Chapter 3

32.3K 446 11
                                    

MAAGANG pumasok si Savannah dahil balak niyang hunting-in si Noah. Ang balita niya ay sabay ang klase nila sa umaga. Dapat samantalahin niya ang pagkakataong 'yon.

Pagpasok sa campus dumiretso siya sa Architechture Building. As usual inulan siya ng nagnanasang tingin ng mga kalalakihang estudyante. Puro sipol at halos mabali ang leeg ng mga bwiset kakahabol ng tingin sa kanya.

Agaw pansin naman talaga ang suot niyang white crop top partnered with mid ripped jeans. Sa tuwing tataas ang kamay niya ay nakikita ang piercing sa kaniyang pusod. Hakab na hakab rin ang magandang hugis ng balakang at hita niya dahil fit na fit ang pantalon sa kaniya.

"Uy.. si Savannah!"

"Ang ganda talaga niya, Pre!"

"Pagbigyan lang ako niyan ng isang gabi pwede na akong mamamatay!"

Nag-chin up si Savannah at nagpaskil ng pekeng ngiti sa grupo ng kalalakihang Architecture student na pinag-uusapan siya.

Ganyan nga, Vanni. Hayaan mo silang maglaway sa'yo. Hanggang titig lang naman ang mga manyak na 'yan.

Lumiko siya sa dulo ng hallway para doon hintayin si Noah. Pasilip-silip siya mula sa pinagtataguang pader.

"Shit naman, oh! Mukha akong detective dito! Bakit ba kasi pumayag ako sa trip ng dalawang bruhang iyon! "

Sa muling pagsilip ni Savannah nakita niyang paparating na si Noah. Nagmamadaling kinuha niya ang compact powder sa bag at nag-retouch.

Nang masiyahan sa itsura, sumilip siya ulit sa pinagkukublihang pader. Pinagmasdan niya ang lalaking naglalakad papalapit sa pinagtataguan niya. Nakasuot ito ng white plain shirt, faded jeans at kicks na itim. Sumasabay sa bawat galaw ng katawan ang buhok na parang kakagising at kakabangon lang sa kama.

Hmmm, damn... He so hot!

Umarko ang kilay niya nang mapansing binabati ito ng mga kababaihang nakakasalubong at ang kumag gumaganti naman ng bati at ngiti. Samantalang kapag siya ang bumabati dito ni hindi man lang siya tinatapunan kahit saglit na tingin.

Nagngitngit siya. But she composed. At naghanda sa gagawing plano.

Nang malapit na si Noah, lumabas si Savannah sa pinagtataguan niya. Nagkabanggaan sila.

He grabbed her waist. "Miss, sorry—" nabitin sa ere ang ano pa mang sasabihin nito nang mag-angat siya ng mukha at matamis na ngumiti.

"Hi, goodmorning! Sorry I didn't see you coming," kagat ang ibabang labing sabi niya.

Nagsalubong kaagad ang kilay nito. "Bakit ka kasi paharang-harang sa daan? Tabi dyan," anito. Binitiwan siya sabay tumalikod at walang kaabog-abog na lumayas.

Naiwang nakamaang si Savannah. What the hell just happened? Ang isang katulad niya dinedma ng lalaking 'yon sa harapan ng maraming tao!

"Whoaah... Whoooa!" Tudyo ng mga estudyanteng nakarinig sa pagsusungit sa kaniya ni Noah.

Nilibot niya ang paningin sa paligid. Kitang-kita niya ang ilang kababaihan na pinagtatawanan ang pagkapahiya niya. Ang iba naman ay nagbubulungan habang sinisipat siya ng tingin.

Naningkit sa inis ang mga mata ni Savannah at sinundan ng masamang tingin ang pigura ng papalayong lalaki.

I swear to the demons in hell! You will beg for my attention, asshole!

Hinawi niya ang buhok patalikod, tinaasan ng kilay at inirapan ang mga estudyanteng nakatingin sa kanya.

"Tse! Ang papanget niyo!" Nagmamartsang paalis na sabi niya.

The Innocent Playgirl R18 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon