When Kaede Rukawa Fall Inlove

Start from the beginning
                                    

"Nako naman [y/n]! Pasaway kang bata ka! Sige una na ako! Mag-ingat ka pag-uwi ha!"

"Ok kuya! Ikaw din ingat!"

Nasa tapat ka na ng pintuan ng gym nang mapansin mo na bukas pa ang ilaw. Pumasok ka at isang Kaede Rukawa ang nakita mo. Kahit tapos na ang practice ay walang humpay padin ang pageensayo nito.

"Oy. Hi Rukawa! Bat nandito ka pa?" bati mo sakanya.

"Ah, naisip ko kasi na wala naman akong gagawin sa bahay, kaya nagpractice nalang ako. Ikaw? Bakit ka bumalik?"

"Ah eh, naiwan ko kasi itong notebook ko eh! haha"

"Ah ganun ba."

"Mabuti pa Rukawa ay umuwi ka na, magpahinga ka nalang at mag-aral na din! Dali na palit ka na ng damit. Antayin na kita, sabay na tayong lumabas." napa-sigh nalang sya at sumunod sa sinabi mo.

Pagkaraan ng ilang minuto, "Tara na."

At naglakad kayo palabas ng gym. Nang makarating kayo sa sa may gate, "Saang direksyon ka uuwi?" tanong nya sayo with his usual poker face.

"Sa kanan."

"Tamang tama dyan din ako, ihahatid na kita pauwi."

Tumango ka lang at naglakad na kayo pauwi.

"Nga pala Rukawa, ang galing mong mag-basketball!"

Nag-blush naman ng konti si Rukawa at napakamot sa ulo. "Salamat."

"Kailan ka pa natutong mag-basketball?"

"Nong bata pa ako. Lumaki ako sa street basketball."

"Ah talaga?! Kaya pala ang galing mo! Hindi malayong maging Ace Player ka ng Shohoku." Nakangiting sagot mo sakanya na syang naging dahilan kung bakit nag-blush ulit sya.

Dahil sa pagkekwentuhan nyo ni Rukawa ay hindi mo namalayan na malapit na pala kayo sa bahay nyo.

"Malapit na pala tayo saamin Ruru eh!" (Note: sakin galing ang nickname nya na Ruru :P sorry kung pangit xD)

"Ruru?" nagtatakang tanong nya.

"Oo Ruru, hilig ko kasing bigyan ng nickname ang mga malapit kong kaibigan!"

Hindi na sya nakapag-salita dahil nasa tapat na kayo ng bahay nyo at nakitang nagaabang ang kuya mo sayo.

"Hi kuya!"

"Oh [y/n], Bakit mo kasama si Rukawa?"

"Ah kasi nasa gym pa sya kanina nung bumalik ako eh. Nag-kataon naman na pareho kami ng direksyon ng uuwian kaya hinatid na nya ako!"

"Ah ganun ba? Hoy Rukawa Salamat sa paghatid dito sa kapatid ko!" sabay gulo ng buhok mo.

"Walang anuman. Sige uwi na ako!"

"Babye Ruru! Ingat ka! Salamat din!" (・◇・)/~~~

At kumaway din sya.

"Mukhang close na kayo ni Rukawa ah? Binigyan mo pa ng nickname! May gusto ka dun noh?! HAHAHA!" pang-aasar sayo ni Mitsui.

"Kuya!! Wala kaya!!" (>u<)ゞ

"Sya sige na, tara na sa loob."

Pumasok kayo sa loob ng bahay nyo. Dumerecho ka sa kwarto mo. Pagkatapos ay bumaba ka at kumain na kayo ng pamilya mo.

"Kainan na! (⌒▽⌒)"

Nang matapos kumain ay hinugasan mo na ang mga plato at umakyat sa kwarto mo upang mag-pahinga.

When Kaede Rukawa Fall InloveWhere stories live. Discover now