The Mutual Displeasure

36.4K 955 137
                                    

"Magandang umaga po. Ano pong puwede kong maitulong?" tanong ni Margarita kay Aling Bernabe nang maabutan niya ito sa kusina ng umagang iyon. Abala ito at isang kusinera sa paghahanda ng agahan.

"Malapit na rin kami matapos sa pagluluto rito. Saka naihanda na rin 'yung hapag-kainan. Kung gusto mo ay tawagin mo na lang si sir Dominic, sabihin mong ready na ang breakfast.May lakad 'yun ngayon, e."

Aatras sana siya ng marinig ang pangalan ng lalaki, pero sa huli ay pumayag rin siya.

Hindi niya alam kung bakit hindi siya mapakali kapag nandiyan ang amo. Nako-conscious siya kapag nandiyan ito at tila nagka-clash ang mga personality nila.

Wala siyang matandaang panahon na naging maayos ang pag-uusap nila. Laging may maiiwang nagagalit o naiinsulto.

Bakit kaya mukhang ayaw nito sa kanya? Wala naman siyang natatandaang kasalanan rito, liban na lang noong nagabihan sila ni Olivia sa pag-uwi. Pero humingi na siya ng patawad sa nangyari at sa katunayan ay tinanggap pa rin siya nito bilang nanny ni Olivia.

Sadya lang bang mapagtanim ito ng sama ng loob?

Baka woman hater.

Hindi niya alam ang buong kuwento tungkol sa ina ni Olivia. Ang alam lang niya ay nilayasan nito ang mag-ama noong sanggol pa lang si Olivia.

Kahit siya ay may kaunti ring galit na nararamdaman para sa babae. Paano nito nagawa ang bagay na iyon? Anuman ang naging rason nito, sigurado siyang hindi iyon magiging sapat para ma-justify ang pang-aabandona nito.

Kung siya iyon, hindi niya man lang maiisip na iwan ang anak at asawa. Kapag babalik ang babae at makikita nito kung gaano kaganda, kabait, at kabibo si Olivia ay pagsisisihan nito ang ginawa.

Pa'no naman si sir Dominic? Minsan talaga ay atribida ang utak niya.

Well, Dominic was unarguably one of the most gorgeous men she has ever met. Maybe that would be enough for other girls. Pero para sa kanya, importante ang kalooban. Kung hindi naman makain ng aso ang ugali nito, hindi rin niya ito maaatim na makasama ng matagal.

Hindi kaya ay iyon ang dahilan kung bakit umalis ang ina ni Olivia? Maybe Dominic abused his wife.

Really, Margarita?

The guy may look dangerous, but he didn't seem like the type to beat up women.

Witness siya kung gaano kamapagmahal na ama si Dominic kay Olivia. Ang ganoong klase ng tao ay malayong makapanakit ng iba, lalo na ng babaeng siyang nagluwal sa anak nito.

Iyon ang mga isiping tumatakbo sa utak niya habang inaakyat ang daan papunta sa kuwarto ng lalaki.

When she stood in front of his door, she took a deep breath to calm her racing heart before knocking.

Hinintay niyang papasukin siya nito, ngunit wala siyang narinig na mga yabag na papalapit sa pinto.

"Sir Dominic?" tawag niya rito. Pero walang sumagot.

Iniliso niya ang seradura at nalaman niyang bukas pala ang kuwarto. She peeked in first.

Nakita niyang natutulog pa ang amo sa kama. Nagdalawang-isip siya kung gigisingin ito. Ayaw niyang mang-disturbo, baka kasi mainis ito na pinutol niya ang pahinga nito. Ngunit ang sabi ni Aling Bernabe ay may lakad ito ng araw na 'yun. Baka pagalitan siya nito dahil hindi niya ito ginising.

She decided to enter the room and walk towards his bed.

"Sir Dominic?"

Mahimbing pa rin ang tulog nito.

How To Train A Whore To Be A Wife | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon