"Nak, andyan na ang kaibigan mo!" sabi ni nanay pagkapasok ng kwarto. Tumango ako at lumabas na kami ng bahay. Nakasuot din siya ng simpleng blue dress.

"Lez go!" aniya at pumasok na kami ng kotse ni Yohan na siyang maghahatid samin. Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan nang marating na namin ang school. Iniwan na namin si Yohan sa labas at pumasok na kami. Linggo ngayon kaya walang mga estudyante. Ganun parin ang hitsura ng university. Muli kong naalala ang pinagdaanan ko sa school na 'to. Pumasok na kami ng gymnasium kung saan ang venue. Nagsilingunan ang iba sa pagpasok namin. Ang iba ay nakilala ko na naging classmate ko.

"Ikaw na ba yan, Mandy?" nilapitan ako ng mga kaklase ko.

"Ako, di niyo ba ako nakilala?" bulalas ni Demi.

"Di naman nagbago hitsura mo eh haha!" biro nila.

"Grabe kayo." sabi ni Demi.

Nagtawanan naman kami. Nagusap-usap pa sila. Ako naman, palinga-linga sa paligid. Nahagip ng mga mata ko ang lalakeng matagal ko ng hindi nakikita. Lumingon din siya sa kinaroroonan ko at lumapit naman siya sakin.

"Long time no see. Kumusta na?" bungad na bati ni Hiro. Ganun parin ang aura niya na laging nakataas ang buhok. Lalo pa yata siyang tumangkad.

"Hmm heto, lalong pumapangit." tumawa ako.

"Sus pa-humble, same old Mandy." aniya.

"Ikaw, kumusta?" pabalik kong tanong.

Kumibit-balikat siya. "Heto, pogi parin."

"Haha, same old Hiro." tumawa ako.

"Kumusta naman ang love life mo?" tanong ko pa.

"May asawa na ako." nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Really?"

"Yup, May isa na akong anak." sagot niya.

And dami na talagang nagbago sa mga buhay namin. Napalingon naman ako sa mga lalakeng pumasok, nanlaki pa ang mga mata ko. Sila Niel, Vince, Miko, Harry at.. si Xander. Kinakawayan nila ang mga bumabati sa kanila. Narinig ko nalang ang tawa ni Hiro.

"I miss that gangsters, Haha!"

At ramdam ko ang pagkalabog ng puso ko.

"Uy, natulala ka na dyan." naramdaman ko ang pagsundot ni Hiro sa balakang ko.

"Kumusta naman ang love life niyo ni Xander?" tanong niya na nakapagsikip ng dibdib ko. Ano ba itong nararamdaman ko? Dahil siguro galit parin ako kay Xander.

Tumikhim naman ako, para kaseng may namuong bukol sa lalamunan ko. "Wala na kami, matagal na." Sinikap ko naman na ngumiti lang kay Hiro. Tumango siya.

Narinig ko nalang na may nagsalita stage. Itinuon ko nalang ang atensyon doon. Ang nagsalita ay ang naging president ng batch namin. Ang dami niyang sinabi, at may tinawag siya.

"Come here on stage ang tropang hokage!"

Nagulat nalang ako nang makita na umakyat ng stage sila Xander na mga naka-headtie pa na mukhang mga gangster. Naghiyawan ang lahat at ako naman ay tahimik lang. Ramdam ko parin ang paghuhuramentado ng puso ko.

Tumalikod silang lima at nung nagpatugtog na ng music.

Tss, alam ko na ang ganyang performance. Huhubad ng tshirt para ipagyabang ang abs.

'You are my fire," unang humarap si Niel na nakangiti lang na sinasabayan ang kanta. Lipsync.

'The one desire...

- Miko.

'Believe, when I say..

-Harry

'I wan't it that way..

-Vince

Mas lalong naghiyawan nang si Xander na ang humarap with matching kindat pa ang loko.

'But we, are two worlds apart,

can't reach to, your heart..

When you say,

but I want it that way..

Tell me why..

Ain't nothing but a heartache,

Tell me why,

Ain't nothing but a mistake,

Tell me why,

I'll never wanna hear you say

But i want it that way..

Natapos na sila at may mga sumigaw ng pangalan nila.

Ay di pala sila naghubad. Wrong ang predictions ko.

Ramdam ko parin ang paninikip ng dibdib ko. Bumuntong-hininga ako para gumaan ang pagbibigat ng dibdib ko.

"Nandito ka lang pala," bungad ni Demi sa tabi ko.

"Oh, ba't mukha kang iritado?" puna niya.

"Ah ano kase masama ang paki-" di ko na natapos ang sasabihin ko.

"Wait lang, ayun si Stella." bigla akong iniwanan ni Demi. Hinanap ng mga mata ko si Hiro at nakita ko siyang may mga kausap.

"Finally.." Para akong napatalon sa gulat nang bumungad sakin si Xander. Dumoble yata ang bigat ng dibdib ko.



To be continued....

Strange Hearts (Completed)Where stories live. Discover now