“Sige lang Storm. paniwalaan mo yang sarili mo … “ saka inirapan ni Araya si Storm. humarap sya sa garden para pagmasdan ang paghahanda para sa party na magaganap.

Naramdaman na lang nya ang pagpatong ng kamay ni Storm sa balikat nya.

“Wag ka na magselos Fudgee barr… ano bang gusto mong gawin ko para maging steady na din tayo? ako na lang ang napag iiwanan samin oh…” sinamaan nya ng tingin si Storm.

“Anong ginagawa ng mga ka-fling mo?” tanong nya.

“Araya naman eh! yung mga babaeng nakakasama ko, para lang lahat yun sa business. walang halong biro.  Promise.” tuloy pa din sa pag convince si Storm.

“So kasama sa business affairs mo ang pakikipagkiss? Paghawak sa bewang? At paghatid sa kanila sa bahay? Ganoon?”  hindi pa din tumitingin si Araya kay Storm.

Eh ano nga ba kasi ang dahilan kung bakit hanggang nagyon ay hindi pa in sila nagiging ok ni Storm? Simple lang .  hininhintay lang naman nya na makita dito ang sincerity nito sa mga sinasabi nya. pero hanggang ngayon, hindi pa din nya nakikita yun.

Sino ba ang maniniwala na sya lang ang mahal nito kung kada buwan ay may makikita kang litrato nito sa mga tabloid na may kasakasamang iba’t ibang babae? Nagsasabi nga ng I Love You tapos maririnig nya naman na iba ibang number ang tumatawag dito tapos maririnig nyang mag a-I ‘love you too’ ito.

Wala naman siguro?

Sumunod na dumating sila Cliff at Chelsea na sinalubong nila Clinton at Venus.

Buti pa itong dalawa na ito. masaya na at magkakaroon na ng anghel sa pamilya. dumiretso sa gawi nila si Chelsea kasama si Venus at Aya.

Si Storm naman ay nakigulo sa mga lalaki.

“Kamusta?” tanong ni Araya na naka ngiti kay Chelsea.

“Ok naman. eto todo alaga sa sarili. mahirap na baka mapano pa ako.”

“Pray lang … magiging okay ang lahat.” tukoy nito sa pag dadalang-tao ni Chelsea. “Kailan ka pala mag fa-file ng leave?” tanong ni Venus.

“Nako. maaga pa naman for that. saka kaya ko pa namang pumasok sa office.” nakangiting sabi ni Chelsea sa kanya.

“Good evening everyone!” malakas ang boses na sabi ni Venice pagpasok ng living room ng mga Alvarez.

“Woah! hello Miss Venice Marquez!” bungad ng mga lalaki sa kanya. agad naman silang kumaway dito ng mapalingon ito sa kanila.

Ang ganda ganda nito sa red dress nya.

“Tsk. iba na talaga pag artista! laging maganda!” sabi ni Araya sabay hawi ng magandang buhok ni  Venice na alaga sa salon.

“hay nako tgilan nyo ako ah!”  natatawang sabi ni Venice. “Hi baby Aya! You’re so cute!” pisil ni Venice sa pisngi ni Aya.

“Kamusta naaman ang shooting? Balita namin against si Elo sa bagong leading man mo ah?” tanong ni Venus sa pinsan.

“Alam nyo naman…  pinsan ni Kara… kaya may pinanghuhugutan.”  dinugtungan nila yun ng tawa.

“So ano? may trabaho ka pa naman?” tanong ni Araya.

“Fortunately, meron pa. nadaan sa lambing eh.” Natatawang sabi ni Venice

“Ok na pala ang dress na susuotin mo for the Montereal Gala.” sabat nni Chelsea na official designer ng mga damit nya.

“Wow thanks! I bet nandoon naman kayong lahat right? Yung mga asawa nyo invited din naman diba?” tanong nya sa mga kaibigan.

Dear LoveBug (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon