Rukawa the Suitor - Part II

460 11 0
                                    

Nasa clinic kayo ni Rukawa. At dahil nawalan ka ng malay ay nadagdaan pa lalo ang pagaalala nya.

Lumipas ang isang oras ay nagising ka na. Bumungad sa iyo ang isang tulog na Rukawa na nakahawak sa iyong kamay. Nakupo siya sa iyong tabi at nakatungo sa kama ng clinic. Sinubukan mong bumangon.

"Aray!" Sabi mo at Naalimpungatan si Rukawa.

"Ah na-naku. Nagising ba kita? Pasensya ka na. " Sabi mo sakanya habang tinutulungan kang makaupo ng ayos.

"Nako [y/n], hindi ayos lang. masakit pa ba ang tiyan at pisngi mo? May iba pa bang nasakit? Gutom ka na ba? Anong gusto mo?"

Ngumiti ka sakanya at hinaplos ang kanyang pisngi. "Rukawa, Ayos na ako. Medyo masakit lang ang tiyan at pisngi ko, pero ayos na ako. wag ka nang mag-alala."

Tumungo si Rukawa at nakakuyom ang mga kamay.

"Pasensya ka na. Kasalan ko kung bakit nangyari yon sa iyo. Kung hinatid lang sana kita. Edi sana.. edi sana.."

Iniangat mo ang mukha niya at tiningnan deretso sa mata. "Rukawa hindi mo kasalanan iyon. Walang may kasalanan non. Maliwanag ba? Kaya wag mong sisihin ang sarili mo."

Bigla ka nyang niyakap.

"[y/n]. Alam mo bang alalang alala ako sayo?" Bakas sa kanyang boses ang lungkot. "Hindi ko alam ang gagawin ko kung tinangka ka nilang patayin [y/n]."

"Rukawa.. Tapos na. Wag ka nang mag-alala."

Humigpit lalo ang yakap niya sa iyo. Yakap na puno ng pag-aalala, pag-aalaga at pag-mamahal. Kumalas sya sa yakap at hinalikan ka sa noo.

"Sa susunod, di na kita pababayaan [y/n]."

"Maraming Salamat Rukawa."

Bigla namang bumukas ang pinto ng clinic at patakbong pumunta saiyo ang Kuya mo at niyakap ka.

"K-kasalanan ko [y/n]. Kasalanan ko.." Bakas sa boses ni Mitsui na papaiyak na ito.

"Pasensya ka na [y/n] kung nadamay ka pa sa gulo namin. Ikaw pa tuloy itong nasaktan." Ani ni Miyagi.

Kumalas sa yakap si Mitsui at hinawakan ka sa balikat.

"Ayos ka na ba? Masakit pa ba? Sorry. Dahil sa katarantaduhan ng Kuya, nadamay ka ha?"

"Kuya. Ok na ako. Wag ka nang mag-alala. Wag mong sisihin ang sarili mo. Pati ikaw kuya Miyagi. Hindi nyo kasalanan."

"Yan ang napala nyo sa pakikipag away nyo noon. Si [y/n] ang napagdiskitahan. Kaya ngayon, dapat doble bantay na tayo sakanya pati na din kay Ayako." Pagsesermon ni Akagi.

Inuwi ka na ng bahay nyo at sumama ng buong team para humingi ng pasensya sa mga magulang mo.

Dalawang buwan na din makalipas ang insidenteng iyon. Hatid sundo ka ni Rukawa. Protektado ka din ng buong team. Hindi din umalis sa tabi mo ang Kuya mo at mas lalo itong naging protective sa iyo.

Inter-high na. Unang laban ngayon ng Shohoku. Nakasakay kayo sa bullet train at talaga namang napapalibutan kayo ni Ayako at pati na din si Coach Anzai ng buong team.

"Grabe naman tong mga to. Siguradong pati mga pasahero ay nasisindak na sa kanila." Ani ni Ayako.

"Uhohohohoho" tawa ni Coach Anzai. "Pabayaan nyo na sila."

Nakarating na kayo sa gym na paggaganapan ng interhigh. Ang unang kalaban ng Shohoku ay ang Muradai. Nagwarm-up na sila bago sila inassemble ni Akagi, Nagsalita si Coach Anzai.

"Okay team. Ang first five ay sina Akagi, Kogure, Miyagi, Rukawa at Mitsui."

"Aba teka tatang! Pano naman ang henyong si Hanamichi?"

When Kaede Rukawa Fall InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon