Chapter 2

3 1 0
                                    

"Aray! Bakit ba?! Hah?!" Sigaw ko sakanya at ginantihan din sya ng suntok.

"Aray ko din! Batok lang akin sayo suntok!" Aniya

"Inutil ka! Ewan ko sayo!" Sigaw ko at inirapan sya

"Mas inutil ka!" Ganti nya.

Ayan ganyan kami mag asaran 3 buwan na kami halos nag aasaran neto eh.

"Hoy ayan nanaman kayong magjowa,magtigil nga kayo!"tukso samin ni Jimboy

At 3 buwan na rin kaming tinutukso ng mga Jollibee namin na kaklase!

" magtigil ka din! Sinabi ng di kami mag jowa eh!"pagsita ko sakanya at tinawanan nya lang ako.

"Ela!Di ka nagpunta!" May halong pagtatampo sa boses ni Caleb ng makita nya ko.Napairap tuloy ako sa sinabi nya

"Duh nagpunta ako noh!" Sabi ko sakanya.Umupo sya sa assigned seat nya at kinausap ako'ng muli

"Bat di kita nakita?" Tanong nito.

"Paano busy ka sa pagakbay kay Kaira" bulong ko

"Ano ulit?" Aniya

"Wala! Sabi ko madami kasing nagpapa-picture sayo!" Pagpapalusot ko at muling napairap

"Sige nga anong kulay ng suot ko kanina" paninigurado nya

"Tss,color blue na may flower flower na design sa gilid! Duh!" Sagot ko

"Tama! Haha sorry naman" natatawang sabi nya

"Ilang beses pa nga kitang tinawag di mo naman ako narinig" reklamo ko sakanya

"Eh maingay kasi,sorry na" paglalambing nya at ginulo-gulo pa ang buhok ko.Imbis na kiligin ay nainis pa ko dahil ginulo nya ang buhok ko kaya naman hinampas ko yung kamay nya.Hinarap ko sya at ngumiti sakanya

"Ok lang" nakangiting sabi ko at sinuklian din nya ko ng matamis na ngiti

"Thank you din pala,sabay tayo mamaya ililibre kita" aniya.Sasagot na sana ako nung umepal yung bestfriend ko

"Oops! Di pwede alam mo naman na kami yung laging magkasabay hindi ba?" May malokong ngiti ang ipinapakita ng bestfriend ko kay Caleb.Hinampas ko sya sa braso at tumingin muli kay Caleb

"Sige sabay tayo" sabi ko

"Teka! Paano naman ako?" Muling epal ni Mark.Inirapan ko sya saka sinagot

"Bakit diba pwedeng sumabay ka din samin? Duh ililibre ako ni Caleb! Di mo ba narinig yun? Libre daw! Saka tayo naman yung sabay na uuwi hindi kami!" Sigaw ko

"Ako na lang manlilibre sayo hehe" aniya

"As if!" Irap ko ulit kay Mark

"Syempre joke lang,oy Caleb! Ilibre mo din ako ah!" Kausap nya kay Caleb

"Sorry pero pa'ng dalawaha'ng tao lang ang kasya sa pera ko"-Caleb

" dalawa lang naman kami ah! Ay baka ang tinutukoy mo eh pandalawahang tao ang laki ni Ela haha"pang aasar nya sakin kaya sinampal ko sya

"Grabe ka naman.Sami'ng dalawa ni Ela to noh" nakangiting sabi ni Caleb at nginitian ako

"Hayaan mo na sya Caleb di kasi pinapakain sa bahay nila yan eh kaya ganyan" ako naman ang nang-asar kay Mark

"Inutil" sabi niya lang sakin.

Ka-close ko si Crush! Where stories live. Discover now