you

15 2 0
                                    

"Dude! Kanina pa kita tinatawa-"

"A-Ano ba?! Kanina ka pa tumatawag ah, nakaka-inis na! Ang sama-sama na nga ng araw ko. Bakit ba ang malas-malas ko ngayon?"

"S-Sino 'to?"

"Alam mo bang pumasok ako ngayon nang may malaking mantsa ng ketcup sa uniform? Pa'no ba naman kasi, kumakain ako ng burger tapos biglang nagpreno 'yung jeep? Nakakahiya!"

"Ah... Sorry. Wrong number ata ako. Sige, bye."

"W-Wait lang! Wag ka munang mag-hang-up please..."

"B-Bakit?"

"Walang nagkusang kumausap sa akin ngayong araw na ito eh. Ikaw pa lang..."

"Ah... Hindi naman ako makare-relate sa mga sinasabi mo. Ni 'di nga kita kilala."

"K-Kahit makinig ka lang sa'kin?"

"Pero nagmamadali kasi ako-"

"Hayss, sige na nga. Kailan ba mayroong nakinig sa akin."

*hangs up*

"Hello...? Hello?"

*sighs*

"Ba't parang napagod ako d'un."

Accidentally On Purpose (Under Revision)Where stories live. Discover now