Unang Kabanata

5 0 0
                                    

Naisip kong wakasan na ang buhay ko. Wala kasing kwenta kung ipagpapatuloy ko pa.

Hahaha! Nakakatawa!

Lahat siguro ng pasakit ng mundo, nasa akin na.

Nandito ako ngayon sa 7th floor nitong building at handa nang tapusin ang buhay kong pinagkaitan ng kaligayahan.

Tatalon na ako nang bigla akong itulak ng nasa likod ko.

Nakita ko siya.

Ang taong sinumpa ako ng galit.

Ang tatay ko.

Sinisisi niya ako sa pagkawala ng nanay ko.

Kaya bilang kabayaran ay binaboy niya ako at tinanggalan ng respeto sa sarili bilang anak, bilang babae at bilang tao.

Pakiramdam ko ay katapusan ko na. Ito na ang matagal kong hinihintay.

Pumikit ako para damhin ang ihip ng hanging lumalapat sa balat ko, kasabay ng masaganang luha na pinakawalan ng mga mata ko.

Ngunit pakiramdam ko ay nakalutang ako sa alapaap.

Dumilat ako. Hindi pa ako bumagsak. Walang lupang sasalo sa akin.

Hindi pa ako bumabagsak? Bakit hindi pa?!

Nang bigla akong natauhan. Wala ako sa lugar kung nasaan ako kanina.

Wala ang building, walang lupa. Wala siya.

Nasaan ako?

Nakaramdam ako ng bigat sa aking mga mata. Inaantok ako.

Hanggang sa dumilim ang paligid.

-
Nagising ako dala ng kamalayan.

Nasaan ako? Anong lugar ito?

Napakaganda nito. Tila ba paraiso na nang-aakit ng ku

"Nandito ka ngayon sa ibang dimensyon ng mundo na kung tawagin ay Aragon." sagot niya.

Biglang may lumitaw na isang babae. Nabasa niya ang iniisip ko kani-kanina lang.

"Aragon?" tanong ko.

Tumungo siya.

"Dito sa Aragon, pinapayagan ang kaluluwa mong sumanib sa mga nakaraang buhay mo."

Bakit?? Sasaniban ang nakaraang buhay? Bigla akong nalito.

"Paano ako napunta sa lugar na ito?" tanong kong muli.

"Dahil iba ang sinasabi ng iyong puso. Ayaw mo pang mamatay pero dahil sa kagustuhan mong makaalis sa buhay na dinaranas mo ngayon ay tumalon ka mula sa mataas na gusali. At napunta ka dito."

Naguguluhan pa rin ako sa mga sinasabi niya. May ganito palang lugar? Wala ako sa langit at wala din ako sa impyerno.

Nasa purgatoryo ako? Totoo ba 'yon?

"Gusto mo pa bang mabuhay?" tanong niya.

Gusto ko pa nga ba?

"Alam kong oo naman ang sagot mo, kaya bakit ka nagpapakamatay?"

Dahil..

Dahil...

"Dahil gusto mong lisanin at takasan ang mga problemang pinagdudusahan mo, tama ba?"

Oo. Totoo ang mga sinabi niya. Natatakot akong malugmok at talikuran tuluyan ng mundo dahil hindi naman ako katanggap-tanggap.

"Kung gayon ay bibigyan ka namin ng isang pagsubok." base sa kanyang ikinikilos, marahil ay isa siya sa mga nangangalaga nitong Aragon na sinasabi niya.

"A-anong pagsubok? Saka teka? Sino ka ba?"

"Ako si Quara" sagot niya.

Pinakilala niya sa akin kung ano ba ang Aragon. Ito raw ay isang lugar kung saan iba na ang dimensiyong kinagagalawan ng mga nakatira dito. Kadalasan, dito napupunta yung mga kaluluwang hindi pa patay, pero hindi rin buhay.

Hindi siya purgatoryo. Basta ibang dimensyon siya ng mundo.

Nandito ako ngayon para tapusin ang misyon ko. 'Yun lang ang tanging paraan na maaari kong gawin para makabalik sa mundong kinagagalawan ko dati.

Ang misyon ko ay hanapin sa limang taong ibibigay nila kung sino ba ang naging nakaraang buhay ko.

Sa limang taong iyun, ay kapareho kong may balat sa likod.

Sabi ni Quara, doon ako pinatay nung nakaraang buhay ko.

Ang kailangan kong gawin ay sumanib sa limang taong iyon sa loob ng limang buwan. Bale, tig iisang buwan bawat isang tao.

Maaari daw mapalitan ang pangkasalukuyan kong buhay kapag nalaman ko kung sino ba ang nakaraang buhay ko.

Kung paano ko malalaman ay hindi ko rin alam.

Kapag tama ang napili kong tao ay ibabalik nila ako sa simula, kung saan mabubuhay akong muli na parang sanggol. Reborn kumbaga.

Kapag mali naman ang napili kong tao ay mananatili akong ganito at hindi na maaari pang bumalik sa kasalukuyan kong panahon.

Habang buhay na ako sa Aragon. Tulad ng mga taong bigo rin sa pagpili.

At sa ganoon ding paraan ay dapat may matutuhan ako. Kailangan ko nang magmadali.

Dahil ang oras ko ay magsisimula na.

My SoulWhere stories live. Discover now