​"Anthony, ikaw pala, kumusta?"

Salubong niya rito at yumakap sa dating kasintahan na ngayon ay asawa na ng kakambal niyang si Alora.

Nabigla man sa muling pagkakaharap nila ay nagawa parin niyang kumilos ng normal sa harap nito. At himala ng langit dahil hindi na siya nakakaramdam nang tila nasasaktan sa kanilang pagkikita ngayon.

Instead, matamis pa ang kanyang mga ngiti na ibinigay dito.

"Si Alora? Hindi kayo magkasama?" tanong niya nang magkahiwalay ang kanilang katawan.

​"I'm doing fine and about Alora, nauna na siya sa room ni Rebecca. May kinausap pa kasi akong kaibigan na nakasalubong ko kanina. Kakarating mo rin lang?"

​"Oo." Napangiti siya muli rito.

​"Wala ang asawa mo?"

​"Wala pa eh, pero parating na 'yun kasi dumaan muna siya sa hotel."

​"I see, ahm.. Izabelle, can we talk? I mean..gusto ko sanang makausap ka nang masinsinan tungkol sa atin noon."

​Natigilan siya sa narinig mula sa dating kasintahan. Ewan niya pero may nakikita siyang lungkot sa mata nito nang sabihin iyon kung kaya't ngumiti siya rito at sumang-ayon.

HUMANTONG sina Izabelle at Anthony sa isang coffee shop malapit sa hospital, at kakaupo lang ni Anthony matapos nitong ilapag ang in-order nitong sandwich at orange juice para sa kanya samantalang coffee naman ang sa lalaki.

​"Thanks," pasalamat niya rito matapos tanggapin ang ini-order nito para sa kanya.

​"Welcome," napangiti rin ito sa kanya.

Ilang sandaling katahimikan muna ang pumagitna sa kanilang dalawa na tila ba nakikiramdam sila kapwa sa kani-kanilang ikinikilos.

Hanggang sa ito na rin ang hindi nakatiis at muli siyang kinausap.

"Izabelle, tungkol sa nangayari sa atin...noon. I'm sorry, I'm really, really sorry, Izabelle. I didn't mean to hurt you," anito habang siya ay natahimik lamang at dahan-dahang nag-angat ng kanyang mukha rito.

"Alam kong mali ang ginawa ko, I mean, namin ni Alora at niloko ka namin. But really, hindi ko sinasadya iyon. Mahal kita noon, p-pero nang makilala ko ang kambal mo ay na-challenge ako sa kanyang ugali. I knew she like me, as much as how much you like me too.. But I don't know, kung bakit ko pa siya binigyan ng pagkakataon na makalapit sa akin kung saan na kasintahan na kita. At tulad nga nang sinabi ko na nachallenge ako sa kanya, kung gaano siya ka prangka, kung gaano siya ka tapang para sabihin sa akin na gusto niya ako kahit alam niya pagmamay-ari mo na ako. Izabelle, I never thought na mahuhulog din ang kalooban ko kay Alora. She's a fighter, a brat, a wild kind of woman but at the back of her attitude for being a stubborn, she has a kind heart and she's not that strong to face the challenges of her life. Izabelle, your twin sister's really, really weak. At meron siyang insecurities sa'yo dahil pakiramdam niya ay ikaw lagi ang tama, ikaw ang magaling, ikaw ang mabait at ikaw ang bida sa mata ng lahat. At sa kabila nang natuklasan ko sa kanya, ay mas lalo ko pa siyang minahal. 'Cause she needs someone to lean on..and I tried my very best to ease that insecurities she felt for you.. And I choose her over you, not because I feels sorry for her, but because I love her.. Izabelle, please forgive us for what we've done to you," he said and took a deep breath.

​Matagal siyang hindi nakapagsalita sa natuklasan tungkol sa kanyang kakambal.

How could she do that?

At naitago nito sa kanya nang ganoon katagal ang tunay nitong saloobin? Pakiramdam tuloy niya ay ang sama-sama niyang kapatid para rito. Ni wala siyang kaalam-alam na may lihim palang inggit sa kanya ang kakambal. Kaya ngayon parang nilalakumos ang kanyang puso para rito.

Ilang sandali pa ay napailing siya nang nakaramdam ng tila pagbabara ng kanyang lalamunan. At mabilis na uminit ang kanyang mga mata at hindi na niya napigilan pa ang pagbagsak ng kanyang mga luha.

​"I did'nt know, Anthony..." paiyak niyang sagot dito nang yakapin siya ng dating kasintahan. She felt sorry for her twin Alora. "I never thought that she has that feeling for me, oh, my god.."

Napahagulgol siya habang marahan nitong hinahagod ang kanyang likod. At hindi niya alam kung ilang minuto sila sa ganoong sitwasyon saka pa siya kumalas dito nang tumahan siya.

"Anthony, I'm sorry to hear that..about Alora. But believe me, wala akong sama ng loob sa inyong dalawa. At masaya ako dahil natagpuan ni Alora ang tunay na kaligayahan sa'yo. Anthony, please take good care of her.." wika niya na pinunasan ang huling patak ng kanyang luha.

​"Salamat, Izabelle..and yes, I well.." Bakas sa mukha nito ang kaligayahan ng sabihin iyon.

​"Walang anuman, Anthony," nakangiti na siyang humarap dito at itinaas ang kanang kamay. "C'mon, let's shakes our hands as a sign of our forgiveness.."

Napatawa siya sa kanyang sinabi at agad namang inabot nito ang kanyang nakalahad na kamay.

My Fake Wife (2nd Version) Complete Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon