Rukawa the Suitor - Part IV

162 6 8
                                    

This is Dedicated to @MegumiRukawa . ♥️

xxxxx

"Ru-rukawa..."

Mabilis na lumapit si Rukawa sayo at hinila ka nya. Ngunit hindi hinayaan ni Kyota na tangayin ka nito.

"Ano ba pre! Nag uusap kami ni [y/n]!"

"Wala akong pakialam." Malamig na sabi ni Rukawa.

"Aba loko ka pala eh no? Porke't natalo lang kayo ganyan ka na? Puro ka lang pala yabang eh."

Nakita mo sa unang pagkakataon, ang galit at pagtitimpi sa mukha ni Rukawa.

"Bibitawan mo ba sya o gusto mong upakan na kita?"

"Aba't ako pa tong-"

"Kyota tama na. Pasensya ka na pero sige na, sasama na ako kay Rukawa."

Binitwan nya ang kamay mo at hinila ka na nya palabas ng gym.

Walang nagsasalita ni isa sa inyo. Sinipa ni Rukawa ang dingding ng gym.

"Rukawa.." pagbasag mo ng katahimikan.

Huminga ng malalim si Rukawa at sinuntok nya ang pader. Nagulat ka at nilapitan mo sya at dinaluhan kaagad ang dumudugo niyang kamay.

"Rukawa.. Hindi mo naman kailangan saktan ang sarili mo."

"[y/n].." Malambing niyang sabi. "[y/n], nagseselos ako."

Uminit bigla ang mukha mo. Hindi mo alam kung ano ang mararamdaman, kung kikiligin ka ba o ano.

"[y/n], ayokong makita ka kasama ng iba. Pasensya na."

"Shh. Okay lang Rukawa, tara na sa loob, gamutin natin yang sugat mo."

"Ayos lang ako [y/n]."

Nagulat ka nang bigla ka nyang yakapin.

"R-rukawa.."

"Sakin ka lang [y/n]. Please, sakin ka lang."

Ang hindi nyo alam ay pinanonood kayo ni Kyota at ng Kuya mo sa malayo.

"Sorry ka nalang Kyota, makasariling tao si Rukawa, hindi nya hahayaang maagaw ang kapatid ko sa kanya." At umalis na siya.

"Siguro nga, mali ako ng taong binangga. Natalo mo ako Rukawa, ako ang totoong talo ngayong araw."

*•*•*•*•

Niyaya kang lumabas ni Rukawa bago ang laban nila sa Ryōnan. Hindi ka pa din nya iniimik at napansin mong tila may gusto syang sabihin pero hindi nya magawang sabihin. Binalewala mo na lamang ito at inisip na baka pagod lang ito.

"Saan ba tayo papunta, Ruru?" Tanong mo sa kanya habang naglalakad kayo papunta sa estasyon.

"Malalaman mo din." Sagot nya.

Makaraan ang 15 minuto ay dumating na kayo sa lugar na pamilyar saiyo, sementeryo.

"Ruru, —" hindi mo natapos ang sasabihin mo dahil hinila ka na ni Rukawa para maglakad.

Nang makarating kayo sa isang puntod, naglatag siya at umupo kayong dalawa.

"Ma, Pa, si [y/n] nga pala. Nililigawan ko." 

"Ruru—" nagulat mong sinabi. "Ah, a- ano, uhm hi po! Ako po si [y/n]! Nice meeting you po! Pasensya na po at wala akong dalang bulaklak para sainyo  nabigla po ako na dadalhin pala ako ni Ruru dito e." 

Napangiti si Rukawa. "Hindi nila gusto ang bulaklak o kahit anong materyal na bagay, [y/n]. Yun ang palaging sinasabi saakin ng lola ko. Ang gusto lang nila ay makita akong masaya at nakangiti. Kaya dinala kita dito, ang dahilan kung bakit ako masaya."

Namula naman ang mukha mo sa sinabi ni Rukawa. "Ah haha eh— Alam nyo po ba, Tito, Tita, ang galing po ni Ruru kanina sa laro kahit na natalo sila, sobrang galing parin po ng pinakita nila, ng buong team......" at nagpatuloy ka sa pagkukwento na sya namang ikinatuwa ni Rukawa.

Alam mong matagal nang patay ang magulang nya, ngunit hindi mo inakala na dadalhin ka nya sa mga ito at ipapakilala. Mas lalo mong minahal si Rukawa dahil dito. Sa buong paglagi nyo doon ay hindi mo mapigilan mapangiti dahil nakikita mo ang mga bagay na hindi nya ipinakikita sa ibang tao. Mga ngiti, tawa, mga kwento.

Napansin mo na dapit hapon na.

"Ruru, salamat sa pagdala saakin dito ha?"

Ngumiti si Rukawa pero agad din itong nawala at napaltan ito ng mukhang nag-aalinlangan, kagaya kanina. Para bang may gustong itanong at sabihin. Bumuntong hininga sya at nagsalita.

"[y/n], may gusto ka ba kay Kyota?" Nagulat ka sa tanong nya.

"Ha? Wala Ruru." Kumalma ang mukha ni Rukawa.

Lumapit ka sa kanya at niyakap sya. Ramdam mo ang selos kay Rukawa pero agad itong nawala noong sinabi mo na hindi, pero ramdam mo din na hindi ganoong kapanatag ang loob ni Rukawa. Kinalas mo ang yakap at hinawakan mo sya sa mukha.

"Alam mo naman kung sino ang gusto ko diba? Ikaw yun, Rukawa. Ikaw lang ang mahal ko."

Bakas sa mukha ni Rukawa ang gulat at saya dahil ito ang unang beses na sinabi mong mahal mo sya.

"T-talaga ba, [y/n]?"

"Oo naman."

"Tayo na ba?"

"Oo, Ruru. Tayo na :">"

Niyakap ka nya uli ng mahigpit na mahigpit at hinalikan ka nya sa noo. 

xxxxx

Note: Hi guys! Thank you sa pag-aantay at pag-babasa nyo neto♥️

✖️DontMentionTheName✖️

xxxxx

Extra:

Hinatid ka ni Rukawa pauwi at nakasalubong nyo si Mitsui. Magkasalubong ang  kilay.

"[y/n], may dapat ka bang sabihin sakin?" 

"Hehe...."

"Bahay. Uwi. Usap." At tumalikod sya sainyo. "Pati ikaw Rukawa."

When Kaede Rukawa Fall InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon