flew

14 1 0
                                    

"H-Hello?"

"Pwede ka bang makausap?"

"Pwede naman..."

"Mabuti... Pero kahit naman sabihin mong hindi pwede magdadaldal pa rin ako."

"Huh?"

"Nakakairita eh! Paano kasi, kumakain ako ng tanghalian tapos may mag-jowang umupo sa harap ko at doon naglaplapan. Sa harap ko! 'Di ba, nasaan ang hiya. Kumakain ang tao. Tsaka, alam ko namang single pringle ako, 'di na nila kailangang isampal sa akin ang katotohanan."

"Uhm..."

"Tuloy, hindi ko naubos ang pagkain ko. Ngayon naman, kumukulo ang tiyan ko. Parang nawala kasi 'yung gana kong kumain kanina nu'ng nakita ko sila. Gutom at init ng ulo, hindi pa naman compatible 'di ba."

"..."

"Hello? Nand'yan ka pa ba?"

"N-Nandito pa naman...."

"Gets mo naman ang pinanghuhugutan ko ano?"

"Ahh... Oo. Oo, gets ko."

"Hayss... Alam mo, kung hindi ka komportableng kausapin ako, pwede mo lang naman sabihin sa'kin. Maiintindihan naman kita. Sabihin mo lang at hindi na ako magpaparamdam sa'yo ulit."

"Huh?"

"Oo. Para 'di ka naman maging tila hostage ko. Ayaw ko ring makipag-usap sa may ayaw sa'kin 'no."

"Ahh... 'Di naman sa gan'on. Pero ganito ka ba talaga?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Kinakausap mo 'yung mga 'di mo kilala tapos sinasabi mo ang nangyayari sa buhay mo. 'Di ka ba nag-aalala na baka stalker ako?"

"Bakit, stalker ka ba talaga?"

"Hindi."

"Naman pala eh."

"Pero paano kapag nagsisinungaling ako."

"E'di okay lang."

"Okay lang?"

"Oo, desperado ako eh. Bakit ba?"

"Wala lang."

"It makes it easier you know?"

"Huh?"

"Madali lang sa'kin na magkwento-kwento tungkol sa buhay ko kasi hindi kita kilala. That way, hindi ako masasaktan kung sakali mang judgerist ka."

"Hindi ako judgerist or whatever that is."

"E'di ayos. Much better."

"Alam mo-"

"Wait lang. Start na klase namin. Bye!"

*hangs up*

"Hello?"

*sighs*

"May sasabihin pa naman ako..."

Accidentally On Purpose (Under Revision)Where stories live. Discover now