MHSF ~ 5

2.2K 30 0
                                        

Chapter V

"How do I love thee?

Let me count the ways..."

Nakalimutan ko na naman. Kasi naman eh. Tong English teacher namin, pwede namang yung Ako ay May Lobo na lang. English nga pala, eh di I have a Balloon.

Sagwa naman. Ah basta. Pwede namang iba na lang. Shakespeare pa talaga.

Inulit ko pa hanggang sa malapit ko ng mamemorya.

Konti na lang talaga.

"Ang seryoso natin ah" nginitian niya na naman ako. Ang ganda ng ngipin niya. Parang yung sa model ng toothpaste.

"Ah.oo nga eh.kailangan kasi" nginitian ko na rin siya

Yun lang. Yun lang naman palagi ang nangyayari pag nagkakataong magkita kami.

Ngitian lang. Kaway. Ganun. Simple lang naman pero ang saya saya ko na. haayy... inspired na naman ako. Kaya ko to! Aja!

Bago nagsimula ang English class namin,naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko. Anonymous number. Sino kaya to. Binasa ko na rin,baka mamya,emergency pa yun.

From : +63927*******

Good Luck Mika! Galingan mo. :)

-JJ

Binasa ko ulit.

Tapos binasa ko na naman. Tapos inulit ko na naman.

Shet! Di na mabura-bura ang ngiti ko buong araw.

Pwede na talaga akong kunin ni Lord. Ay, hindi pa pala pwede, magpapakasal pa kami ni JJ. Hahaha!

Buong araw din talaga akong hindi nawala sa mood.

Kahit anong gawin ng mga kaklase kong pang-aasar, nakangiti pa rin ako.

Parang sila pa nga ang naasar sa akin eh. Haha.

At ang oral recitation namin? Ayun, nagkamali pa rin ako pero ayos lang, pasado pa rin naman eh. Keri bells na un.

Ang saya ko na sana eh kaya lang nung uwian...

"Ako ang nagtext sa'yo. Asa ka pang si Kuya yun" si Krizza.

Nanira na naman ng moment. Ang sarap ihagis sa Pasig River nitong babaeng 'to. Syempre ako naman, na depress.

"Ah!!!nakakainis ka!napakalaki mong tae Kriz!gusto kitang i-flush ngayon din!huhuhu!" totoo yun. Depressed talaga ako. Sobrang na depress ako dahil sa sinabi niya.

"Eh ba't ka kasi nagpapaniwala sa mga nagtetext sa'yo?" si Cecille naman yun.

Ang mga ito, porket walang mga lovelife, dinadamay ako. Huhuhu.

Ayoko na nga!

Nakakainis!

Tumayo na lang ako tsaka umalis. Mauuna na nga akong umuwi. Asar masyado yung dalawang yun eh.

"Mika..."

Teka. Mika? Ako ba yun? Naghahallucinate na yata ako eh. Si Krizza kasi! >.<

"Sandali Mika!"

Bakit parang lumalakas ata? Nakuu Lord, nababaliw na yata ako eh. Sumobra na ata ang tama ko kay Kuya JJ.

Kung anu-ano na naman ang iniisip ko kaya nagulat ako nung may tumapik sa balikat ko.

"Ay, tae!"

"Asan?!" nagulat naman siya sa sinabi ko.

"Wala. Nagulat lang ako" dug dug.dug dug. Hui puso!wag ngayon ha. Wag mag-iinarte. Huhugutin talaga kita. Relax lang Mikaella. Chill. "Bakit kuya?"

"Kakamustahin ko lang sana ang O.R mo" napangiti na naman siya na nahihiya. Ewan. Siguro guni-guni ko lang yun.

"Ah,ayos lang naman.Medyo sumablay eh pero pasado naman.hehe" nahihiya talaga ako. Tsk. Ang talino niya pa naman. Huhuhu

"Talaga?Buti naman. Narinig ko kasi na si Ms. Dimatawaran ang teacher nyo, ang hirap pa naman kumuha ng passing grade dun"

"Sa tingin ko,nagagandahan sa akin yun kaya pasado ako" nagkatawanan lang kami. Uyy.close na kami =)

"Sige, mauna na ako ha?Maglalaro pa kasi kami ng basketball" tinatawag na siya nang mga kaklase niya nun. "at saka... you don't mind me texting you, right?"

Napailing lang ako bilang tugon. Patakbo na siyang umalis pagkatapos nun.

Ako naman, hindi na nakaimik.

Siya nga!!!Siya nga yung nagtext!!! Pwedeng sumigaw? Hala! Ang saya saya saya saya ko!

ヽ(°◇° )ノ

My High School Fairytale (Completed)Where stories live. Discover now