CHAPTER 28

10.3K 130 0
                                    

LORAINE'S POV

kahit nahihilo ako at pakiramdam ko ay mag kakasakit ako pinilit ko pa ding pumunta sa set . Siguro epekto to ng kulang sa tulog kagabi . Well? sino ba naman ang hindi makakatulog sa nalaman ko kahapon , diba? Ang sakit lang kasi sa side ko na akala ko may nararamdaman sakin si Darius .

"Salamat sa pag hatid Elvis" Sambit ko kag Elvis pag baba ko ng kotse niya .

"Susunduin kita mamaya tandaan mo yung plano , Stick with the plan .Ok?"

"Yeah sure don't worry" I replied .

Pag ka alis ng ni Elvis at saktong pag talikod ko ay nakita ko si Darius na nakatingin sakin .

"San ka galing ? Bakit kasama mo si Elvis?"

Stick to the plan Loraine stick to the plan .

"Its none of your business Mr.Devarga" I said without looking at him.

papasok na sana ko sa bahay kung saan kami nag s'shooting ng marahas niyang higitin ang braso ko .

"Kinakausap kita wag mo kong tatalikuran. San ka ng galing?"

"Sa bahay bakasyunan ni Elvis at kami lang ni Elvis ang nandon. Ano naman sayo?" Nakita kong ikinuyom niya ang kamao niya .

"Stay away from him . baka nakakalimutan YOUR MINE"

"Sinong nag sabi na pumayag ako na maging sayo ako? I'm no one's property . Now let me go your hurting me" Kahit masakit sakin na saktan ko siya kailangan kong gawin to . Its a part of a plan .

"Darius . Tara na mag uumpisa ng mag shooting" Pumulupot sa braso ni Darius si Deria . Sarap tusukin ng mata niya at putulin ng kamay niyang nakapulupot kay Darius .

hindi ko na sila pinansin at dumeretso ako sa loob .

"Girl . ghad na miss na kita"

"Ano ba Joriana ? hindi kailangan sumigaw ang ingay mo"

"Ghad highblood te? Aga aga eh masisira beauty mo nyan"

"Ano ba kasi yon?" Iritang tanong ko . Ewan ko ba naiinis ako ngayon naiinis ako kay Joriana .

"Pa flower ulit ni Mayor" Inabot niya sakin ang isang boquet ng flower .

Sino naman kaya nag bigay? mag kaaway kami ni Darius ngayon kaya alam kong hindi siya ang nag bigay isa pa ibang kulay ng bulaklak ngayon.

"kanino nanggaling to?"

"Aba malay ko? Tignan mo may nakaipit na card"

Binasa ko ang nakaipit na Card .

HI BABYLOVES I MISS YOU ALREADY SEE YOU SOON LORAINE SUSUNDUIN KITA MAMAYA PAG TAPOS NG SHOOTING NIYO

                 ---BABYLOVES

maya maya pa ay may umagaw ng hawak kong card .

"Sino tong Babyloves?" Tanong ni Darius .

"Ewan ko baka tambay sa kanto na naka shabu"

Hinatak ako ni Darius sa kung saan .

"Teka ? Ano ba nasasaktan ako bitawan mo ko" Pilit akong nag pupumiglas pero mas malakas siya kesa sakin .

"Hindi ba't sinabi ko na sayo Akin ka lang Loraine Akin ka lang"

marahas ang ginawa niyang pag halik sakin . Sh*t nanlalambot agad ako sabi pa naman ni Elvis wag agad akong manlalambot kailangan mapaamin si Darius kailangan kong marinig mismo galing saknya na mahal niya ko.

POSSESIVENESS OF DARIUS DEVARGAWhere stories live. Discover now