"Bakit ba hindi mo siya ipahiya 'no? Para tantanan ka na niyan." Agaw ni Becca sa Atensyon niya.

Hindi niya masabi sa mga ito that he reminded her of someone from her past kaya hindi niya magawang ipahiya ang nerd na school mate. At isa pa baka pagtawanan at pagkaisahan pa siya ng dalawa kapag nagkwento siya.

Walang pinagkakatiwalaang ibang tao si Savannah. Lalo na ang dalawang ito. May mga close friends naman siya kahit paano. Yung niya bestfriend noong high school na nasa ibang university at si Kara na isa sa mga una niyang nakilala sa unang taon niya sa kolehiyo.

"Pwede ba? Let's not talk about him. I never imagined na magiging topic natin ang nerd na iyon!" umiikot ang mga matang sabi niya.

"Right! Nakakasuka siyang pag-usapan!" Sang-ayon ni Tricia saka bumaling kay Becca. "Sabihin mo na samin yang brilliant idea mo na yan!"

Ipinatong nito ang dalawang kamay sa lamesa. Na parang may i-di-discuss na business matter sa kanila. "Well, we're talking about Noah right? If he's gay or he's just not into Vanni."

"Oh, tapos?" Si Tricia. Naiinip ang ekspresyon sa mukha.

Si Savannah ay nakadekwatrong nakikinig lang.

"So, I've come up to this Idea! Why dont we have bet?"

Kumunot ang noo ni Savannah at hindi napigilang magtanong. "What bet?"

"Bet, pustahan girl." She said it like. "duh?"

Pinatirik ni Savannah ang mga mata bago sumagot. "Yeah... I know becca." She said sarcastically. "What I meant was be specific naman!" saka pinanlakihan ito ng mga mata.

"Hindi pa kasi ako tapos di'ba?"

"Bilisan mo na kasi, pa-suspense ka pa, eh!" Maktol na sabat naman ni Tricia.

Prenteng sumandal si Savannah sa silya niya. Nang may maagaw ang atensyon nila ng ingay mula sa mga grupo na kakapasok lang sa coffee shop.

"Speaking of.." ngiting-ngiti na baling ni Becca sa direksyon kung saan nanggagaling ang ingay.

Kunot noong nilingon ni Savannah ang sinisipat ng kaibigan. Ang grupo pala nina Noah. Kasama nang lalaki ang mga team mates nito sa soccer. Mukhang kakatapos lang ng practice.

Sakto namang pagsulyap niya, nagtama ang mga mata nila ni Noah na agad nag-iwas ng tingin sa kaniya.

What's wrong with you huh? Titingin-tingin ka 'tas iiwas mo mga mata mo. Sa loob loob niya bago hinarap muli ang mga kaibigan.

"So, What is it again?" Tanong niya kay Becca na kulang na lang maglaway habang nakatingin sa mga varsity.

"We need to abort the mission! Nandito lang ang target." Oa na pagkakasagot nito.

Humalukipkip siya. "It's okay... as if naman maririnig tayo n'yan!"

"Duh, Vanni! What if marinig tayo ng isa sa kanila." Bulong ni Tricia na nakatingin rin sa grupo. Obvious na obvious ang bruha.

"Okay, Okay... So saan tayo mag-uusap, aber?"

Nakakainis naman lagi namang pabitin tong mga to.

"We can talk over at our favorite resto bar!"

"You know, I cant go there." Bukod sa pagiging wild at playgirl. May pagka-war freak din siya kung minsan.

Nakaaway niya ang anak ng may ari nang bar. Dahil sa boyfriend nitong nilalandi siya noong minsan silang magpunta doon.

"Oo nga bawal doon si Vanni!" Segunda naman ni Tricia.

The Innocent Playgirl R18 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon