049 - My Instant Forever

Start from the beginning
                                    

Muli akong napaiyak, "I don't know." Kinukusot ko ang mga mata ko.

"Anong ibig mong sabihin, naliligaw ka ba?"

"No."

Muli itong kumamot sa ulo. "Eh saan ka nga pupunta?  Medyo delikado na kasi riyan sa dulo.  May mga adik kasing tambay r'yan baka mapag-trip-an ka pa riyan eh. Kung gusto mo, ihahatid na lang kita sa sakayan dito sa kabila. Saan ba ang sa inyo? Kung gusto mo ihatid pa kita." Tumingin ito sa wrist watch niya, "alas diyes na pala. Pero sige, kahit saan pa 'yan."

Lalo akong napahiya, "ang bait mo naman. Hindi mo naman ako kilala."

Tumawa siya, "ako si Robert, ikaw, anong pangalan mo?"

"Venus."

"O ayan, magkakilala na tayo. Don't worry, mukha lang akong manyak pero harmless ako. Saan ba ang sa inyo para malaman ko kung saang sakayan ng jeep kita ihahatid." 

Mabigat pa rin ang loob ko pero napangiti na niya ako, "ayokong umuwi."

"Ha? Eh bakit naman?"

Muli na naman akong napahikbi, "basta, ayokong umuwi."

"Eh paano 'yan? Saan ka magpapalipas ng gabi?" Tumingin ito sa itaas at niyakap ang sarili, "mukhang uulan pa naman at medyo malamig na!"

I have to note the fact na medyo disoriented ako that night.  I was hurt, confused, lost, angry and was in rebellious mode so you can somehow understand why I did what I did after he said that.

"Isama mo na lang muna ako sa inyo. May asawa ka na ba?" deretsahang tanong ko sa kanya.

"H-ha?" gulat na gulat siya.

"Kasama mo ba ang asawa mo sa bahay?"

"E-eh..." muli siyang nagkamot.

"Ano?"

"W-wala pero--"

"Anak?"

"Wala pero--"

"Pero ano, may gf ka?"

"W-wala rin pero--"

I don't exactly know what I was thinking nang dinakma ko ang kanang kamay niya at idiniin 'yun sa kaliwang suso ko, but that's exactly what I did, "kapalit ng virginity ko, patuluyin mo muna ako sa bahay mo."

Lalo siyang nagulat at tila hindi mapakali sa kinatatayuan bagama't napapatingin siya sa kamay niyang mahigpit ko pa ring idinidiin sa kaliwang suso ko.

"H-Ha?" na parang 'yun lang ang kaya niyang sabihin.

"Sige na, Robert. Kailangan ko lang."

"N-nang matutuluyan?"

"No. I just need to fuck right now. Kahit saan. Kahit diyan sa loob ng bus. Don't worry Robert, malinis ako. Virgin pa ako. Kailangan ko lang talaga. Sige na." Mas inilapit ko ang sarili ko sa kanya.

Nanlaki ang mga mata niya. "Eh..." tila siya pa ang pilit kumakalas sa akin kaya naaasar ako. Pakiramdam ko, nire-reject niya ako kaya itinulak ko siya sabay kalas sa pagkakahawak ko sa kanya.

"Bakla ka ba? O ganun lang talaga ako kapangit sa paningin mo? Hmp. Diyan ka na nga!"  Sabay talikod ko para maglakad papalayo.

"T-teka Venus. Sandali." Hinabol niya ako para magkasabay na kami sa paglalakad. Hindi ko ito pinansin. Medyo natauhan rin kasi ako kaya bigla akong nakaramdam muli ng hiya. "S-saan ka pupunta, sabi ko sa 'yo maraming adik diyan sa bandang dulo!"

"So?"

"Anong so?"

"Eh kung mapahamak ka? Alam mo bang marami nang nare-rape riyan?"

Untamed Confessions [R-18]Where stories live. Discover now