part. Nakasuot naman ako before ng dress pero hindi ganito ang style.

"Kai hurry up, tumatakbo ang oras."

"P-pero...

" Naghihintay na sa labas ang lahat." May pumasok bigla sa gitna ng pag aalangan kong suotin ang dress na hawak ko.

"Siya muna  ang make up artist mo sa ngayon, sige maiwan ko na kayong dalawa." Lumapit sa akin ang babaeng nakawhite jeans at naka sleeveless na black. May katangkaran, morena, pointed nose, red lips, and  blonde and straight ang hair. Teka bakit ko ba siya denidescribe.

"Done checking my body?" Napatingin ako sa kanyang mata ng itanong niya iyon.

"Ahm, pwede mo na ba ako lagyan ng make up?" Tanging sambit ko sa kanya, anong sabi niya? Done checking her body? Ano ba iniisip niya? Haist napakamalas ng araw ko ngayon. Nakakailang siya makatingin.

"Light make up is the perfect for your outfit." Agad niyang hinawakan ang mukha ko, kaya napatingin ako sa kulay brown niyang mata. Napakurap kurap naman ako ng maramdamang may dumampi sa pisngi ko.

"You're so beautiful." Iniikot niya ang swivel chair at iniharap ako sa mirror glass, nagulat ako ng hawakan niya ang labi ko na parang hahalikan. Nanigas ako sa kinauupuan ko dahil sa ginagawa niya.

"Heart lips, I never encountered this kind of lips." Sambit niya, pumikit ako ng muli niyang hipuin ang labi ko. Minuto ang tinagal ng pagpikit ko.

"Done." Inuna kong imulat ang kanang mata ko, then I was surprise ng makita ang nasa salamin. Nasa likod ko ang babaeng kanina pa ako pinapakaba.

Nakangiti siya na nakatingin sa akin gamit ang salamin na nasa harapan ko.

"Akala mo ba hahalikan kita?" Sumama bigla ang tingin ko sa kanya ng itanong niya ang bagay na iyon.

"Don't worry Kai, I'm not going to do that thing especially without your permission." She do the grin smile in front of me after she said that thing.

Anu ba ang pinagsasabi niya? And eww, nasa katinuan ba siya? Baka galing mental ang babaeng ito? Bakit ba kasi hindi si Rea ang nagmake up sa akin? Teka saan ba siya pumunta? Ano ba naman? Makikisabay pa siya sa kamalasan ng araw ko. Nakakailang siya.

"Hindi ka ba lalabas, kanina pa sila naghihintay." Bumalik ako sa kasalukuyan ng marinig ang pagbukas ng pinto. Nandoon ang babaeng kanina pa nakakailang ng sobra.

"Can't wait to see you at the spotlight." Napakunot na lang akong naglakad patungo sa may pintuan, napakamalas ko talaga.

.
.
.
.
.

Jane's POV

"Papunta na po ako, sige mom. Copy po, okay." Ibinaba ko ang cellphone matapos makausap si mommy. It's urgent, I need to go on time. May natitira pa akong ilang minuto para makarating sa meeting na iyon. Nakalimutan ko na ngayon pala ang meeting ng bawat station para sa magaganap na DJ collide sa Australia. And may dalawang linggo at kalahati pa kaming nalalabi para paghandaan ang araw na iyon. Stressful talaga ang trabahong iniwan sa akin nina mommy at daddy. Sinabi ko na sa kanila sa simula pa lang na I want to be a professional designer and model, but they said much better if I run a company like this.

.
.
.
.
.

"Representative of RMF station."
Pinapasok na rin agad ako ng guard ng makarating ako sa Plaza hotel kung saan magaganap ang meeting, nakarating naman ako ng on time. Dalawa pang station ang wala pa, meaning hindi ako ang pinakalate. Ang aaga naman nila magsipunta dito.

"Ma'am number 32 and 33 po ang chair niyo."

"Thank you." Nagtataka siguro kayo kung bakit dalawang upuan ang binanggit ng usher, Trisha is with me. Baka kasi makatulog ako habang nagmemeeting kaya isinama ko siya, and para may witness.

.
.
.
.
.

Trisha's POV

May nareceived akong text ng makarating kami ni Jane sa Plaza hotel kung saan gaganapin ang meeting.

"Hey, ilang oras na lang nandiyan na ako sa Pilipinas. Wait me at the airport, okay? Can't wait to see you. Love you😘."

Napangiti ako sa nabasa ko, sa ilang taon niyang pamamalagi sa ibang bansa ngayon na lang ulit kami magkikita. And I'm happy dahil dito na siya sa Pilipinas magtatrabaho.

It's ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon