Chapter 8

6 0 0
                                    

Ela

"Mark dalian mo na! Alas otso na oh!"reklamo ko at napapapadyak-padyak pa.

" oo nga wait lang"sabi nya.

Intrams na kasi namin ngayon.At again kasali si Caleb sa  contsest

"Hoy wag mo nga akong bigyan ng ganyang itsura" sabi niya.Kaya mas nagbusangot pa ako

"Hay tara na nga" aniya at lumiwanag naman ang mukha ko.Hinila nya agad ako at lumabas na kami ng bahay nila.Wala syang kasama sa bahay nila madalas kasi nasa probinsya yung magulang nya.Kaya for now dito muna ko sakanya natutulog.Wala din naman akong kasama sa bahay.Kawawa naman kami :<

"Gustong gusto mo si Caleb no?" Biglang sabi nya habang papunta kami sa school.

"Mabait kasi sya saka isa pa ang gwapo nya kaya" naka-pout na sabi ko.Bigla nyang kinurot yung pisngi ko

"Aw Mark naman eh" reklamo ko kaya binitawan na nya yung pisngi ko.Ng makarating kami sa school ay ang ingay ingay na ng bawat grades.Puro na sila cheer sa kani-kanilang grades.

"Uy eto na yung mag jowa" automatic na napairap ako ng marinig ang mapang-asar na boses ni Jimboy

"Oy Mark ligawan mo na kasi" na sinundan ni Jelly

"Shatap nga kayo! Nasan na ba si Caleb?" Iritadong tanong ko

"Nasa room beh!" Sagot ni Jimboy

"Sino pala partner nya?" Tanong ko ulit

"Edi yung jowa nya! Si Kaira!" Tila nagpintig ang dalawang tainga ko ng marinig ko yun.Di ko na lang pinansin ang sinabi nya kasi kay Caleb na mismo nanggaling na wala syang jowa!Inirapan ko sya at agad na pumunta sa room.

"Caleb" agaw pansin ko sakanya kaya napatingin sya sakin at tinanguan lang ako.Kumunot ang noo ko sa kilos nya.Bat di nya ko nginitian.Napatingin ako sa babaeng katabi nya na si Kaira pala.Tinignan nya ko ng masama at inirapan.

Pero ang bumabagabag sakin ngayon bakit hindi man lang ako nagawang ngitian ni Caleb? Naramdaman ko na may umakbay sakin at yun pala ay yung bestfriend ko.

"Yow inutil!" Hayan nanaman sya

"Mas inutil ka" sabi ko at nag make face pa.

"Ah ganun?" Nagbabantang sabi nya at tumango tango ako habang nakapikit

"Uwahhh! Mark wag hahahaha" pigil ko sa ginagawa nya

"Aba malakas pala kiliti mo dito ah" natatawang sabi nya at di nagpapigil

"W-wag—ahahaha Mark!"sinubukan ko kumawala sakanya kaso masyado syang malakas natapakan ko yung paa nya at muntik na ako ma-out of balance buti na lang ay nasalo nya agad ako

Nakatitig ako sa nakangiting mukha ng bespren ko'ng inutil abaugh! May kagwapuhan naman pala to'ng bespren ko eh

" Ay! Guys look oh ang sweet ni Ela at Mark ayiee"nagulantang ako ng marinig ang kantyawan ng mga tao at naalala ko kung ano ang posisyon namin ngayon ni Mark at kung gaano karami ang taong narito sa paligid namin.Agad na inayos ni Mark ang posisyon namin at pasimpleng tumitig sa sahig na may kasamang pagkamot sa batok at sipol.

"H-hoy! Tumigil na nga kayo! Ayan nanaman yan eh" nahihiyang sabi ko sakanila

"Bagay kayo" biglang sabi ni Kaira at agad akong napatingin sakanya.

"Bestfriend lang kami" seryosong saad ko

"Oh well dyan naman naguumpisa ang lahat eh.Right Caleb? Bagay sila diba?" Aba at hiningi pa talaga nya ang opinyon ni Caleb! Ha! Nagulat tuloy si bebe Calebq.Hinintay ko yung sagot nya at ganun na lang ang gulat ko ng sumangayon sya

"Oo naman,bagay na bagay"

Ka-close ko si Crush! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon