This Product of literature is made of my brilliant mine, at inspired talaga ako nung ginawa ko ito..
September 1, 2018
Init
Pighati
Mga sigaw
Nagmamakaawa
Mga salitang minsan ko nang nagawa sa buhay ko, hindi ko inaakala na gagawin ko sa panahon ng kagipitan ko.
Apoy
Nagaalab
Nakakapaso
Nagiinit
Nakakasira
Nakakawasak
Mga salitang naiisip sa tuwing binabanggit ang apoy, pero sa hindi ko inaasahan na ang salitang ito ang magtutuwid sa kabaluktutan ng karera ko sa buhay.
Omnious Wind Flows Gently To My Skin, halos hindi ko maramdaman ang init ng aking katawan pero muling namutawi ng akong isip na hindi mawawala sa utak ko ang init ng tagpo na nangyari nung panahon na yon.
" Bess, tulala ka nanaman." Bungad sa akin ng kaibigan ko, she's a beautiful friend.
Inside and Outside ..
" wala lang to.. I'm just imagining something.. " balik ko sa kanya at nakita ko ang muling pagngiti ng akong kaibigan.
" wait.. Who is that guy sa sketch pad mo? Napakagwapo naman, pero bakit ganyan yung kasuotan niya?.. " pagtatanong nito sa akin.
Napangiti ako dahil muli sumagi sa akin ang trahedyang kinasangkutan ko pagkalipas ng isang dekada.
Hindi na ako makahinga at halos hindi na makita ng akong mata ang paligid dahil sa tindi ng usok.
" ehemm.. " inuubo na ako at halos hindi na ako makahinga.
Ito na ba ang katapusan ko?
Napaiyak ako sa akong naisip, hanggang sa maisip ko ang magagandang mga pangyayari sa buhay ko.
Na winasak ng mapaminsalang sunog na ito.
Kanina nasaksihan ko ang unti-unting pagkalugmok ng magulang ko sa sunog kasama ang kapatid Kong dalawang taong gulang.
Totoo ngang walang minimintis ang sunog, dahil pati ang nararamdaman ko ay hindi ito nagmintis.
Pero anong magagawa ko kung isa din ako sa hindi pinagpala na magpatuloy?
Mga luhang pumapatak sa aking mata na natutuyo dahil sa dalang init na kinasasadlakan kong lugar.
Hanggang sa natanggap ko na sa sarili ko na wala na akong pagasa na makaalis sa loob na nasusunog naming bahay.
Pero sa nagbabagang apoy ay may pigurang nabubuo sa apoy na mapaminsala.
Sa dagat ng apoy ay may lalaking sumulpot, sa tindi ng apoy ay hindi ko maaninag ang kanyang mukha pero masasabi kong hindi siya pangkaraniwan.
Sa bawat galas niya ay makikita ko ang pagkaelegante na para bang pinasasayaw niya sa kanyang palad ang apoy sa paligid.
Sa kanyang pagpapagalaw sa mapanganib na apoy ay hindi sinasadyang nakita ko ang mala diyos niyang mukha.
Isa siya sa maihahanay dahil sa kanyang pagiging perpekto, halos ang buo niyang pagkatao ay sinisigaw iyon.
Sa kanyang pagpapagalaw ng apoy ay nasilayan ko ang napakagandang ngiti na siyang bumihag sa akong pusot kaluluwa.
Hanggang sa bigla na lang ako nawalan ng malay.
Pagkagising ko ay nasa loob ako ng puting kwarto at napapalibutan ako ng mga pinsan ko na nagbantay at a sa akin.
" kamusta ka na , Myra.. " nagaalalang tanong sa akin ng pinsan Kong si Samuel.
" Okay na ako.. " maikli kong sagot sa kanya at kaagad na pumasok sa aking isipan ang nangyari sa loob ng nasusunog nameng bahay.
" Kuya Samuel, ano po pala nangyari sa akin? " pagtatanong ko at biglang sumigla ang mukha ni kuya samuel.
" Hindi namen Alan, basta nagkaroon ng ipo-ipo na apoy na humigop sa nasusunog nyong bahay mula sa itaas.. Madame ang kumuha ng video sa pangyayaring yon.. Marame ang naghihinala na isang diyos na nagmula sa itaas ang gumawa ng ganong mirakulo.. " paliwanag sa akin at batid ko sa mukha niya ang mga masasayang nakita niya.
" so totoo papa ang taong apoy na nakita ko sa loob ng nasusunog na bahay.. " mahina kong sabi pero narinig parin ito ni kuya samuel.
" sabihin mo sa akin ang nakita mo.. " pangungumbinsi sa akin at napangiti ako sa kanyang pagtatanong.
" nakita ko ang isang lalaki na nabuo sa apoy ng nasusunog na bahay, sumasayaw siya na para bang madedepina sa kanyang pag galaw ang pagkaelegante niya.. Nakita ko ang napakaperpekto niyang kabuuan na para bang wala akong masasabing kapintasan mula sa kanya... Sa kanyang pagsasayaw ay para bang pinaglalaruan niya lang ang apoy sa mga daliri niyang napakaelegante na puno ng mga kumikinang na sing-sing.. " mahaba kong salaysay habang inaalala ang pigura ng taong sumagip ng buhay ko.
" Pinsan, mukhang malabo at a ang pagkakaeksplika mo.. Hindi tayo paniniwalaan ng mga Tao.. " banggit nito pero napangiti ako sa akong naisip.
" wala na akong pakialam.. Basta masaya na akong ako lamang ang nakakita ng kanyang pigura.. " balik kong sagot dito.
Nung nakalabas ako ng hospital ay dinumog ako ng mga reporters at mga kilalang Tao na gustong marinig ang aide ko tungkol sa hindi kapani-paniwalang pangyayari.
Wala pang sagot ang siyensiya kung bakit nagkaroon ng Umaapoy na Ipo-ipo.
" siya lang naman ang sumagip ng buhay ko 10 years ago.. At hindi ko makakalimutan ang kanyang wangis.. " matindi kong wika at si Bess naman ay nagtititili.
" so siya yung sinasabi mong lalaki na sumasayaw ng napakaelegante ? Na pinapasayaw niya sa kanyang kamay ang apoy? Oh my gosh.. All this time.. Kaya pala ang parate mong pinipinta ay patungkol sa apoy at kung gaano ito ka elegante!! " nagtititiling sabi nito habang ako naman ay napatakip na ng tenga sa kakasigaw niya.
" tama ka, kung hindi dahil sa taong apoy na yon ay malamang hindi ako makakatungtong sa kinalalagyan ko ngayon.
Is a na akong sikat na painter sa bansa at marameng nagbabayad ng malaking halaga para lang mabili ang akong mga pininta.
Pero ang talagang nakakapagpangiti sa akin ay masaya akong nabuhay ako at nagkaroon ng pangalawang pagkakataon para mabubay.
My life has been rough to me pero hindi ako sumuko dahil lang sa nawalan ako ng mahal sa buhay..
It's seems that tragedy is become my inspiration.
Those wild fires, na minsang nagpababa ng pagkatao ko ay siyang magiging dahilan para sa pagbangon kong muli.
Hindi sa lahat ng pagkakataon ay masaya parate dahil may apoy na siyang magiging sanhi ng ating pagluha at paghihinagpis pero may apoy din na siyang magpapabago ng ating panabaw sa buhay.
Ang buhay na apoy na siyang nasa looban ng ating katawan.
Ito ang ating pagsusumamo sa tagumpay na ating minimithi, Apoy na dapat ay panatilihing buhay para sa sarili naten at sa umaasa saten.
This story is inspired by a dream, totoong nanaginip ako ng apoy pero kakaibang apoy, nasa isang lugar akong puno ng apoy na siyanng ikinatatakot ko sa tuwing naalala ko pero may nakangiting pigura sa harapan ko. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha pero Alam kong napakaperpekto niya dahil sa tindig niya at sa napakaganda niyang kasuotan.
Hinawi niya ang dagat ng apoy at sobra akong namangha dahil napalitan ng mga halaman ang apoy na siyang nagpapaliyab kanina.
So yun lang at sana magusguhan nyo ang akong munting likha ng akong imahinasyon..
