Zelott patted his shoulder. “Relax. Sarah is fine.”

Hindi siya umimik dahil alam niyang hindi okay si Sarah. Hindi magiging okay si Sarah sa kamay ni Dr. Rodriguez. Ayaw niyang isipin kung ano ang ginagawa ng mga hayop na yun sa girlfriend niya. Kapag nahuli niya ang mga ito, pagbabayaran nga mga ito ang lahat ng kahayupang ginawa.

HINDI mapakali si Shannon habang nasa biyahe sila patungo sa Sitio Balud. Sabi ni Zelott, ang pinsan niyang sundalo, naroon daw sa sityong iyon si Sarah according kay Vincent. Nabuhay ang pag-asa niya sa impormasyong iyon, pero habang papunta roon, halos sumabog ang dibdib niya sa kabang nararamdaman.

Shannon exhaled loudly. “Sana okay lang si Sarah.”

“Chill lang cousin, puwede?” Wika ni Cade na nasa driver seat at nagmamaneho.

“Easy for you to say.” He mumbled under his breath. “How can I chill? Sige nga, enlighten me.”

Cade rolled his eyes at him. “Cousin, when Zelott gave me the coordinates of where Sarah is being held, the air force automatically get ready and just waiting for my signal. You see? Kahit pa gaano ka brutal iyang killer na iyon, sigurado naman akong wala siyang panama sa mga Jet fighters ng Pilipinas.”

Kahit papaano kumalma siya sa sinabi ni Cade. Walang nangyaring masama kay Sarah. Okay lang siya. Kumbensi niya sa sarili.

The car stopped abruptly. Napasubsub silang lahat sa walang sere-seremonyang biglang pag-apak ni Cade sa break ng sasakyan.

Shannon glared at Cade. “Puwede bang magdahan-dahan ka naman? Gusto ko pang makita si Sarah.”

Cade didn’t heed him any attention. He was just looking in front of the car, stunned. Sinundan niya ang tingin nito at napamaang siya sa nakita.

“I thought sitio Balud is a place.” Anang boses ni Zelott na nasa back seat at mukhang nagulat din sa nasa harapan nila.

Cade exhaled loudly. “Whew. So sitio balud is a cemetery?”

“It looks like it.” Binalingan niya si Zelott. “Are you sure ito ang lugar na sinabi ni Vincent?”

Zelott nodded. “Yep. I’m sure.” Binuksan nito ang pintuan sa backseat at lumabas.

Shannon steps out from the car, sumunod si Cade sa kanya.

“This is a big cemetery.” Komento ni Zelott.

“Oo nga.” Cade agreed. “Wala naman akong bahay na nakikita. Baka rito nakalibing si Sarah.”

Shannon’s jaw tightened. Gusto niyang suntukin ang pinsan pero dahil tinutulungan siya nito, pinigilan niya ang sarili. Pero hindi pinigilan ni Zelott ang kamao nito na tumama sa braso ni Cade.

“Shut up, man. You’re so insensitive.” Wika ni Zelott at pinandilatan si Cade.

“What? Totoo naman kasi ang sinabi ko.” Dipensa niya sa sarili. “Malay natin. It’s been five days since Sarah was taken by Dr. Rodriguez. Baka umasa tayo na buhay pa siya kung patay naman pala. And this is a cemetery for crying out loud. What do you want me to think? Na nasa carrocel si Sarah at nagha-happy-happy?”

Hindi niya pinansin ang mga ito at nag-umpisa ng maglakad. Hindi pa siya nakakalayo ng may lumabas na lalaki galing sa masukal na kagubatan na katabi ng semeteryo.

Mabilis na hinugot niya ang baril at itinutuk iyon sa lalaki na nakasuot ng hanggang tuhod na black leather coat.

“Put your hands in the air!” Sigaw niya sa lalaki.

Falling for Shannon (Field Romance) [To Be Published]Where stories live. Discover now