K 15.

25.4K 864 28
                                    


Elise:

Bagot na bagot ako. Kanina ko pa hini-hintay si Nate. Nasa board meeting kasi to at sobrang busy niya ngayon. Sa sobrang kabagutan, naupo ako sa swivel chair nito at tinignan isa-isa ang mga papeles na pini-pirmahan niya kanina.

Wala namang bago don mga investments and proposals lang to.

Pagbukas ko ng drawer ay nagulantang ako. There's a picture of me. Yes it was me when I was in grade school. I remembered that time, kuya Nate is always there for me.

Napangiti ako sa kilig. Sino bang hindi kikiligin? He held me dearly for a long time. Dahil sa curious ako kinuha ko yung picture ng biglang my bumagsak na album. Bumuklat ito at nagulat ako.

It's me. My stolen pictures. Pano nagkaron si Nate nito?

Kinuha ko yung album dahil balak ko talagang malaman. Inumpisahan ko ito sa unang page. Picture ko yon when I was in first year high school. Nakangiti pa ako sa oval namin at suot ang varsity shirt ko. Naging Varsity player din kasi ako sa volleyball.

Tinignan ko pa ang ilan, puros stolen shots sa iba't ibang lugar hanggang sa nakuha ng atensiyon ko ang isang litrato.

Kuha to sa beach. When I was 13 year old kasi pumunta kami ni Nate kasama ang girlfriend niyang si Maricar sa private resort ng mga Salvatore. Yes, you heard it right. Private resort ng mga Salvatore.

Sinama lang ako ni Nate dahil wala si Lolo at Mom at that time. Naalala ko pa ng nasa likuran ako ng kotse at parang lintang makadikit si Maricar sa passenger seat. I crossed my arms at that time.

Flash back:

"Hon malayo pa ba tayo?" Sabi ni Maricar.

"We're getting there." Sabi naman ni Kuya Nate.

I'm so bored seeing them happy. Sinama lang ata ako ni kuya dito para maging third wheel.

Pinikit ko nalang ang mga mata ko. Lalo lang kasi akong naiirita kapag naririnig ko ang mga tawa ni Maricar na kilig na kilig.

Tsk I hate her so much.

"Elise? Do you drink?" Nagising ako ng tapikin ako ni Maricar at i alok sakin ang bote ng beer.

"Maricar no. Hindi umiinom si Elise." Kaagad na binawi to ni Kuya. Napatingin ako sa lugar. We're here. Isang mala paraisong beach with a beautiful sunset.

Tama lang ang hangin. Bumaba na ako dahil nasa labas na sila. Si Maricar ay nakapulupot sa braso ni Kuya at isa yon sa nagpainit ng ulo ko.

"Kuya look oh!" Binawi ko ang isang braso ni Kuya at hinila ko to. Napabitaw naman si Maricar dahil dun. Well I don't care, ayokong makita sila sa ganong eksena.

Tinuro ko ang beautiful sunset. Napakaganda.

Nakaakbay naman sakin si Kuya Nate na siyang nagpakabog sa dibdib ko. Isiniksik ko ang sarili ko sakanya at niyakap siya wala namang masama diba? I am His Princess.

"Nate." Agaw eksena ni Maricar.

"Let's take a picture." Sabi nito at sumingit kaya napabitaw ako kay Kuya. Nakangiti silang nag picture kaya sumangot ako. Nakakainis talaga ang papel ng bruhang to sa buhay ng Kuya.

Di naglaon ay nagsawa si Kuya kakapicture ni Maricar.

"Hey that's enough. Let's enjoy the sunset." Sabi ng Kuya. Napangiwi naman si Maricar. Tsk buti nga sayo hilig mo kasing pumapel.

Lumayo ako ng konti sakanila at tinignan ang sunset. Mas mabuti pang malayo dahil masakit kapag pinagpatuloy ko pa.

