"ayaw mo na ba akong pakasalan?" biglang tumulo ung luha ko nung nakita ko na malungkot ung mga mata ni lawrence, alam ko yang matang yan, ganyan na ganyan ung nakita ko nung araw na nakita ko siya ulit sa bar, parang tinutusok ung puso ko sa sakit, bakit ang hirap para samin ang maging masaya, kung my masama ba kaming nagawa sa diyos ano un bakit kailngan kaming pahirapan ng ganito

"alam mong hindi totoo yan, kaya ako andito dahil naniniwala ako na para ako sayo, kaya ako andito dahil mahal kita, kung wala ako dito tska ka mag duda na ayaw kitang pakasalan" sabi ko habang pinapahiran ung mga luha ko, buti na lang din at walang tao sa simbahan, kaya kahit iyak ako ng iyak walang makakakita

"tara na mahal ko?" 

kahit alam kong hindi kami makakasal ni lawrence sa simbahan na to, nung nilahad niya ung kamay niya, parang my sariling buhay ung kamay ko na abutin ung kamay niya, napangiti pa nga ako nung nahawakan ko ung kamay niya dahil nakaramdam ako ng kuryente, akala ko kasi para sa mga teen ager lang ung sinasabi nila na kuryente, hindi pala.

"lord ayaw nila kami kasal, okey lang ba na ikaw na lang magksal samin?" napatitig ao bigala kay lawrence nung lumuhod siya bigla sa altar, ung puso ko gusto ng lumabas sa katawan ko dahil sa sobrang lakas ng tibok, ngayon alam ko na, nararamdaman ko na kung bakit, sa dami ng kasalanan ni lawrence sakin, hindi magawang magalit nung puso ko sa kanya, kasi kahit siya ung pumatay dito, siya din ung nag balik nung buhay

"lord, sinusumpa ko sayo, mamahalin ko po si gavin, papasiyahin, gagawin ko lahat makita ko lang siyang masaya, aalagaan ko siya hanggang sa pag tanda namin, bibigayan namin kayo ng mag mabubuting bata, ipinapangako ko po na hanggang sa huling hininga ko, si gavin lang po ung mamahalin ko, sa hirap at ginhawa"

habang nanunumpa si lawrence sa diyos, hindi ko mapigilan ung mga luha ko na wag tumulo, sabi ko pa nman nakakasawa nang umiyak,pero alam ko sa sarili ko hindi na to ung iyak na masakit, alam kong iyak na to dahil, pakiramdam ko tapos na ung pag iintay ko kay happy ending.

lumuhod ako sa tabi ni lawrence na nakatungo pa din, naririnig ko na din ung mga hikbi niya, sana parehas kami ng nararamdaman, sana alam niya na tapos na.

"lord, pinapangako ko po na mamahalin ko si lawrence, alam kong narinig mo na sakin to ng maraming taon na, pero uulitin ko po ulit, lord akin na lang po si lawrence, wag niyo na po siyang ilayo sakin, ipinapangako ko po na hanggang sa huling hininga ko siya lang ung mamahalin ko, mamahalin ko po si lawrence kahit sa panahon na mahirap, sa panahon na walang naniniwala sa pag mamahal ko sa kanya, mamahalin ko po siya, sa lahat ng paraan na alam kong sasaya siya" sabi ko habang nakatitig ako sa altar, hindi pala namin talga kailangan ng papales, pwede na pala kaming ikasal, sa totoo lang alam kong mas maganda to sa lahat ng kasal na nakita ko, dahil dito sa diyos kami mismo nanunumpa

"gab" napangiti ako nung nilingon ko si lawrence, my hawak siyang singsing, simple lang siya kung tutuusin, kulay silver na merong nakatatak na heart, marahan na inangat ni lawrence ung kamay ko at inilagay ung singsing sa palasingsingan ko, ung tibok ng puso ko mas lalong bumilis nung dahan dahan lumapit sakin si lawrence

DI KITA CRUSH!!! plus THE SEQUEL ( sa kanya)Where stories live. Discover now