JAGS Part II: For the Love of Johann Ch.4

6.1K 81 1
                                    

JAGS (Just Another Gangster Story)Part II

 

 

 

 

For The Love of Johann

©iAmJulie, 2013.

Chapter Four

 

 

 

 

 

“Hey guys, what’s for dinner?”

“Dude, anong nakain mo at present ka ata for dinner tonight?” Nick asked Johann after they do their fist bump routine.

She still can’t afford to look at Johann at the face. She’s too overwhelmed at his presence. Pati ang paghinga niya ay naging de numero. Pakiramdam niya kasi na pag napalakas ang paghinga niya ay mababaling sa kanya ang atensyon ni Johann.

“Actually, gutom na talaga ako kaya ako nagpunta dito. Nakakasawa na din naman kasi ang mga pagkain sa restaurants.”

Johann handed Jarred a bottle of red wine. Marahil ay paborito iyon ni Jarred dahil ang ganda ng iningiti nito ng mabasa ang label na nasa likod ng bote.

“Thanks, pare. Pandagdag sa collections ko.”

“Anong idadagdag mo? We will drink it tonight. Bigyan na lang kita uli ng ganyan basta ipaalaala mo lang sa akin bukas.”

“Sabi mo yan ha.”

Lumapit si Johann kay Jazz at hinalikan ito sa pisngi. Dahil nasa tabi lang siya ni Jazz, napatingin na ito sa kanya. Hindi niya alam kung maiinis siya o maiinsulto dahil ngayon lang siya nito napansin.

“So.. We have a new guest here..” ngiting ngiting sabi ni Johann.

Kung sa ibang sitwasyon at pagkakataon siguro ay kikiligin siya sa ngiting yun.. Pero masyado siyang kabado ngayon para isipin pa ang kilig.

“Seriously, dude? Ngayon mo lang napansin na may kasama tayong chicks dito?” di makapaniwalang tanong ni Bill.

Naramdaman niyang tinitigan siya ulit ni Johann. Hindi lang basta tingin ng paghanga kundi titig na parang sinusuri nito ang kaloob looban niya.. Gusto niyang sabihin dito na masama ang masyadong tumitig  sa kapwa. She really wanted to say that staring is rude.

Iniangat niya ang tingin at sinalubong ang mga titig nito. She gave him an eye to eye contact. And in a split of seconds, nawala ang mga ngiti nito sa labi. Pati ang ekspresyon ng mukha nito ay nagabgo. She saw how his jaw clenched and how his eyes narrowed and turned from soft to fierce.

JAGS (Just Another Gangster Story)Where stories live. Discover now