"Masaya? E bakit ganon?? Bakit mukhang anxious si ate Twaylem?" Napatingin sa akin si Danger. Nakita niya na hindi na ako komportable sa usapan.

"Baliw. Kuha lang akong water. Wait lang." Mag madali akong pumunta sa kusina at uminom ng tubig.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit sobrang ang gulo ng utak ko. Napaka sensitive ko sa mga araw na 'to.

"Twaylem, may problema ba?? Umamin ka sa akin." Nagulat ako nang biglang sumulpot si Danger sa harapan ko. "Danger, to be honest. Hindi ko alam kung anong problema. Ang gulo ng utak ko. Tapos parang may mabigat sa dibdib ko na hindi ko mawari kung ano."

"Ginagagoka na naman ba ni Tao?" Umiling ako.. "h-hindi. Hindi niya naman magagawa iyon."

"Hindi?? O hindi pa? Alam mo bang hindi ka marunong mag sinungaling Twaylem?"

Maya maya pa'y tumatawag si Sue sa kanya. "Yes Babe, nandito na kami sa bahay nila. Don't worry mayamaya uuwi na din kami. Okay.. I love you more."

Pag kababa ng call, tumingin sa akin si Danger. "Alam mo Twaylem, pag ginago ka talaga ng Tao na yan.. bubugbugin ko talaga."

Tumawa na lang ako ng tumawa para hindi na maging seryoso ang usapan namin.

"Masaya ako at nakita kita ulit. Pangit man yung ending, pero alam Twaylem.kahit anong mangyare.. nandito pa rin ako. Nandito lang ako."

Hinawakan ko yung kamay ni Danger. At isinandal ang ulo ko sa kanyang dibdib.

"Pakiramdam ko di ako worth it. Hindi ako kamahal mahal. Ang pangit pangit ko na."

Hinawakan ni Danger ang mukha ko. "Pangit?? Hindi ka pangit Twaylem."

Hindu ko alam bakit pakiramdam ko unti-unting bumabagsak yung self esteem ko.

"Siguro kasi, di na pinaparamdam sayo ni Tao na maganda ka." Napangiti na lang ako sa sinabi ni Danger.

"Baka tama si Donald.. na papraning lang ako siguro."

"Eh bakit parang iiyak kana kahit anong oras? Nasaan na yung confident na Twaylem na kakilala namin??" Umiling lang ako bilang pag tugon.

"Hindi ko alam anong nangyayare sa akin. Hindi naman ako ganito dati. Miss ko na yung dating ako."

Yinakap ako ni Danger ng mahigpit. "Huwag mong iisipin na pangit ka. Kasi Twaylem hindi. Kung pwede mo lang hiramin tong mga mata ko para makita mo kung gaano ka kaganda baka di mo na ibalik sa akin." Nakangiting sabi sa akin ni Danger. Ngiti naaa."

Ginulo ni Danger ang buhok ko at kinurot ang pisngi ko.  "Mas gumaganda ka pag nakangiti."

Buti na lang at nandito si Danger. Baka kung wala sya ngayon dito kung ano na naman naiisip ko.

Di rin nag tagal at nag paalam na sina Danger at Zone. Uuwi daw kasi ngayon si Sue.

Nag ligpit na ako at itutulog ko na lang din tong nararamdaman ko. Tinignan ko yung oras.. 11:45pm na wala pa rin siya.

Tinawagan ko yung telepono nya pero patay ito.

"Twaylem, huwag kang mag isip isip ng kung anu-ano. Malay mo naman na lowbat." Pag papakalma ko sa aking sarili.

Humiga na ako at nakipag titigan sa puting kisame.

Hanggang sa di ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

Mayamaya pa'y nagising ako sa biglang pag yakap sa akin ni Tao. Mukhang lasing na lasing ito. Dahil halos hindi na ito makabangon.

"Anna.." ana?? Kamuntik ko na itong sampalin. Pero nabaling atensyon ko sa cellphone nya.

Hindi ko alam kung anong klaseng kaba tong nararamdman ko.

Huminga ako ng malalim bago ko tuluyan basahin yung message.

"Lord.. please. Huwag." I was trembling kasi paano kung may iba nga siya???

It was nice meeting you, nag enjoy ako. Are we going to see each other tomorrow??
I like your name, Yoshida. You smell so damn good.

Ana♡

Parang pinukpok ng martilyo yunh puso ko sa nabasa ko.

Tinignan ko yung orasan. 4am na. At may pasok pa siya mamaya.

Ayoko munang magalit. Gusto kong marinig ang sasabihin niya.

Siguro naman di niya ako sasaktan ulit, diba??
To be continued...

LABYRINTH ACADEMY SEASON 3(COMPLETE)Where stories live. Discover now