The Face Off

37.5K 1.1K 69
                                    

Unang gabi ni Margarita sa Punta Vida ay hindi siya madalaw ng antok. Maraming bagay ang gumugulo sa isip niya.

Maybe she shouldn't have gone there. Natatakot siya sa maaaring matuklasan niya. What if it was better off for her not to know everything in her past? Pa'no kung may maganda palang dahilan kung bakit pinalimot sa kanya ng Diyos ang ilang mga bagay sa buhay niya?

Who is Olivia? Sino s'ya sa buhay ko?

Biglang dumapo ang kamay niya sa tiyan niya. She was also surprised by that sudden action.

'Di kaya...Pero imposible, sasabihin naman siguro ni mama kung nagkaanak ako, 'di ba?

Hindi niya nagustuhan ang pagdududang naramdaman para sa ina.







Hindi mahirap mahalin si Olivia. She was a darling child. Matalino ito at medyo makulit.

Sa umaga, naglalaro sila sa labas. Pagsapit ng hapon, tinuturuan niya itong magbasa at magsulat.

Sinasabayan niya itong kumain, at pati sa pagtulog ay tinatabihan niya ito.

She didn't realize it, but Olivia brought out the mother in her.

Limang araw na siya roon, at napagtanto niyang kailangan na niyang bumili ng mga personal essentials niya dahil kaunti lang ang nadala niya.

Kailangan pa niyang sumakay ng pumpboat papunta sa bayan kung saan puwede siyang makabili ng mga kailangan niya.

Nang malaman ni Olivia na aalis siya ay nagpumilit itong sumama sa kanya. Ayaw nitong matagal na nawawalay sa kanya. Hindi naman siya nagrereklamo roon. Sa katunayan, gusto niya na gusto ni Olivia na lagi siyang kasama.

Hindi niya alam kung bakit ganoon ito kadaling napalapit sa kanya. Siguro nangungulila ito sa pag-aaruga ng isang ina.

Dahil ayaw ngang magpa-iwan ni Olivia ay humingi na siya ng permiso kay Aling Bernabe kung puwede ba niyang isama ang bata sa kanya.

Dala na rin ng pangungulit ni Olivia ay napapayag nila ang matandang babae.

"Basta 'wag kayong papagabi. Mag-iingat kayo roon. Kung nandito lang si Fernan ay ipapasama ko s'ya sa inyo, kaso bumisita 'yun sa nanay n'ya sa kabilang bayan." Tukoy nito sa pamangkin.

"'Wag po kayong mag-alala. Babalik din po kami agad." pangako naman n'ya rito.










"What were you thinking? Hinayaan mong sumama ang anak ko sa babaeng 'di pa natin lubos kakilala?"

Natigilan si Margarita sa paglalakad. Boses iyon ng isang lalaki. Nakabukas ng bahagya ang pintuan ng mansiyon. Likod lang ng lalaki ang nakikita niya at ang nakayukong ulo ni Aling Bernabe.

Nagabihan sila ni Olivia nang hindi sinasadya. Marami kasing tao sa bayan kaya natagalan sila sa pamimili.

"Ilang ulit ba natin 'tong pag-uusapan, ha, Aling Bernabe? You should never let Olivia out of your sight."

"Daddy!" sigaw ni Olivia, sabay takbo papunta sa lalaki.

Napalingon naman ang lalaki at sinalubong ng yakap ang bata.

So, this must be Mr. Arellano.

"Olivia! I missed you, baby. Ba't ngayon lang kayo?" Saka bumaling sa kanya ang atensiyon ng lalaki.

Pareho silang natigilan. Parang nakakita ito ng multo. Namutla ito.

She, on the other hand, was mesmerized by him. Mayroon pala talagang ganoon kaguwapong lalaki sa tunay na buhay.

Maybe he was in his early thirties, with the shadow of a stubble on his jaw. His eyes, dark and electric. His nose, lips, and cheeks sculpted to a perfection.

"What are you doing here?" His tone was murderous. Kung nakamamatay lang ang tingin ay bumulagta na siya roon.

How To Train A Whore To Be A Wife | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon