Hes Love

3.4K 105 0
                                    

Nagising ako na magaan ang pakiramdam ko, ramdam ko parin ang taong nasa aking tabi na naka akap sa akin, ang kanyang yakap ay nagbigay sakin ng ginhawa at lubos na kaligayahan, wala na akong mahihiling pa.

Agad kong inalis ng dahan dahan ang kanyang mga bisig, pero bago ko pa ito maalis ay mas humigpit pa ang kanyang pag kakayakap at agad akong iniharap sa kanya na may matamis na ngiti.

Ang kanyang ngiti ay nag bigay saakin ng kaligayahan,  at sa hindi malamang dahilan ay hinwakan ko ang kanyang pisngi, ngunit nabigla ako ng bigyan niya ako ng isang masuyong halik na nag paparamdam ng pagmamahal at pangungulila, hindi ako naka galaw at tanging ang aking mga mata lamang ang nangungusap at naguguluhan.

Magandang umaga mahal ko. ang pag bati nito na mistulang isang musika sa  aking pandinig.

Mahal mo ako? ang tanging nabulalas ko ng ako ay makabawi sa kanyang halik.

Matagal na, simula ng asar asarin kita, gusto ko lang naman pansinin mo ako, kaya ko yin nagawa, mahal na mahal kita kyle, sana tanggapin mo ako. saad nito sa isang masuyong boses

Nabigla ako sa kanyang pag amin, kaya pala noon ay halos araw araw niya akong sundan at pag tripan. Isang ngiti ang aking pinakawalan at kasabay nito ay ang patulo ng luha sa aking mga mata.

Bakit mahal ko? bakit ka umiiyak? takang tanong nito, mababanaag sa kanyang boses ang pag aalala

Maraming salamat Carlo. ang tanging nasabi ko at marahang hinadkan ang kanyang mga labi na kinabigla niya ngunit kanya naman tinugon, pinutol ko ang aming halikan at ngumiti ng kay tamis sa taong matagal ko ng minahal ng palihim.

Hindi mo lang alam, kung gaano ako kasaya na ang taong mahal ko ay mahal rin ako. Oo carlo, mahal na mahal rin kita noon pa. saad ko dito

Yinapos niya ako ng kanyang yakap at muling hinadkan sa aking noon, isang halik na sumisimbulo ng kanyang pag aalaga at pag mamahal sa akin.

Pag katapos mo sa iyong pag aaral ay mag papakasal na tayo. saad nito na pinag taka ko

Ha? kasal agad? ang bilis naman ata hindi ko pa nakakausap ang mga magulang ko. saad ko naman dito

Wag ka nang mag alala mahal ko, matagal na nilang alam, at hiningi ko na ang kamay mo sa mga magulang mo at malugod naman ako nilang tinanggap, at sinabi ko sa kanila na katapos ng iyong ikaapat na taon sa kolehiyo ay papakasalan na kita. mahabang saad nito

Sa sibrang kaligayahan ay hindi ko naman na pigilan ang aking pag luha,na agad naman niyang tinugunan ng isang masuyong halik.

Isang masayang araw ang aming pinagsaluhan, pinaramdam niya sakin kung gaano niya ako kamahal, sa bawat laro ng hinanda ng aming mga ka batch ay nakikilahok kami, magkahawak ang kamay kung kami ay nag lalakad at pinapatakan niya ako ng halik sa labi bawat minuto.

Ang pinagtataka ko ay parang hindi na bago sa aming mga kabatch ang ginagawa ni Carlo, kaya ay pinag kibit balikat ko nalamang ito

Sa mismong araw na ito ay opisyal ko ng naging Boyfriend ang seaman ng aming batch.

Ang Boyfriend kong SeamanWhere stories live. Discover now