CHAPTER 4

197K 5.6K 98
                                    

CHAPTER 4

HUMAHANGOS na pumasok si Sarah sa opisina ng Interpol Director. Tinawagan siya ni Shannon para sabihing may lead na sila kung nasaan ang serial killer at gusto ni Director Hugh na puntahan nila iyon. Isa daw na unknown caller ang tumawag at nagbigay ng impormasyon. Sana nga totoo iyon.

“Sarah, thanks god you’re here.” Wika ni Director Hugh. “Have a seat.”

Napatingin siya kay Shannon na naka-upo sa visitor’s chair at parang may iniisip na malalim. Umupo siya sa kaharap na upuan ni Shannon.

“May lead na kayo, sir?” Tanong niya. Hindi siya makapaghintay na hulihin ang criminal na iyon.

Tumango si Director Hugh. “Yes. An unknown caller called us. This could be true or this could be a trap. I’m sending you two dahil kayo naman ang may hawak ng kasong iyon.” May iniabot itong maliit na papel sa kanila. “Nakasulat diyan ang address. Go.”

Sabay silang tumayo si Shannon at lumabas ng silid ni Director Hugh. Walang imik silang naglakad ni Shannon patungo sa parking lot. Akmang mag-iiba siya ng direksiyon dahil nasa kanang bahagi ng parking lot ang Hammer niya nang pigilan siya sa braso ng lalaki.

Nilingon niya si Shannon. “Bakit?”

“Sa tingin ko isa lang ang dapat nating gamiting sasakyan.”

Kumunto ang nuo niya. “What? Isn’t it advisable to always have an extra vehicle? Paano kung nasira yung sayo?” 

Nawalan ng imik si Shannon at binitawan siya. “Yeah, okay.”

Mas lumalim pa ang pagkakakunot ng nuo niya sa inasal nito. Imposibli namang hindi nito alam ang sinabi niya tungkol sa sasakyan. Napailing-iling nalang siya. Ang gulo talaga ng lalaking ‘to. Masakita sa bangs!

Mabilis niyang tinungo ang sasakyan ng makita niyang sumakay na si Shannon sa kotse nito. Mabilis niyang pinaharurut ang Hammer niya at sinundan ang black sedan ni Shannon.

HUMINGA ng malalim si Sarah bago lumabas ng sasakyan. Napatingin siya sa bahay na nasa harapan niya. The house looks like it’s been abandoned for years.

“Sigurado ka bang ito ang address?” Tanong niya kay Shannon habang ipinapalibot ang paningin. The house is isolated. Its thirty minutes away from the nearest baranggay, which is two hours away from the city.

Naglakad palapit sa kanya si Shannon at tumigil sa tabi niya. “Yeah. I’m sure. Nagtanong-tanong ako sa mga tao roon sa dinaanan nating Baranggay at tinuro nila tayo rito.”

Sarah looked at the house with suspicion. “Don’t you find it weird? Sino naman ang taong tatawag sa atin para lang isumbong na narito ang killer sa bahay na ‘to?” Iminuwetra niya ang dalawang kamay sa bahay na nasa harap nila. “Look at this house. It’s isolated and far away from civilization. Sa tingin mo may maliligaw na tao rito at magbibigay ng time para tawagan tayo? And where did that person get the Interpol number?”

“Naisip ko na lahat ng sinabi mo. Actually, kanina pa habang nagmamaneho ako patungo rito.” Hinarap siya nito. “I’m worried, kuting. Bumalik ka na kaya sa Headquarters at humingi ng backup.”

She rolled her eyes. “Bwesit, I’m an FBI Agent. I maybe a desk agent but I’m trained in combat. I know how to use a gun—” Inilabas niya ang baril na nakasukbit sa bewang niya. “And I can kill.”

“I know that. But, you’re a girl—”

“Oh, so you’re using the gender card. God, Shannon, matagal ng nawala ang gender card na yan. Men are women are equal. And you’ll need me because we’re partners. At saka sino ka ba para pigilan akong gawin ang trabaho ko?”

Falling for Shannon (Field Romance) [To Be Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon