Broken Strings

269 21 42
                                        

Broken Promises
A One Shot Story
Written by: warhiro

■■■■

KELSEY

Dear Diary,

It’s been a while now, huh? Medyo matagal nang hindi ako nakapagsulat dito ng entry ko. But, I have something to tell you, Diary.

You know what, I just learned something new. Something that I regret. Wala akong word of honor, Diary. I always thought that I am one of those people who knows how to keep words themselves. Akala ko, isa na ako sa mga taong kapag nangako sa sarili ay tinutupad agad pero hindi pala. I forbid myself to love someone and be ignorant but look, I did not follow my words. Muli akong nakaramdam ng bagay na ‘yun and hell! I take it seriously.

It was February 2016 when I first met him. He was the nicest guy that I ever knew in this world including my boy best friends. Naging friends kaming dalawa and for some reason, may girlfriend siya and duh? Hindi ko naman gustong makipag-kaibigan sa kanya dahil mukhang possessive ‘yung babae. Isa pa, hindi rin ako marupok kagaya ng isang tipikal na klase ng babae.

Nasa rehearsal ako noon para sa theater play namin sa school, Diary. Yes, I am good in acting that’s why a friend of mine convinced me to join Drama Club. Labag man sa kalooban ko pero pinili ko na lang na tanggapin ang kanyang alok. Nagkaroon kami ng break time noon at sa hindi malamang dahilan, nagpaiwan ako sa loob ng room. Nakaupo lang ako malapit sa glass window at inii-sketch ang isang character sa story na ginawa ko at nagulat na lang ako nang lumapit siya sa akin. Tinanong niya pa ako kung ano ang ginagawa ko which is kinda lame and obvious dahil alam niya naman kung anong ginagawa ko.

Hiniram niya saglit ang notebook ko at mukhang may sinusulat doon. Hindi ko na pinansin kung ano man ‘yon at hindi ko na siya pinansin. Ayoko naman kasing makipagkaibigan sa kagaya niyang mayroong possessive na girlfriend. Nakakatakot kaya ang girlfriend niya. Parang hindi tao kundi isang mutated na linta. Hindi ako rude Diary ah? Ganyan kasi ang napansin ko sa kanya nung nakita ko siyang kasama ni Jude. So, ayun nga may sinulat siya sa notebook ko at hindi ko pa na-check dahil may kalutangan rin ako noon. Niyaya niya akong sumama sa kanya na lumabas para bumili ng snacks pero tinanggihan ko dahil sa dalawang reason, Diary. Una, ayoko dahil tinatamad akong lumabas at pangalawa, baka makita kami ni Elisse at kung anong isipin niya. Ayoko pa naman ng gulo.

Naiwan akong mag-isa sa loob ng room kaya wala akong ibang ginawa kundi ang magtugtog ng gitara kahit na hindi pa ako magaling kagaya ni Jude. Oo, guitarist ng Music club si Jude and at the same time ay member rin siya ng Theater club. Binitawan ko ang gitara at kinuha ko na lang sa bulsa ko ang aking cellphone para makipag-chikahan sa mga internet friends ko sakto lang din na dumating siya kasama ang iba pa naming kasama sa club. Otomatik siyang lumapit sa akin at inabot sa’kin ang isang cornetto. Tinanggihan ko ‘yun dahil nahihiya ako at hindi ko kasanayan ang tumanggap ng pagkain sa isang stranger maliban na lang sa mga friendshies ko. Pinilit niya ako na tanggapin ‘yun pero tinatanggihan ko pa rin. Hanggang sa napansin ng kuya-kuyahan ko ang nangyayari at nakisali na rin siya sa amin, Diary! Kaya, no choice ako at tinanggap na lang ang cornetto. Ang daldal niya, promise! Kung anu-anong topic ang ginagawa niya para lang kausapin ako. Pero ako, tahimik lang at pawang oo at hindi lang ang sinasagot, haha. Nakakatamad kasi eh.

11:35 AM

Nagpaalam na kami sa isa’t-isa para umuwi and as expected, mag-isa na naman ako sa bus stop, Diary. Magkaiba kasi kami ng village ng kuya-kuyahan ko at nina Jude. Mag-isa lang akong nag-aabang sa bus na paparating, at hindi nagtagal ay may dumating na bus. Konti lang ang sakay nitong pasahero dahil celebration ngayon ng Edsa Revolution.

Broken Strings | ONE SHOTDonde viven las historias. Descúbrelo ahora