Pumasok ako sa loob ng bus at umupo sa pangalawang row malapit sa bintana. Habang umuusad ang bus ay naisipan kong kuhanin ang notebook ko para i-check kung ano ang sinulat niya doon. Nagulat ako, diary! Hindi ko alam kung bakit pero nagtataka talaga ako kung bakit niya linagay ang phone number niya doon sa notebook ko. I guess sinulat niya ‘yon para magkaroon ako ng contact sa kanya. But, mas nabababagabag ako sa pahabol na note sa ilalim ng phone number niya.
“Daisuki”
I know it’s Japanese but I don’t know kung ano ang meaning nito. I was confused, totally confused.
FEBRUARY 26, 2016
Ito na ang araw para magpakita na ako sa buong schoolmates namin, ngayon ang live performance namin sa theater play na pina-practice namin kahapon. Sinuot ko ang costume ko at lumapit sa Kuya-kuyahan ko. Kagaya ng nangyari kahapon, tinulak niya na naman ako kay Jude with matching pang-asar.Nakisali na rin sa pang-aasar niya ang kambal na member ng Drama Club na si Eli at Elliot, kesyo nagsama na ang modern princess at prince Actually, I don’t consider myself as a princess because my life isn't a fairytale.
Nag-start na kami sa pagperform at nagtagumpay kami sa pagpasaya at pag-impress sa mga schoolmates at teachers namin. Puro positive feedbacks ang nakuha namin galing sa kanila, and they want us to perform again. I am happy for it, we are all happy for it.
Mabilis na lumipas ang panahon, Diary. Medyo naiinis na rin ako sa sarili ko dahil hindi ko natanong sa kanya ang kahulugan ng salitang “daisuki”. Ginugulo ng salitang ‘yon ang isip ko, at feeling ko nga mababaliw na ako kakaisip kung ano ang meaning ng salitang 'yon!
JULY 28, 2016
Binuksan ko ang Facebook ko para i-check kung may nag-message sa akin ang kaibigan ko na nakatira sa Baguio, ngunit sa kasamaang palad ay wala siyang message sa akin, busy siguro. Mas nagtaka ako nang makita ang isang stranger na nagmessage sa akin, he is using Ken Kaneki’s name as his name on Facebook and I think otaku siya dahil sa profile picture niya at sa username niya.
KEN KANEKI:
Hi Kelsey!
ME:
Hi to you too, Kaneki.
KEN KANEKI:
Grabe naman, hindi mo ba ako nakilala?
ME:
I know you, you’re the one-eyed ghoul! HAHA
KEN KANEKI:
No, ako ‘to si Jude.
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat, Diary! Hindi ko akalain na pagkatapos ng five months ay kakausapin ko na naman siya. Mahaba-haba rin ang naging chat conversation namin, nagpapalitan lang kami ng tanong about sa life namin at… hindi na rin mawawala doon ang pagtatanong namin tungkol sa mga love life naming dalawa.
ME:
I don’t need those shitty love, masasaktan lang naman ako sa huli.
By the way, stop talking to me. Baka mamaya may access pala ang girlfriend mo sa account mo at awayin ako no’n. Alam mo naman na ayoko sa childish girl fight, right?
KEN KANEKI:
Are you talking about Louisa? She’s not my girlfriend.
ME:
Oh, really? Then, who the hell is she kung hindi mo siya girlfriend?
KEN KANEKI:
She’s my cousin. No one knows that we are family related kaya, bumuo ako ng plano. We both agree on this and my cousin is good at pretending, she really nailed it actually.
I was shocked, Diary. Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko kaya, puro stickers at memes ang sini-send ko sa kanya. I didn’t know that she was his cousin. Grabe, ang lakas talaga ng trip nila! But it helped though, nakatulong rin ‘yon para lumayo ang mga babaing may gusto sa kanya.
YOU ARE READING
Broken Strings | ONE SHOT
RomanceI am no princess for I don't live in a castle full of dimes. I am more like an angel, an angel with broken wings and a crushed heart.
Broken Strings
Start from the beginning
