Rukawa the Suitor - Part III

565 11 23
                                    

Hi! Thanks for your patience! It's a virtue! Hahaha :)

I dedicate this to @eiyscin :) Read her Fanfics
• "Behind his Dark Eyes" - Rukawa Kaede x OC (Own Character)
And • "The Playful Guy" Sendoh Akira x OC

Thanks and enjoy this ☺️😘

xxxxxxxxx

Nasa school kayo ngayon kahit Sabado dahil sa practice ng team. Nakatatlong panalo na sila at isa nalang ay Finals na. Laban na nila sa Shoyo. Ang pangalawa sa pinakamagaling sa distrito kaya naman puspusan ang pagtetraining nila. Ikaw ang naatasang mag-special training kay Sakuragi ngayon.

"[y/n]. Anong gagawin nating training? Bat tayo lang dalawa? Hmp. Hmp!"

"Itrain daw kita sabi ni Coach Anzai. Itrain ko daw ang secret weapon ng team!" Pambobola mo kay Sakuragi para kahit papaano ay mapasunod mo ito.

Hinawakan nya ang mga balikat mo. "Talaga [y/n]?" Sabi nya ng may kislap sa mata. "Simulan na natin!" At kinalog kalog ka nya.

Tiningnan ni Rukawa ng masama si Sakuragi.

"Hoy ikaw yabang! Anong tinitingin tingin mo dyan? Magpractice ka ng sayo! Bawal mong makita ang isang practice ng henyo!"

"Ts. Gunggong!" Sagot nito.

Nginitian mo si Rukawa at binigyan ng I'm-okay look. Tumango sya at nagpatuloy sa pagpapractice.

"Sige Hanamichi, simulan na natin. Magwarm up ka muna tapos 20 takbo paikot ng gym."

Sinunod ka ni Sakuragi at mabilis itong natapos.

"Ngayon naman 30 push ups."

"Ngayon, heto oh. Jumping rope. 100 na talon."

"Jumping rope? Hindi naman ito kadalasang ginagamit sa training ng nagbabasketball ah!"

"Oo nga. Pero makatulong pa din yan sa binti mo."

Natapos syang mag junping rope. Inumpisahan nyo na ang training sa basics.

"Hindi. Hanamichi Sakuragi! Mali yang ginagawa mo!"

"Basic lang naman ito eh! Alam ko na to!" Reklamo nya.

"Kung alam mo eh bakit mali pa din ang ginagawa mo? Saka tandaan mo Hanamichi, ang tunay na henyo ay palaging binabalikan ang basic. Kaya wag ka nang umangal dyan at gawin mo ang pinapagawa ko!"

Nagpatuloy kayong magtraining.

"Grabe naman si [y/n]. Ang hirap ng training kay Sakuragi." Ani ni Kogure.

"Ts! Tama lang yan para matuto ang gunggong na yan." sabi ni Rukawa na matalim ang mga tingin kay Sakuragi.

Kinausap ka ni Sakuragi habang nag-didribble sya.

"[y/n]." Seryosong sabi nya.

"Bakit?"

"Tingin ko seryoso talaga sayo si Rukawa."

"Ha? Talaga?" Namula naman bahagya ang mukha mo.

"Oo, napansin ko kasi yung mga pagbabago nya. Ngumingiti na sya ng kaunti. Mas seryoso na sya sa paglalaro at hindi na patalo sa team! Pero mas magaling pa din ang henyong si Hanamichi! Hahahahahahahahahahahahah!"

Natawa ka naman sa sinabi nya.

"Sya, pagpatuloy mo na yang ginagawa mo para mas lalo kang maging henyo."

*•*•*•*•*•

Araw na ng laban nila sa Shoyo. Pumasok na silang lahat sa changing room. Nagbigay din ng ilang mga instruction si Coach Anzai.

When Kaede Rukawa Fall InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon