Seaman

3.5K 118 3
                                    

Hi ako pala si Carlo Alegre, isa na akong seaman at matagal ko ng hinihintay na makasama at makita ko si kyle, kahit na noon ay bully ako at siya ang pinagtriptripan ko, gusto ko na talaga siya, alam kong straight ako pero sa kanya tiklop ang pag kalalaki ko, kaya kong sabihin sa buong mundo na bakla ako para lang kay Kyle at hindi para sa ibang tao.

Kahit na ako ay nasa barko, palagi kong tinitingnan ang kanyang Facebook, sa katunayan nga ang phone ko ay punong puno ng pictures ni kyle simula pa nung highschool, mga stolen pictures at mga picture niya sa facebook, at ng malaman kung may reunion kami ay agad ko ng sinabihan si Aira na siyang nag organize nito na ako ang karoomate ni Kyle.

At ito na ako ngayon, nakahiga katabi ang taong mahal na mahal ko noon paman, masaya ko itong pinagmasdan na payapang nahihimbing, binigyan ko ito ng halik sa balikat at gad na inakap ito.

I missed you Kyle. saad ko dito kahit na tulog ito

Sana naman ganun din ang nararamdaman niya sa akin, sana magustuhan niya rin ako, kaya sisiguraduhin ko na ipaparamdam ko sa kanya ang pag mamahal ko sa reunion namin.

Nahimbing narin ako at naka akap kay Kyle, napakasarap sa pakiramdam na natutulog at kayakap ang taong mahal mo, wala ng ibang mahihiling.

Ang Boyfriend kong SeamanWhere stories live. Discover now