Chapter 50: You're Safe

Magsimula sa umpisa
                                    

Ayaw ko nito. Natatakot ako.

Dalawang gabi na ang lumipas pero walang nagbabago. Hindi ko sya kinakausap at hindi naman nya ako pinipilit. Sya lang ang tanging nagsasalita.

"Want to go swim?"

Hindi ako nagsalita. Hindi nga pala nya alam na hindi ako marunong lumangoy.

"Come on, let's go."

Nagulat ako dahil para balewala sa kanya ang ginagawa ko. Nakangiti nyang hinila ang kamay ko papunta sa dalampasigan. Huminto ako at hinila pabalik ang kamay kong hawak nya. Nakita kong natigilan sya at nawala ang mga ngiti nya habang nakatingin sa kamay ko.

"O..okay, basta dito ka lang. I'll be in the water."

 Pilit syang ngumiti at agad akong nag-iwas ng tingin dito. Naglakad sya papunta sa tubig at tinanggal ang suot nyang shirt at tinapon sa buhanginan.

Anong nangyari sa lalaking nagpumilit sa akin na pakasalan sya? Nawala na iyong matalim at nakakatakot na titig nya. Nababaliw na talaga sya. Gusto ko syang bigyan ng pagkakataon na kausapin ako para makapagpaliwanag. Pero nauunahan ako ng takot, anong mangyayari pagkatapos? Anong magbabago? Pakakawalan nya ba ako?

Nakita ko syang lumalangoy palayo. Nakatingin ako sa kanya hanggang sa makita ko syang sumisid. Ilang segundo pa ay hindi pa rin ito  umaahon.

Humakbang ako palapit para makasiguradong aahon sya pero ilang sandali pa ay wala pa ring Callie na lumalabas sa tubig. Bigla akong dinapuan ng matinding kaba. Agad akong tumakbo sa dagat.

"CALLIE?!"

Panay ang sigaw ko pero walang sumasagot. Mangiyak ngiyak ako dahil lagpas minuto na syang di umaahon sa tubig.

"CALLIE?!"

Nanginig ang buong katawan ko. Baka nalunod na iyon. Diyos ko.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Humakbang ako sa mas malalim na parte, kinalimutan ko ang bagay na pumipigil sa akin. Hindi ako marunong lumangoy. Anong gagawin ko?! Kailangan kong makalapit. Hahanapin ko sya!

Lumingon ako sa paligid para makahanap ng bagay na makatutulong sa di kalayuan ay mayroong rowboat sa buhanginan. Nagtatakbo ako at hinila iyon palapit sa dagat.

"CALLIE?! NASAN KA!"

Panay ang sigaw ko habang pilit na binibilisan ang pagsasagwan papalapit sa lugar kung saan ko sya nakitang sumisid. Nanginginig ang mga kamay ko. Malakas ang tibok ng dibdib ko. Binitawan ko ang sagwan at pilit na dumungaw sa gilid.

"CALLIE?! UMAHON KA NA! CALLIE?!"

Tuluyan nang bumuhos ang mga luha ko sa sobrang pag-aalala. Ilang beses ko na sya tinatawag pero wala pa rin. Mas lalo kong inilapit ang sarili ko sa tubig para subukang makita ang kailaliman nito.

"CALLIE?! CALLIE?! WAG MO AKONG IIWAN!"

Punong puno ng luha ang mga mata ko. Nasaan na sya? Diyos ko, nasaan na po sya.

"CAL-"

Nang subukan kong ilapit ang paningin ko sa tubig ay naging dahilan iyon para mawalan ng balanse ang bangka. Napatili ako pero huli na dahil sa tubig na lumamon sa buong katawan ko. Pinilit kong kumapit sa bangka para umahon pero dahil nakataob ito ay mas lalo ko lang natulak palayo.

Panay ang sigaw ko sa pangalan nya. Hindi na ako makahinga. Pilit kong inaangat ang kamay ko pero malakas ang pwersa ng katawan ko pababa. Unti unti nang nauubusan ng hangin ang baga ko at nalulunod na ako sa tubig.

Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. Tanging ang huli kong naaalala ay ang pagpikit ng masakit kong mga mata at ang panghihina ng aking katawan.

May kung anong bagay akong naramdaman na humila sa akin pataas. May sumisigaw pero hindi ko marinig.

"VENIA!"

Muli kong naramdaman ang init galing sa sinag ng araw. Nakaahon ako. Pero nanatili pikit ang mga mata ako sa sobrang hina. Sinubukan kong huminga gamit ang bibig ko. May hangin akong naramdaman.

"WAKE UP! BABE?! WAKE UP!"

Unti unti kong minulat ang mga mata ko. Sunod-sunod na pag-ubo ang ginawa ko matapos kong maramdaman ang mga tubig na bumabara sa lalamunan ko.

"Oh God, baby.. I love you, oh God you're safe."

Napaangat ang katawan ko sa ere at naramdaman ko ang mahigpit na pagyakap nito.

Si Callie.

Mabilis akong humiwalay sa kanya palayo para makita sya. Basang basa ang mukha nyang may bakas ng matinding pag-aalala.

"..San ka galing…hindi ka ba nalunod? Ang..ibig kong sabihin…ayos ka lang?"

Hindi ako makapagsalita ng maayos. Halo halo ang mga katanungan sa isip ko.  Nagkandautal-utal ako sa pagsasalita. Napatingin ako sa katawan nya. Walang naman syang sugat. Walang kahit ano. Ligtas sya.

"..akala ko..may nangyari na sa'yo.. Ayos ka lang ba-".

Nahinto ako nang mabilis nya akong kinabig para yakapin.

"I'm sorry, I made you worried. I'm sorry, baby."

Napapikit ako. Oo, natakot ako kanina nang makita kong hindi sya umaahon. Takot na takot ako. May pamilyar na takot na muling bumalik sa sistema ko. Naramdaman ko ang pagtaas baba ng balikat ko. Saka ko lang nakita ang sarili kong humahagulgol sa iyak.

"Shhh.. I'm okay, everything's okay… hush now, baby."

Bulong nya. Hindi ako gumalaw. Unti unti akong umangat sa lupa. Binuhat nya ako pabalik sa bahay. Hindi ako umimik. Tahimik akong umiiyak sa hindi malamang dahilan. Gusto kong pigilan ang sarili ko pero ang hirap.

~~~~~

AN: I decided na iextend baka hanggang Chapter 55. I'm working on it. Hoorraay!

I Need A Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon