TRES

1.1K 45 0
                                    

#BackFight

CHAPTER 3

"O... Bakit parang badtrip kaya yata ngayon?" tanong ni Rim sa kausap sa cellphone. Nakaupo pa rin ito sa sofa at nakabukas pa rin ang tv na nasa harapan pero wala na doon ang atensyon nito kundi nasa kausap na sa cellphone.

"Wala... Nakakainis lang kasi kanina... Hindi tumitingin sa dinaraanan kaya ayun... Nabunggo ako... Kundi ba naman kasi tatanga-tanga." Inis na sabi ng babae sa kabilang linya.

Natawa naman si Rim sa sinabi ng babae.

"Huwag mo na kasing isipin iyon Sasha... Kung gusto mo... Magkita na lang tayo at alisin ko 'yang badtrip mo." Sabi ni Rim sa babaeng nagngangalang Sasha.

Natawa naman si Sasha.

"Kunwari ka pa... Gusto mo lang ako matikman e." sabi nito saka tumawa ng malandi.

Natawa rin si Rim.

"Isa na rin 'yun... pero gusto ko rin talagang alisin 'yang ka-badtripan mo." Sabi nito.

"Ok... Wala ba ang asawa mo kaya malaya ka?" tanong ni Sasha. Alam niyang may asawa na ang lalaking nilalandi niya at wala siyang pakiealam doon. Basta masaya siya sa piling ni Rim... lalo na kapag nasa ibabaw nito.

"Wala... Nasa nanay at anak niya." Sabi ni Rim.

"Ayos 'yan... Pumunta ka na lang dito sa condo ko... alam mo naman na dito di ba?" malanding wika ni Sasha. May kaya ang pamilya nito kaya afford ang condo isa pa, maganda rin ang trabaho. Isa itong accountant sa isang sikat na bangko sa bansa.

"Yeah Baby... Sige hintayin mo lang ako diyan." Sabi ni Rim na kaagad na binaba ang tawag saka naghanda para sa pag-alis. Hindi na inisip kung may asawa pa siya.

Si Sasha Altamirano...tunay na babae... ang babae ni Rim for almost a year at walang kaalam-alam doon si Ashley. Magaling rin kasing magtago itong si Rim.

- - - - - - - - - - -- - - -

"Anak... Mag-aaral ka na pala next school year." Masayang sabi ni Ashley kay Ash na napangiti naman sa kanya.

"Talaga Mama?" tanong nito. Mama na ang tawag niya kay Ashley dahil iyon na rin ang tinuro sa kanya simula pa noon saka mukha naman na kasi talagang babae ang mama niya, hindi mo nga mahahalatang transwoman ito kung di mo pa makikita ang adams apple nito na medyo may kalakihan.

Napatango si Ashley.

"Kaya ngayon pa lang... dapat maghanda ka na a... Magbasa-basa ka ng mga libro saka huwag kang mag-alala... tuturuan din kita." Sabi nito.

Mas lalo namang napangiti si Ash.

Biglang niyakap ni Ashley ang anak.

"Hay! Bigboy na ang anak ko... Hindi magtatagal ay magiging binata ka na." paglalambing na sabi ni Ashley. Hindi maikakaila na gwapong bata si Ash at lalo na siguro sa paglaki nito. Gwapo rin naman kasi si Ashley nung lalaki pa siya at iyon ang minana ni Ash, ang kagwapuhan niya 'yun nga lang, halatang bading na siya noon dahil sa sobrang lambot ng kilos niya.

- - - - - -- - - - - - - - - - -

"Mabuti naman at day-off mo ngayon at may time na tayo na magchikahan ulit." Sabi ni Ashley sa matalik na kaibigang si Remi. Katulad niya, transwoman na rin ito, kasabayan niya nga ito sa pagpapa-opera sa Thailand at ito rin ang naging saksi sa lahat ng meron sa buhay niya kabilang na roon ang lovelife niya kay Rim at ang pagpapakasal niya. Kaibigan na niya ito since high school at hindi nagbabago ang turingan nila sa isa't-isa.

"Oo nga e... Mabuti na lang talaga at saktong-sakto ang pagpunta mo dito sa bahay." Sabi ni Remi. Magkatabi silang nakaupo sa mahabang sofa na nasa living room ng apartment ng una.

"Balita ko nga pala... Nasabi sa akin ni Mama na promoted ka as senior manager... Congrats." Masayang wika ni Ashley. Magkaiba ang course na tinapos nila nung college. Business ad ang tinapos ni Remi at ngayon ay nagtatrabaho ito sa isang malaking finance company na matatagpuan sa Taguig.

Napangiti naman si Remi.

"Salamat... Ikaw kasi, hinayaan mo lang ang sarili mo na maging plain housewife... Kung nagtrabaho ka kaya at ginamit mo 'yung napag-aralan mo... edi sana parehas na tayong nasa mataas na posisyon." Sabi nito. Hindi naman kasi isyu sa kumpanya nila kung ano at sino ka, ang mahalaga sa mga bosses nila ay magaling ka at ang kakayahan mo.

Tipid na napangiti naman si Ashley.

"Masaya naman ako... and besides... fulfilling rin naman sa pakiramdam ang maging isang housewife... at least naalagaan ko nang mabuti ang pamilya ko." Sabi nito.

Napangiti naman si Remi.

"Kunsabagay..." sabi nito. Biglang nag-iba ang timpla ng mukha nito ng may maalala. "Oo nga pala... May sasabihin ako sayo... Huwag ka sanang magugulat at magagalit a... Actually, nakita ko lang naman ito..." sabi pa nito.

"Kinabahan naman ako bigla diyan sa sinasabi mo... Ano ba kasi 'yan?" tanong ni Ashley. Sa totoo lang, medyo kinabahan nga siya.

Napabuntong-hininga si Remi.

"Huwag mo sanang isipin na nagsisinungaling ako at sinisiraan ko ang asawa mo sayo pero kasi... nung isang araw... pauwi ako nun galing work e... Nakita ko siya... alam mo naman na kilala ko ang asawa mo dahil sa batchmates rin tayo at saksi ako sa lahat ng nangyari sa inyong dalawa... so ayun nga... Nakita ko siya... May kasama siyang babae... magandang babae to be exact." Sabi ni Remi.

Hindi pinhalata ni Ashley na nagulat siya sa sinabi nito pero sa totoo lang, so loob-loob niya, gulat na gulat siya. Matagal na rin kasi nung huling nambabae si Rim at ngayon lang ulit.

"Ganun ba... Baka katrabaho lamang niya iyon na kasabay niyang umuwi." Sabi ni Ashley. Ayaw niya sanang paniwalaan pero may posibilidad na totoo ang sinasabi ni Remi. Ilang beses nang nangyari ito at hindi malayong mangyari ulit.

"Gusto ko nga sanang isipin na katrabaho lang niya e pero bes... iba e... Halos naglalandian na sila sa public... Kung makaligkis pa 'yung babae sa braso ng asawa mo... parang ahas na ayaw umalis. Hindi ko nga kilala 'yung babae kaya feeling ko, kung saan lang 'yun napulot ni Rim." Sabi ni Remi.

Natahimik si Ashley.

"Sorry bes a... Hindi ko na lang sana sinabi sayo... Alam kong ilang beses ng nangyari ito... 'yung iba nga, ikaw pa mismo ang nakahuli." Sabi ni Remi.

Napatingin si Ashley kay Remi. Tipid na napangiti.

"Ok lang... mabuti nga at sinabi mo para naman may alam ako... Sa totoo lang kasi, ilang beses na rin akong nagmukhang tanga." Sabi nito.

Nakaramdam naman ng awa si Remi sa kaibigan. Ginagawa nito ang lahat para sa pamilya pero ganito pa ang ginaganti.

"So anong gagawin mo ngayon?" tanong ni Remi.

"Wala." Sagot ni Ashley na ikinagulat ni Remi.

"Wala? Sigurado ka?" tanong ni Remi.

"Sa ngayon wala... pero sa oras na ako mismo ang makahuli... humanda sila." Sabi ni Ashley. Napabuntong-hininga.

Inakbayan ni Remi si Ashley at tinap ito sa balikat.

�>

"Kaya mo 'yan... Kung kailangan mo ng resbak, tawagan mo lang ako and I'll be there." Sabi ni Remi. Tipid na napangiti si Ashley.

BACKFIGHT COMPLETE EPISODES AVAILABLE ON DREAME APPWhere stories live. Discover now