February 14, 2012

8.8K 291 74
                                    

6:00 AM | Tuesday

Hoy! Diary,

Namiss mo ba ang amoy ko?

Namiss mo ako 'no? Ano!? Sumagot ka! Sige, pipilasin kita! Aba! Ayaw mong sumagot? Ipangpaparingas kita...sige, susunugin kita!

Speaking of "sunog"...

Hays, naalala ko na naman 'yong ginawa ni Nay Kia sa teks at pogs ko nung nakaraang buwan. Haaays...pinabili niya lang ako ng kape sa tindahan tapos pag-uwi ko sa bahay nakita ko isinama niya sa mga basurang sinusunog 'yong mga teks at pogs ko! HUKHUKHUK~ hangsakitsavayag!

Ahay! Diary, namiss nga kasi kita! Namiss mo ba ako? Ano? Iniiba mo 'yong usapan e! Siraulo ka.

"Tanga mo! Tanga mo! Tanga mo!" wika ng isang tinig. Ayan, na naman siya. Nagmamagaling na naman. Hays...

"Bobo ka talaga, Pipoy! Notebook 'yan, hindi 'yan nagsasalita! Hello?" sabi pa niya. Aba! Ini-english ako? 'Di pwede 'yun, sasagot ako. Teka...

"Eye no write!" maangas kong sagot. Teka lang, gago tama ba 'yong grammar ko? Utik, basta 'wag ka na lang maingay, diary. Tayong dalawa lang naman nakakaalam nito, e. Wala naman sigurong makakabasa nito. 'Di naman kasi marunong magbasa sila Tay Nok at Nay Kia. HAHAHA~

Hay, hayaan mo na lang nga si Bantot. Teka, kilala mo ba siya? Siya 'yong alaga kong loro na ninakaw ko lang do'n sa kabilang barangay. Naaawa kasi ako sa kanya, e. Hindi na raw siya pinapakain ng amo niya sabi niya sa 'kin tapos a 'yun iniuwi ko siya sa bahay namin. Bantot ipinangalan ko sa kanya kasi mabantot 'yong ipot niya. HAHAHA~ Walang k'wentang history ng pangalan. Pfft...

Kukuwentuhan na nga lang kita kasi matagal-tagal na rin akong hindi nakapagsulat sa 'yo dahil nag-focus muna ako kasi ako sa pag-aaral ko.

So ayun, matagal-tagal na rin kaming hindi nagkikibuan ni Nay Kia kasi nga nagtatampo ako sa kanya. Nitong mga nagdaang linggo, talagang 'di ko siya pinapansin. Lagi ko siyang tinatakasan kapag papaliguan niya ako. Si Tay Nok lang 'yung pinapansin ko kasi 'di siya masungit.

February 14 pala ngayon, diary? Ibig sabihin, Va...Vale...Valentim­es Day ngayon? Hindi kaya ito na 'yung tamang oras para patawarin ko na ang aking mahal na inay Kia? Matagal-tagal na rin kasi akong walang baon sa school, e. Ano sa tingin mo diary? Ay, 'di ka nga raw pala nagsasalita. Wait, tatanungin ko si Bantot.

"Bantot, ano sa tingin mo? Makikipagbati na ba 'ko kay Nay Kia?"

"Oo! Oo! Kasi love ka niya!"

"Ah, gano'n ba?" 

"Oo! Oo! Oo! Oo! Oo! Oo! Oo! O--"

"Oo na! Tama na! Kakulit!" 

Hay, kaingay talaga ng ibong ire. Gagawin ko 'tong adobo, 'pag ako nainis!

Sige na. Diary, lalabas na ako ng kwarto at magso-sorry kay Nay Kia tapos papasok na 'ko sa school. Ikukwento ko sa 'yo mamaya kung anong mangyayari. Hintayin mo 'ko...

•••

9:00 AM

Oy, diary... itutuloy ko na pala 'yung kanina. E, breaktime naman namin ngayon. Maaga kaming pinayagan ni Mrs. Kadiliman para lumamon sa canteen. At dahil, may baon akong santol at bayabas na si Nay Kia pa ang mismong namitas sa puno; hindi ko muna gagastusin ang baon ko. Sayang lang, e.

A, 'yun nga, nagkabati na kami ni Nay Kia kanina. Nami-miss ko na rin kasi 'yung mga usapan namin dati, e. Mahigit isang buwan na rin pala kasi akong nagtampo sa kanya.

Pero muntik na naman kaming mag-away kanina kasi balak niya raw akong paliguan. Alam mo naman, ako'y isang batang malinis at concerned sa katawan kaya a, 'yun, hindi ako pumayag na paliguan niya ako.

Yehey! Bati na kami! Magkakabaon na ko! Bwikwikwikwik~

•••

4:00 PM 

Hays, kakatapos lang kanina no'ng program sa Valentines Day, diary. Masaya naman kaya lang malungkot din kasi nagklase rin kami kaagad. Half day lang kasi 'yong program, e. Pero kahit half day, 'yung mga kaklase kong makikire, a 'yun, abot ang panghaharot sa mga crush nila.

Ako na lang mag-isa rito sa room, nagsi-uwian kasi 'yong mga kaklase kong may kwenta. Cleaners sila tapos nagsitakas naman ang mga bugok. Ako lang tuloy naglilinis dito. Saglit lang a, matatapos na 'ko.

•••

4:10 PM

Diary, palabas na ako ng school. Tapos ko na linisin 'yong classroom namin na marumi pero s'yempre mas madumi pa rin ako kaysa ro'n!

Alam mo ba ang sad ko kanina kasi naka-perfect ako sa quiz ni ma'am...

Anong nakakalungkot do'n? Teka lang kasi...'wag kang atat!

'Yung mga kaklase ko kasi binubully na naman ako kanina. Sabi nila nandaya lang daw ako kaya ako naka-perfect, nangopya lang, nangodiko, naka-tsamba lang daw, mabaho raw ako, 'di naman ako masyadong na-hurt do'n kasi mabaho naman talaga 'ko pero grabe sila, diary.

Hindi naman totoo 'yon, e, 'di ba sabi ko naman sa 'yo nag-aaral na akong mabuti. Nag-review ako kaya ako naka-perfect.

Nakakalungkot. Hays... wala na bang karapatan na maka-perfect sa quiz 'yung mga kagaya ko na pinagkaitan ng kabanguhan, kagwapuhan at katalinuhan? Bakit sobrang dali lang sa kanila na manghusga ng tao base sa hitsura nito? Pogi lang ba may karapatan makakuha ng mataas na grades? Magaganda lang ba may karapatan maka-perfect sa quiz?

Paulit-ulit ba 'ko, diary? Pasensiya na; masakit lang talaga. Sana hindi na lang ako pinanganak ng mahirap, sana mayaman na lang ako, sana hindi ako nabuhay bilang bobo, i mean, tamad mag-aral. Sana matalino na lang ako. Sana maayos nalang 'yung pagmumukha ko. Sana mabango na lang. Sana 'di na lang ako naging gan'to!

Nagdadrama,
Pipoy

P.S. Joke lang yung..."sana mabango na lang ako."

Diary ng Hindi Jutay (Daks 'to!) "NOT A PORN STORY"Donde viven las historias. Descúbrelo ahora