Prologue

21 1 0
                                    

"Hello Caleb?" Panimula ko ng sagutin ni Caleb ang tawag ko

"Oh Ela asan ka na?" Tanong niya.

"Naku Caleb sorry baka di ako makapunta.May program din pala yung pinsan ko eh wala yung Mommy nya kaya ako yung isinasama" sabi ko

"Ha? Paano yan? Ikaw lang naman ang number one supporter ko" malungkot na sabi niya kaya naman napangiti ako

"Pero ita-try ko humabol ok? Basta kapag di ako nakapunta Goodluck na lang sayo ah! I-enjoy mo lang yan wag kabahan! Sige ba-bye na" pamamaalam ko pero bago ko pa patayin ang tawag ay nagsalita ulit sya

"Hihintayin kita Ela,thank you" malambing na sabi niya saka ako binabaan ng telepono.

Huminga ako ng malalim at impit na napatili.Tinakpan ko agad ang bibig ko kasi baka mabatas ako ni Mudra.Tinignan ko ang sarili ko sa salamin.

Ako si Ma.Anjela Lopez hindi kagandahan at never pagpapantasyahan ng mga kalalakihan,16 year old and confidently chubby with a heart.

"Anj! Anak andito na yung pinsan mo hinihintay ka na,bilisan mo at baka ma-late to" sigaw ni mama

"Opo!pababa na po!"sigaw ko at nagmadali ng bumaba.


Tinignan ko ang relos ko at 8:45 na hindi pa rin tapos ang program ng pinsan ko.Hala! Kaninang alasyete pa  nagsimula yung program nila Caleb! Ang daya naman kasi eh! Kung bakit mga first shift ang pinalad makapanood sa program na yun! Paano naman kaming mga 3rd shift! Pwede naman dumalo sa program namin sa school pero syempre kailangan mo ng permit.Mga pang-hapon kasi kami ni Caleb classmates kami.Tas dahil buwan ng wika ngayon sinali sya ni sir bilang  lakandiwa sya yung representative ng Grade namin! Isa sya sa pinakagwapong Lakan haysss.Mala Crisostomo Ibarra siguro ang itsura ni Caleb.Sana makahabol ako! Nga pala first time nya sumali sa gano'ng contest.

Quarter to ten ng matapos ang program ng pinsan ko.Matapos ko syang ihatid sa bahay ay nagmadali akong pumunta sa school.Agad akong pinapasok ni Manong kasi goodvibes kami nun hehe.Wala ng permit permit.Hinanap agad ng mata ko si Caleb at–goshhh! Napakagwapong nilalang niya! Yieee.Pumunta ako malapit sa stage at tinawag sya

"Caleb!" Pagtawag ko ngunit malabong marinig nya ko kasi sobrang ingay ng mga tao.Awardings na rin ng makapunta ko.Hay nakakainlove.

Di rin nagtagal ay ini-announce na ang mga panalo.Sayang at hindi si Caleb ang nagchampion! 2nd runner up lang sya at sya rin ang nakatanggap ng pinakamagandang kasuotan.Bagay na bagay sakanya ang kulay asul na parang barong na may bulaklak pa sa gilid nito.Di ko mai-explain pero ang gwapo nya! Hindi ako nagselos sa kapartner nya kasi kaibigan ko yun hihi.Ng matapos ang awardings ay andaming nagpapa-picture sakanya! Hindi ako makasingit! Pambihira!

"Caleb!" Pagtawag kong muli at umaasang maririnig o makikita nya ko.Kaso waley! The next thing I know ay magkatabi na sila ni Kaira at nakaakbay sya dito habang nagpapa-picture! Luh parang tanga kailangan akbayan?! Ay qiqil mo ko!

Pero paano nga ba kami naging magka-close ni crush? Gusto nyo malaman noh? Tsismosa kayo ah! Joke!

Ka-close ko si Crush! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon