Chapter 1 - Tear

201 5 3
                                        

"Sorry. I didn't m—"

"I understand and it's my fault in the first place."

Putol ko sa sinasabi niya. Hindi ko na kayang pigilan pa ang mga luha kong gusto ng bumagsak. Gusto ko ng umalis. Gusto ko ng maglaho.

"I know I am not pretty. I am not a supermodel type of girl. I know that I am not enough and never will be. Kung natuto lang ako na mag ayos at magpaganda hindi ka aabot sa puntong matutukso ka sa iba. Ako yung nagtulak sayo para gawin yan. Hindi ako naging sapat. Hindi ko nagawang bagayan ka. Ang dami kong pagkukulang. Kung naibigay ko lang din sana lahat sayo ng atensyon at oras ko, walang ganito. Kasalanan ko lahat. Sorry."

Hindi ako makatingin sakanya ng derecho. Dahil pag nagtama ang tingin namin, di ko mapipigilan ang luha ko. Ayokong maawa siya sakin.

"Gusto mo ba siya? Mahal mo ba siya?"

Tanong ko sakanya.

Please say no then I'll stay. Please say no. Please say n—

"I.. I like her."

And there, he said it. I've had enough.

"Naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Masaya ako pag kasama ko siya pero ikaw yung babaeng gusto kong uwian. I can't explain what I really feel right now. Ria, you can hate me but please give me time to weigh things out."

Hinawakan niya yung mga kamay ko at pinipilit niyang tingnan ako sa mata. Hindi ko na makita sa mata niya kung pano niya ko tingnan dati. May nawawala na.

"You don't need to choose nor think. Kung mahal mo talaga ako at ako talaga yung gusto mong uwian, hindi na tayo aabot pa sa ganito. Wala ng kailangan timbangin. Walang comparison na mangyayari kung kuntento ka na sakin. Wag mo ng pahirapan ang sarili mo... at ako. Hindi mo kailangan mamili dahil nakapili ka na. You did it with her because it is your choice, your decision."

Bumitaw siya sa pagkakahawak sa kamay ko at napayuko siya dahil sa sinabi ko. Hindi ko maramdaman na nagsisisi siya sa nagawa niya. Ang sakit. Kitang kita ko sakanya na gusto niya na talaga yung babae. Para bang nagsorry lang siya ngayon dahil nalaman ko ang di ko dapat malaman. Hanggang kailan niya ba dapat itatago to?

Nilakasan ko na ang loob ko at tiningnan ko na siya ng mata sa mata. Kailangan ko ng umalis. Masyado na kong nasasaktan. Ayoko na rin siyang mahirapan pa.

"Kung saan ka masaya, susuportahan kita. Even if it costs me my own happiness."

Hinalikan ko siya sa labi sa huling pagkakataon. God knows how much I love this man. Di ko alam kung kaya ko pang tumuloy sa buhay na to. Nasanay na ko na nandyan siya palagi sa tabi ko.

Humiwalay ako sa pagkakahalik sa kanya at nginitian siya. "This is my gift for our 8th anniversary tomorrow. I am letting you go so you can be with her, Hunter. Hindi ka na mahihirapan pa."

Kasabay ng pagtalikod ko sa kanya ang pagpatak ng mga luha ko. Hinihintay ko na pigilan niya ko pero walang kamay ang humatak sakin pabalik.

Patakbo na akong pumunta sa kotse ko. Gusto ko ng makalayo sa lugar na to at sakanya.

It hurts like hell. Para akong sinasaksak ng paulit ulit. Ang dami kong gustong itanong sakanya pero wala na kong lakas. Hindi lang ang relasyon namin ang sinira niya, pati sarili ko kinikwestyon ko na rin.

Why did you do that? WHY?

Ngayon ko lang narealize na totoo nga ang sinasabi nila na wala sa tagal yan. 8 years na relasyon pinagpalit sa kailan lang nakilala. 8 years binuo, isang gabi lang sinira.

"I am sorry for not being enough, Hunter."

When Two Different Worlds CollideWhere stories live. Discover now