"Nate picturan mo ako dito please last na." Pangungulit ni Maricar at pumunta sa kinaroronan ko.

"Elise tabi ka muna magpapapicture si Ate." Plastik na sabi nito. Sumimangot naman ako sakanya at tumabi ng konti. Sayang lang ang flesh floral dress ko kung madudumihan lang niya.

Napailing nalang si Kuya at pinicturan siya.

"Hon tapos na ba? Bakit tulala ka diyan?" Napalingon ako kay Kuya at nakatulala siya mismo sa kinaroroonan ko.

End of flashback :

Yung picture na yun kung saan tulala si Nate. Yung picture na akala ko si Maricar ang kinuhanan niya. Puro picture ko pala to. Puro stolen lahat.

Nagsimulang kumabog ang puso ko ulit. Bakit? Bakit may mga picture niya ako? Hindi ko maintindihan.

Mabilis kong tinago ang album ng may madinig akong mga yabag ng takong na papunta sa kinaroroonan ko. Bumalik ako sa desk ko, mahirap na baka mahuli pa nila ako na nakaupo sa upuan ng CEO.

Bumukas ang pinto at si Nate ang niluwa nito. Bakas sa mukha niya ang tuwa kahit pagod. Nilingon ko lang siya at walang reaksiyon na tinignan.

"What?" Pag aalala niyang tanong dahil sa tingin ko. Madami pa siyang hindi kinukwenta sakin at naiinis ako. Hanggang kelan siya maglilihim? Bakit may mga pictures ako at naka album pa. Ang hindi ko makalimutan ang nakapangalan pa sa Album ay "My Elise".

Nag busy-bisihan nalang ako. Hindi ko siya pinansin baka sumabog ako. Halo-halong emosiyon kasi ang nararamdaman ko. Oo alam ko nakakakilig pero bakit niya tinago? Mas naguluhan ako dahil may relasiyon pa sila ni Maricar ng mga oras na yon.

Ayokong mag assume pero siya na din ang nag bibigay dahilan para mas lalo akong mahulog. Teka Elise, nagka aminan na kayo ano pang problema mo? Sabi ko sa sarili ko ng magulat ako biglang tumayo si Nate sa tapat ko at ipinatong ang dalawang kamay sa table ko. Hindi pa siya nakontento at inilapit pa ang mukha sakin.
"Anong problema Elise?" Kunot noo niyang tanong sakin. Napalunok ako dahil hindi ko alam kung paano uumpisahan.

Sasabihin ko ba? Itatanong ko ba kung bakit marami akong mga pictures sakanya?

"Wala pagod lang ako." Nakangiting sabi ko. Magsasalita pa sana siya ng biglang tumunog ang buzzer galing labas. May tao sa labas ng opisina niya.

Napahinga siya ng malalim. I know hindi agad ito maniniwala. Mahirap mapaniwala ang isang Nate Salvatore. Masiyado siyang matalino para maniwala sa sinabi ko.

Mas pinili nalang niyang wag magsalita.

"Come in." Sabi nito at naupo na sa swivel chair niya. Bumukas ang pinto at isang lalaking nakasuot ng kulay gray na tuxe. Mas lalong nanlaki ang mata ko dahil kilala ko to.

"Mr. President, what can I do for you?" Tanong ng CEO ang asawa ko.

He smirked. Tsk napaka lagkit pa ng tingin sakin. Walang iba kundi ang President ng company namin.

"Mr. Salvatore can I borrow your assistant?" Sabi niya kay Nate.

"No." Agad na sagot ni Nate.

"Why?" Kunot noong sabi ng President.

"Because it's a NO." Pinandiinan pa ito ni Nate.

Hindi ako makapagsalita. Our Company President is no other than Mr. Hans Monterey. The old brother of Carlo Monterey.

Itutuloy..

My 13 Year Old Wife ✔ | NATE & ELISEWo Geschichten leben. Entdecke jetzt