A Night in Shenzhen City

99 13 6
                                    

Mula sa pinakamataas na istraktura ng Shenzhen City, China ay naririnig ko ang kuwento ng mga tao sa ibaba. Bukod doon para silang langgam na nagkakagulo at tila hindi alam kung saan talaga ang tungo.

Pinagmasdan ko ang aking pang brasong orasan at narinig ko ang pagtunog ng alarm clock sa bawat tahanan. Nagpalit na rin ang petsa ng kalendaryo sa oras na ito.

Midnight na. Subalit buhay na buhay pa rin ang city. Parang ngayon palang talaga nagsisimula ang araw ng iilang tao. Habang ang iba naman ay papauwi pa lamang sa kani-kanilang tahanan. At mula sa aking puwesto masasabi kong pinapamangha ako ng mga istraktura na nagmumukhang christmas lights sa ganda kapag sumasapit ang dilim.

"Nandito ka na naman." Mula sa usok ay nabuo sa aking harapan ang isang nilalang na pinaka-ayaw kong makita sa lahat. Kung sa fairy tales tinatawag siyang Goblin at hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang totoo niyang pangalan. Ang arte kasi niya. Akala naman niya aagawin ko ang pangalan niya!

"Hindi ka na dapat bumabalik pa rito."

"Gusto ko lang magliwaliw."

"Huwag mo akong linlangin. Sa laki ng mundo na puwede mong pagtambayan ay rito ka madalas napapadpad."

Makulit talaga ang isang 'to pero tama siya.

"Farrah." Tinawag niya ang aking pangalan pero hindi ko siya pinansin dahil abala ako sa ginagawa ng mga tao.

"Kung ako sa iyo tumigil ka na. Hindi ito makakabuti para sa iyo at ---"

"Wala naman akong nilalabag." Pagpigil ko sa sasabihin niya. Palagi na lang niya akong pinapa-alalahanan na hindi maaring mangyari ang gusto ko.

Isa akong imortal. Ngunit hindi lang basta imortal kung 'di isa akong sisidlan ng apat na elemento.

Isa lamang akong ordinaryong tao noon sa bansang Pilipinas. Isang tipikal na high school student na nakakakita ng ibat-ibang entities pero simula ng makilala ko ang isang babaeng nagngangalang Elizabeth ay nagbago ang buhay ko.

Siya ang dating sisidlan ng apat na elemento.

Naalala ko na naman kung paano nagtagpo ang aming landas na kaparehas ng oras ngayon.

"Ikaw si Farrah tama?" Nagulat ako dahil bigla-bigla na lang siyang sumusulpot mula sa kung saan.

Hatinggabi na ako umuwi ng oras na iyon dahil sa project na kailangan kong tapusin sa bahay ng kaklase ko. Pinilit nila akong matulog sa bahay nila subalit tumanggi ako dahil hindi ako sanay matulog sa ibang bahay.

"Hi-hindi ka mukhang multo." Nasanay na ako sa ibat-ibang entities. Halos lahat na yata ng klase nila ay nakita ko na. Maliban sa isang ito. Hindi ko malaman kung ano siya. Basta ang alam ko lang hindi siya pangkaraniwang nilalang dahil sa awrang lumalabas sa kanyang katawan.

"Ha-ha-ha. Mukha ba akong multo?"

Hindi ako sigurado kung sarkastiko siya o ano, pero ayoko nang patagalin ang conversation namin dahil pakiramdam ko lalagnatin ako sa kakaiba niyang prisensya. "A-anong kailangan mo? Kasi gusto ko na sanang umuwi."

"Ang katawan at kaluluwa mo ang kailangan ko upang pagsalinan sa apat na elemento." Paliwanag nito sa akin.

Ipinaliwanag nito sa akin kung sino siya at kung bakit kailangan niya ako.

Para maging sisidlan kakailanganin ng matinding enerhiya at base sa sinabi ni Elizabeth sa lahat ng tao ako ang mayroong ganoong katangian. Hindi na ito nag-aksaya ng panahon at agad akong sumailalim sa pagsasanay. Noong una ayoko, pero kalaunan napapayag na rin ako dahil may sinabi itong importanteng bagay sa akin. Iyon ang dahilan kung bakit ako madalas tumambay sa Shenzhen City.

A Night In Shenzhen CityTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang