Pang-apat na kabanata

1 0 0
                                    

Tila lumilipad ang isip ko. Hindi ako makapaniwala na wala na ang pangalawang sinapian ko. Naiiyak ako sa sinapit niya. Napagtanto ko na ang lupit ng mundong kinagagalawan ko. Marahil ay gusto nitong salaminin ko ang bawat pangyayari.

Pagod na  akong mag isip. Tila ba wala ako sa wisyo. Ganoon na lang ang pagtataka ko dahil nasa ibang katawan na naman ako.

Nagising ako sa isang masamang pangyayari. Sinipat ko ang paligid. Maliit at mabaho.

May isang tukador sa gilid nitong higaan. Sa harap ay may salamin, katabi ang iba't ibang klase ng kulorete sa mukha at buhok. Sa kabila naman ay banyo, may kusina pero hindi halata dahil sa tambak ng basura.

Sinuri ko naman ang katawan ko. Makinis na balat ngunit may mga pasa. Tumingin ako sa salamin, maganda.

Maganda ako.

Mali.

Napakaganda ko.

Hindi ko mawari ang paghangang nakikita ko ngayon.

Ako ito? Sa naunang buhay ko?

Napangiti ako. Hindi ko alam kung bakit, basta napangiti na lamang ako.

Tumayo ako para humanap ng makakain. Ngunit ganoon na lamang ang gulat ko ng bumagsak ako.

Sobrang sakit ng katawan ko. Para akong lumpo na hindi makalakad sa sobrang sakit.

Sinubok kong makatayo at hindi naman ako nabigo. Agad akong humanap ng gamot para patayin ang sakit at swerte namang meron.

Para bang kabisado ko na lahat ng kailangan kong gawin. Kusang gumagalaw ang kamay ko para gawin ang mga bagay na nakasanayan ko na.

Ngayon nga ay palubog na ang araw. At naghahanda na ako sa pagpasok. Kung saan, ay hindi ko pa alam. Pamilyar ang lahat ng ito. Tila ba araw araw ay ito ang ganap sa buhay ko.

Nagsimula na ako maligo. Nag ayos at nagbihis.
Naglagay ako ng kulorete sa mukha na lalong nagpatingkad sa maganda kong mukha.

Hindi maipagkakailang maganda ako. Makinis ang balat ko na may mga munting pasa na mamula-mula.

Naghanap ako ng idadamit sa gabing yon.

Damit nga bang maituturing ito? Halos makita na ang buong katawan ko dahil sa nipis ng tela.
Nagulantang akong malaman na mga pribadong parte lamang ng katawan ko ang matatakpan.

Pero wala ni isang pagpakalito ang naramdaman ko.

Alam na alam ko ang trabahong ito dahil kinse anyos palang ako ay ginagawa ko na ang bagay na ito.

Ano nga bang tawag sa ganito?

Pokpok? Malandi? Kalapating mababa ang lipad? Prosti? Bugaw? Puta?

Di ko alam kung alin diyan sa mga yan ang tamang katawagan para sa trabaho ko.

Nagmadali na akong kumuha ng idadamit at nagbihis.

Alas diyes na ng gabi at nagsisimula ng dumami ang mga tao.

Mayayaman at mukhang may ipambabayad ang mga taong to dito sa club na pinagtatrabahuan ko.

Nasa likod na ako ng stage para maghanda sa pagsasayaw.

May kumalabit sakin. Paglingon ko ay nakita ko ang manager nitong club at inabot ang maliit na plastic na may laman na para bang tawas.

"Para saan ito?" Tanong ko.

"Iabot mo lang 'yan sa businessman na magta-table sayo mamaya."

"Ano ba ito? Tawas?" Tanong kong muli.

Yayımlanan bölümlerin sonuna geldiniz.

⏰ Son güncelleme: Apr 10, 2019 ⏰

Yeni bölümlerden haberdar olmak için bu hikayeyi Kütüphanenize ekleyin!

My SoulHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin