Chapter 3

5 0 0
                                    

Eto ako ngayon sa kwarto ko sobrang kinikilig! Yiee kasi naman! Ka-chat ko si Caleb hihi ^.^

Caleb: Balak yata ulit ako'ng isali ni Sir sa intrams eh

Me:Intrams? Player ka ganun?

Caleb: hindi,diba may mga contest din sa Intrams? Nakalimutan ko yung tawag dun

Me: ah oo yung Ginoo at Binibining Palaro yun!

Caleb: parang ayoko na nga sumali eh

Me: ih medyo malapit na rin naman yun saka isa pa once in a lifetime lang yung mga ganun.Diba sabi ko i-enjoy mo?

Caleb: sabagay,sige na sasali na ako thank you sa pag encourage lagi sakin ^.^ <3

Ay pakshet! May heart emoticon pa!

Me: yiee naks naman! Diba nga no.1 supporter mo ko? Hahaha

Caleb: oo naman! Kung di dahil sayo baka hindi ako mapapayag na sumali sa mga ganu'ng contest

Me:basta! Fight fight lang! Sige goodnight :)

Caleb: goodnight :)

Matapos ng mahaba-haba namin na chat ay natulog na ako kasi sobrang antok ko na.

Kinabukasan ay nakasabay ko'ng pumasok si Caleb kasi nagkasalubong kami sa labas ng subdivision.Minsan ko lang sya makasalubong at makasabay kaya naman tuwang tuwa ako.

"Caleb ano'ng meron kay Chloe at nagustuhan mo sya?" Biglang tanong ko sakanya habang naglalakad kami papunta sa school.Malapit lang dito yun kaya nilalakad ko na lang para tipid na rin sa pamasahe 10 pesos din yun

"Cute nya kasi eh" nakangiting sabi nya.Alam ko naman kung sino ang gusto nya kahit na medyo nakakaselos ok lang naman di kaya sila close! Hahaha.Atleast ako kahit alam nya na crush ko sya di nya ko iniwasan at tignan nyo magkaibigan pa kami! Teka ano nga pala sabi nya? Cute daw si Chloe? Napairap na lang ako ng marealize ko yun

"Mas cute naman ako dun ah" bulong ko.

"Hah? May sinasabi ka ba?" Tanong nya

"Ha? Hatdog" inis na sabi ko kaya lang natawa pa sya at ginulo ulit yung buhok ko! Agad na hinampas ko yung kamay nya at lalo syang natawa

"Sadista ka talaga Ela!" Tatawa tawang sabi nya

"Sabi ko sayo di naman kailangan guluhin yung buhok ko eh!" Reklamo ko dito

"Ang cute mo pag na-aasar" nakangiting sabi nya sakin

"Alam ko yun" sabi ko habang inaayos yung buhok ko

"Ay Caleb dadaanan ko nga pala si Mark mauna ka na" sabi ko sakanya

"Sige lang,gusto kitang samahan eh" aniya.Mabuti na lang at nakayuko ako for sure ang pula pula na ng pisngi ko dahil sa kilig.

Ng makarating kami sa loob ng subdivision nila Mark ay muling nagsalita si Caleb

"Diba sabay kayo laging umuwi ni Mark?" Tanong nya at tumango lang ako

"Eh paano yun? Mag-isa ka umuuwi sainyo? Eh naglalakad lang kayo ah? Hindi ba delikado na mag-isa ka lang?" Sunod sunod na sabi nya na ikinatawa ko

"Dahan dahan lang! Mahina kalaban! Yung sinasabi mo hinahatid pa ako ni Mark hanggang sa bahay namin pag uwian! Pag papasok naman ako yung sumusundo sakanya" sagot ko.Nandito na rin kami sa harap ng bahay nila Mark

"Ah ganun ba? Ela pwede ba na sabay na lang tayo lagi? Pag pasok at pag-uwi? Since magkaperahas lang pala tayo ng subdivision" tanong ni Caleb

"Hindi pwede"

Ka-close ko si Crush! Where stories live. Discover now